Chapter 6
Napailing na lang ako. Ang drama ko na! Mag shopping na nga lang ako at baka lalo lang akong mabanas. Bumaba na ko para hanapin si manong Fred itatanong ko lang kung na saan yung susi ng kotse.
"Manong Fred!!"
"Manong!!!!"
"Mano---"
"Bakit hija?" natatarantang lumapit si manong sa akin. Ang bad ko na, kanina si manang tapos ngayon si manong.
"Ano ho kasi. Pinadala ho ba ni ate lahat ng kotse ko?" tanong ko sa kaniya.
"Oo, nandoon na lahat sa garahe."
"Thank you manong, yung pong susi?"
"Andun sa Key room tignan mo na lang nakalabel naman yung mga susi."
"Salamat manong!"
"Saan ba ang lakad mo iha?"
"Mamimili lang ako ng mga damit ko po." Nakangiting sagot ko sa kaniya.
"Ihahatid na kita." turan nito na nakapag pasimangot sa akin.
"Wag na manong kayo ko na pong mag drive."
"Mag ingat ka ha" nag alalang paalala niya sa akin. Nginitian ko naman siya at tumango. Ang sarap talaga sa pakiramdam minsan na may nag alala sayo.
**
Nandito ako ngayon sa garahe tinitignan ko kung anong pwede kong dalhin. Ayoko naman mag dala ng sports car lalo na at mall kaya yung pupuntahan ko baka pag interesan pa yung kotse ko o hindi kaya kuhanin yung gulong katulad ng ginawa nila doon sa kotse ni Sam Milby doon sa movie nila ni Toni Gonzaga. Hehehe. Nakita yung black convertible ko. Eto na lang siguro. Wondering what I am wearing right now?
Well I'm wearing a long sleeve shirt na kita yung pusod ko and a short short, problem with that? Alang alang naman mag suot ako ng gown sa mall diba? Sabihin na nilang bitch ako. Look who's talking, judgemental people. I really hate it when people define girls base on their clothers. Like what the fuck?
"MARYOSEP NA BATA KA! ANO BA YANG SUOT MO?!" pinanlakihan ako ng mata ni manang. Mahinang napahagikgik naman ako sa reaction niya.
"Manang malamang ho damit." sarkastikong sabi ko sa kaniya habang naka pout. Hirap sa matatanda eh!
"Ay nakung bata ka oh! Bat ganyan suot mo! Kulang na lang makita na yang singit mo sa sobrang ikli!" napapout naman ako lalo si manang naman talaga!
"Manang naman, uso to ano ka ba!" pinanlakihan lang niya ako lalo ng mata sabay taas ng kamay niya na sign na pinapa akyat ako sa kwarto ko para magpalit.
"Abat umakyat ka doon at magpalit ano na lang sasabihin ng mga tao sa suot mo! Gusto mo bang pinag titinginan ng mga kalalakihan?" wow manang nosebleed ako sayo.
"Look manang puro ganito lang dala kong damit and I don't care kung anong sasabihin nila kasi hindi naman nakakabusog yon, Okay na ba manang? So can I go now? Babye!"sabay flying kiss tsaka takbo na. Sesermunan lang ako non kapag hindi ko pa siya iniwanan.
Anyway, Sunday na ngayon so it means bukas may pasok na ko actually in coming 3rd year college na ko niyan sorry wala kasi akong tamang introduction. Huwag akong sisihin niyo, si author yung sisihin niyo!
**
Pagkadating na pagkadating ko, agad na akong naghanap ng parpaparkan. Andito na ko sa mall ambilis ba? Huwag ka ng magtaka pa uso yan ngayon.
"Girl look at her."
"Oh God I think she's a bitch but it fits her naman eh"
"witwit!!"
Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh mga bubuyog kalat-kalat. Nag lakad na lang ako habang nakataas yung isa kong kilay, Hindi na uso painosente ngayon!
**
Nakakapagod grabe! Napasukan ko na halos kahat ata ng mga clothing store's dito eh. Anyway, pansin ko lang anyway na ko ng anyway. Mark niyo na lang yan as word of the day, andito nga pala ako sa isang coffee shop.
"Ahm Miss?"
"Yes?" sabay taas ko ng kilay syempre para alam nitong maldita ako.
"You look familiar." ikaw din try mo kayang alisin shades mo. Pinaka titigan ko naman siya. Ngayon talaga alam ko na kung bakit yung ibang artista madalas salamin yung pang disguise.
"Ah? Can you remove your shades?"
"Sure" and then she did it. Pfft good dog. Joke.
OMFG.
-------
BINABASA MO ANG
My Revenge
Teen FictionPagkalipas ng apat na taon siya ay nag babalik pero hindi na bilang isang mahinang babaeng. Sisiguraduhin niyang sa pag babalik niya mag babayad lahat ng dapat mag bayad. (Editing..)