Chapter 26

5.7K 158 16
                                    


Chapter 26


Agad ko itong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa habang may naglalarong mapanglait na ngiti sa mukha ko. "Is that all you've got? I didn't expect na mas baba pa pala ang level mo" while plastering my oh so famous loop-sided smile to her. 


"How dare you bitch!" nanggagalaiting usal niya. Akmang sasampalin ako nito ng agad na nahawakan ni Cesz yung kamay niya. Poor lady. I bet namimilipit na sa sakit ngayong yung kamay niya.


"Bitawan mo ko!" pilit pa rin itong kumakawala sa pagkakahawak ni Cesz pero malamig na tinitigan lang siya ni Cesz. Agad ko namang ibinaling ang tingin ko sa tigreng nagwawala ngayon habang mababakas mo sa mukha niya na pilit nitong tinatago na nasasaktan na siya sa pagkakahawak ni Cesz.


"Damn you freak! Get off your filthy hands on me!" wala sa loob na bumungisngis ako ng tawa. This is really hillarious! Cesz gave me a look as if nababaliw na ko. "Sorry can't help it!" sagot ko sa kaniya habang patuloy pa rin sa pagtawa. Naramdaman ko naman na biglang natahimik sa buong cafeteria kaya dahan dahan na tumigil na ko sa pagtawa. Nang naramdaman kong okay na ko, I slowly release a small smile.. more like a small insulting smile.


"Fudge! Pwede ba gurang stop moving or else I will break your bones!" malamig na turan ni Cesz. Nanlaki naman ang mata nito habang tinitimbang kung seryoso ba talaga si Cesz sa sinasabi niya. Nang mapagtanto nitong seryoso si Cesz inirapan niya lang ito sabay bumaling ulit sa akin habang tinatapunan ako masamang tingin.


Inosenteng tinignan ko naman siya. Ilang minuto kaming naglabanan ng tingin ng naramdaman kong unti-unti nanaman akong napapangiti. "I didn't know that this is how you welcome people.." mapanuyong udyok ko dito.


Biglang lumakas ang bulungan sa Cafeteria. Damn this senile girl.


"Wooooooh"


Nandidiring pinunasan ko ang braso ko na nasagian ng spit ng gurang na to. Damn no one can ever dare to do something like that to me unless she wanted to face my fuckin' bad side.


Masamang tinapunan ko ito ng tingin. Mahigpit pa rin siyang hinahawakan ni Cesz habang umiinom ito ng strawberry juice niya. I slowly walk a little bit more to her. Na-uh girl you've done the wrong move.


Buong pwersang hinawakan ko ito sa panga. Naramdaman ko ang pagtigas ng panga nito habang mas lalo kong dinidiinan ang pagkakahawak sa panga niya. Madilim na tinitigan ko siya sa mata. "Strike two.." I mumble softly to her. Tama na para marinig naming tatlo ni Cesz. "First, tinapunan mo ko ng juice and you dared to fuckin' spit on me.." malamig na dugtong ko dito. Mas diniinan ko pa ang pagkakahawak ko sa panga niya habang ang isa ko namang kamay ay pinadaan ko sa braso niya hanggang sa leeg.


Madiin na pinindot ko ang leeg nito. Nakita ko naman na agad itong napapikit at pilit na iniinda ang sakit. Pinasadahan ko ulit ang braso nito papunta sa kamay niya, nangingising inangat ko ang kamay nito. Isang kamay lang naman ang hinawakan ni Cesz sa kaniya. Madiin na pinisil ko ito sabay tingin sa watch niya.


Bigla kong binitawan ang pagkakahawak ko sa kaniya at nag umpisa ng mag lakad palabas ng Cafeteria.


I suddenly stop ng na sa tapat na ko ng pintuan. "Ladies and Gentlemen, you can do whatever you want to do with her.." 


and with that I left the Cafeteria. Damn, late nanaman ako.

**


Pagkalabas na pagkalabas ni Denise sa Cafeteria agad din binitawan ni Cesz ang kamay ng naturang babae at malamig na nilagpasan lang ito para kuhanin ang gamit niya.


Pagkatapos nitong maligpit ang gamit ay tuloy tuloy na rin itong naglakad habang nararamdaman mo pa rin ang katahimikan sa buong paligid. Naiiritang napailing na lang si Cesz habang iniisip nito na sana ganito na lang katahimik lagi sa Cafeteria at baka natuwa pa siya.


"Poor you Cesz...."


Napatigil si Cesz sa paglalakad ng marinig niyang mag salita muli ang naturang babae. Banas na banas talaga siya sa babaeng iyon at kung hindi lang siguro dahil sa masisira ang malinis niyang records sa school ay baka binalian na talaga niya ito ng buto kanina pa.


"Kaya ka iniwan ni Xander.." mapanuyong kantyaw nito kay Cesz. Malalim na napahugot ng hininga ang mga tao sa paligid nila. Oo, sikat noon ang pares ng dalawa at malaking question pa rin sa kanila kung bakit na lang ganoon ang naging kinahitnan ng relasyon nina Cesz at Xander. Kahit na nakipag break si Xander kay Cesz sa harap ng buong campus ay hindi rin naman nila alam kung ano ba talaga ang tunay na dahilan. Dahil na rin sa madaming bersyon na kumalat sa paghihiwalay ng naturang pares. Nanggigigil na kinuyom ni Cesz ang kamay niya habang nakangiting aso naman ang naturang babae na tila ba'y nanalo ito ng jackpot sa lotto. "You're nothing but a boring freak clingy girl.."


1...2...3..


"Don't worry.." madiin na sagot ni Cesz. Ramdam mo ang tensiyon sa paligid pero nandoon pa rin ang pagiging kalmante ni Cesz. "Ayoko rin namang malahian ng lahi niyo.."


"Paliguan niyo na yan."


**

Umabot pa ko? Wala pa namang one week diba? haha

Vote and Comment please :3

My RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon