Chapter 23
Pagkapasok na pagkapasok ko sa room ko hinagis ko na agad sa kama yung bag ko at dumiretso na sa bathroom para maligo. Swear ang lagkit ng pakiramdam ko, like duh ikaw ba naman biglang sugudin ng isang ahas habang sarap na sarap kang nakaupo. Napangiti tuloy ako, ako pang tinakot niya.. Eh ano ngayon kung sira na yung image niya? Yun nga yung maganda eh.. Sisirain ko pa lalo.
Nag babad na ko sa bathtub. Ang sarap talaga sa feeling na may galit na galit sayo pero wala silang magawa.
"Kahit ibahin mo man ang ikot ng mundo naging magkaibigan pa din kayo at aminin mo man o hindi, alam ko Denise.. Nararamdaman ko na may lugar pa rin siya sa puso mo"
Bigla kong naala yung sinabi ni Princess kanina.. Mahigpit akong napakapit sa bathtub. Oo nga tama siya na naging kaibigan ko si Grace kahit papano pero hindi mo pa rin maalis yung katotohanan na ginago niya ko.. Ginago nila ko. Madiin kong pinagdikit yung labi ko. Nagsisibalikan sa akin lahat ng memories noon.. Akala ko ayos na.. Akala ko tanggap nila kung sino ako, pero nag kamali ako. Dahil sa likod ng lahat ng pinapakita nila, lahat yon pag papanggap lang.Tumayo na ko sa pagkakababad sa bathtub at sinuot yung robe ko.
Naghanap agad ako ng pwedeng masuot na damit at nagpalit agad. Nag-ayos din ako. Light make up lang. Pagkatapos kong mag ayos, agad na kong tumayo palabas ng kwarto ko ng bigla tumunog yung telephone na ibig sabihin may nag iwan ng message.. Hindi ko siguro napansin kanina noong na sa banyo ako. Pinindot ko naman agad yung telephone para mapakinggan kong sino man yon.
"Don't you ever try to create a mess Denise, hindi ako mag dadalawang isip na pumunta diyan sa Pilipinas" napangisi naman akong tumayo palabas ulit ng kwarto ko. Alam na pala nila.. Wow sir after 4 years buti naalala naman nilang tumawag.. Huh hindi na ako magtataka, for sure bawat kilos ko nakabantay sila ngayon.. kung hindi ko pa alam baka nga may sumusunod pa sa akin. Kinagat ko naman yung labi ko. Kahit kailan pangalan lang nila at image yung iniisip nila ni hindi man nila maalala na may tatlong anak sila na naghahanap ng tinatawag na magulang na aalay sa mga anak nila. Oo nakukuha at nagagawa ko lahat ng gusto ko pero simula noong nagkandaleche-leche yung buhay ko, na saan sila para alalayan ako? Hirap na hirap ako at iyak ng iyak pero ni minsan hindi nila naisip na umuwi noon para tinignan kong buhay pa ba ako! Kaya hindi nila ko masisisi kung bakit ako lalong naging ganito dahil umpisa pa lang sila na yung nag kulang.
"Den saan ka nanaman pupunta?" bigla namang lumitaw si manang Minda na nagpabalik sa akin sa realidad.
BINABASA MO ANG
My Revenge
Teen FictionPagkalipas ng apat na taon siya ay nag babalik pero hindi na bilang isang mahinang babaeng. Sisiguraduhin niyang sa pag babalik niya mag babayad lahat ng dapat mag bayad. (Editing..)