Chapter 27"That was quite a scene.."
Naputol ang pagmumuni-muni ni Denise ng biglang may mag salita sa tabi niya. Pagkatapos kasi ng enkwentro nila ng magaling niyang pinsan ay agad siyang tumuloy sa klase niya. Oo unfortunately pinsan nga niya ang babaeng yon. Last subject na din naman niya iyon kaya pagkatapos noon ay dumiretso siya sa field para magpahangin sana.
"Stalker ka ba?"
"Pwede rin.." nakakalokong kinindatan siya nito sabay tawa. Infernes kay kuya ang sexy ng tawa niya.
Mahabang katahimikan nanaman ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Lalo na't hindi naman talaga sila personal na magkakilala.
Wala sa loob na napatingin si Denise sa wrist watch niya. 5:32 pm. Dagli- dagling kinuha niya ang shoulder bag ng hindi tinatapunan ng tingin ang lalaking sumira sa pag momoment niya. Like hello? Hindi nga sila close diba?
"Panyo!"
Napatigil sa paglalakad si Denise pero hindi pa rin niya ito nilingon.
"Thank you sa panyo ko!" sarkastikong sigaw nito na nagpangisi naman kay Denise. Sabi naman sa inyo stalker ito.
Tinaas lang ni Denise ang kanan na kamay niya sabay patuloy na naglakad. Madami pa siyang kailangan gawin at ayaw naman niyang maaksaya lamang ito sa stalker niya. She inwardly chuckled at her thought.
**
"Kamusta na yung pinapagawa ko sayo?"
Patuloy pa rin sa pagtatype ito at ni hindi tinapunan ng tingin ang taong kakapasok lang sa opisina niya. Kilala naman niya ito.
"On progress na po.." mahinang wika nito. Dahil dito nakuha niya ang atensiyon ni Denise. Taimtim na tinignan siya nito kasabay ng unti-unting pagpapakawala nito ng mahinang tawa.
"Ilang araw na nga ba nang ipatrabaho sayo iyan?" mataman na wika ni Denise. Bagamat nakangiti ito mababakas mo pa rin ang panganib sa tingin niya.
"3 days m-ma'am.." nanginginig na sagot nito.
"And yet you're telling me that's it is still on progress?" she sarcastically stated. "Are you mocking me sweetheart?.." she slowly tapped her desk.
"I a-am tr-ying my best ma'am.."
Malakas na tinawanan niya ito sabay dahan dahang lumipat. Kasulukuyan pa rin itong nakatayo habang nakayuko ang ulo.
"You know sweetheart.." tumigil siya sa harapan nito sabay hawak sa mukha nito na naging dahilan para magkasalubong ang mata nilang dalawa. ".. I didn't hired you to try your best..." she smiled sweetly at her still looking at her eyes. "I want it to be done tomorrow."
"Y-es ma'am."
"Dismissed."
Hindi na nito kailangan pang ulitin ang sinabi niya dahil agad na kumaripas ito ng takbo para makalabas. Poor little woman, napag initan pa tuloy siya. Pabagsak na umupo siya sa upuan niya at dahan dahang minasahe ang noo niya. She wants everything to be done immediately.
"Problema?"
Dahan dahan siyang nagmulat ng mata at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Wala. Just some stupid woman.." she gritted her teeth, remembering that girl again.
"Chill ka lang.." natatawang tinapik siya nito sa balikat sabay masahe.
"Imagine 3 days na since ipinagawa ko sa kaniya yon?! Darn her!"
"Ano ba kasi yon?" nagtatakang tanong ni Cesz sa kaniya.
"Na-ah not now.." Denise smiled knowingly at her. Itinaas lang naman ni Cesz ang dalawang kamay niya sabay upo sa visitor's chair.
"Oo nga pala" excited na wika ni Denise na nagpagulat kay Cesz. "The party.."
Agad na nagsalubong ang kilay nito. Ang tigas talaga ng bungo ng babaeng ito. " I already told you that I'm not going in that shit.." she hissed.
"Huwag ka ngang kj! Gusto ko lang siraan ang araw ng malditang yon.." nakabusangot na turan nito. "Pagkatapos ng ginawa niya na eksena noong isang araw sa cafeteria? Anong akala niya ganoon na lang yon?!"
Naiiling na napabuntong hininga na lamang si Cesz. Ano pa nga bang magagawa niya?
**
Heeeeeeeeeeeeeeeey! Sorry kung ngayon lang ako ang update. Hehehehe peace tayo! Medyo nakakawalang gana din kasing iupdate to lalo na noong nag back read ako. Narealize ko na ang oa ko pa lang magsulat dati hahahaha!
BINABASA MO ANG
My Revenge
Teen FictionPagkalipas ng apat na taon siya ay nag babalik pero hindi na bilang isang mahinang babaeng. Sisiguraduhin niyang sa pag babalik niya mag babayad lahat ng dapat mag bayad. (Editing..)