Chapter 4

8.8K 195 19
                                    


Chapter 4


Kalahating oras na din ang nakalipas ng lumapag ang eroplano na sinakyan ko kanina galing sa Australia. Kasalukuyang hinihintay ko na lang dumating yung sundo ko. Mahinang tinatapik ko ang shoulder bag na hawak ko habang nakatingin sa wrist watch ko.


"Ma'am Denise?" dali daling inangat ko ang tingin ko ng marinig ko ang isang pamilyar na tinig.


"Manong Fred!" nakangiting niyakap ko ito. 


"Hija ang ganda mo na ha!!" naiiling na humiwalay ako sa pagkakayakap ko dito at mahinang tumawa sa tinuran niya.


"Kayo naman manong parang sinabi mo na rin ang panget ko dati. " biro ko sa kaniya.


" Ikaw talaga. Ang ibig kong sabihin mas lalo kang gumanda." 


"Yan naman gusto ko sayo manong!" niyakap ko siya ulit. Parang pamilya na din yung turing ko sa kaniya. Sa tagal ba naman niyang nag tatrabaho sa pamilya namin.


"Ikaw talagang bata ka. Mabuti pa't tara na. Akin na yang mga gamit mo." hinablot naman niya sa akin yung mga bag na dala ko. Parang tatay ko na din sa manong Fred.


"Manong kanino tong dala mong Bugatti Veyron?"  habang inuusisa ko tong kotseng dala niya.


"Pinadala yan ng ate mo dito kahapon para daw may magamit ka." Nangiti naman ako, yung babaeng talagang yon. Alam niya talaga kung anong gusto ko.


"Sakay dali na. Malayo layo pa ang biyahe natin."


 **


"Hija, gising na andito na tayo." naramdaman ko na may mahinang umaalog sa balikat ko. Agad akong nag mulat ng mata at nag inat.


"Sige po manong pakipasok na lang po yung gamit ko." nakangiting pakiusap ko sa kaniya.


"Kanina ko pa naipasok. Dalian mo na riyan at nang makakain ka." nakangiting tinanguan ko ito at agad nang bumaba sa sasakyan. Kahit naman nag bago naman ako alam ko paring gumalang sa nakakatanda pero na lang sa mga hindi ka galang galang. Patakbong dumiretso muna sa kusina. Gutom na ko no! Ang haba kaya ng biyahe ko!  


"Anaaak!" gulat na sigaw ni nanay Minda. Agad kong napansin  na naiiyak siya kaya pinunasan ko yung luha niya. Nanay Minda talaga ang drama!


"Kamusta ka na? Gumanda ka lalo ha!" nginitian ko siya. Itong gustong-gusto ko kay nanay Minda nag sasabi ng totoo!


"Bolera ka parin nay! Buti ka pa yan binungad mo sakin si manong Fred sabi niya gumanda daw ako hindi tulad mo gumanda lalo agad sinabi mo."sumbong ko sa kaniya.


"Ikaw talgang bata ka oh. Halika dito at makakain ka na." Aya nito. Agad din naman akong tumalima at umupo sa upuan.


"Naku manang mananaba ako nito!"biro ko sa kaniya.


"Ayaw mo noon libre salbabida." 


"Manang naman eh!"


"Ikaw naman hindi mabiro. Kumain ka na."


 **

"Manang akyat na po ako " pag papaalam ko sa kaniya. Nag unat muna ako. Kanina pa kasi kami nag kwekwentuhan haha namiss niya daw ako eh!


Napatitig naman ako sa pintuan na na sa harap ko. Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga. Parang hindi ko kayang buksan tong kwartong to. Nakakatakot lang na isiping pag bukas ko dito madaming ala alang magsisibalikan na matagal ko ng binaon at nilimot.


"Hindi parin nagbabago." napangiti ako ng mapakla. Tinignan ko yung closet. Andito pa rin yung  mga damit ko noon. 


Pagkatapos kong ayusin ang mangilangilan kong gamit, dumiretso ako patungo sa kama ko. Katulad ng closet, ganoon pa rin ang itsura nito maliban sa kobre kama na halatang napalitan. Dulot ng sobrang habang biyahe, wala sa sariling ibinagsak ko ang katawan ko sa kama.


"What the fck." Naiiritang hinipo ko ang likod ko. Ano ba tong pesteng nakaumbok. Bagamat pagod na pagod, umusog ako para makuha kung ano man yung pesteng bagay to. 


"Shit." 


 **

My RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon