Chapter 3

10K 225 14
                                    


Chapter 3

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Agh, fuck this effin hang over! 


Bigla naman akong napatingin sa nag bukas ng pintuan. Napakunot lalo ang noo ko. Ano nanamang kailangan nito?!


"What the hell?! Anong ginagawa mo dito?!" I irritatedly told her habang papalapit siya sa akin.


"Yan ba ang tamang pag greet sa nakakatanda mong kapatid?" tinaasan niya ko ng kilay sabay hagis sa akin ng folder na hawak niya "Well idadaan ko lang sana tong passport mo at papers naka enrolled kana din sa school natin." inirapan ko siya. Daming arte pwede naman niyang ipadala sa mga tauhan niya.


"Wala na ba? Shoo mag aayos pa ko!" 


Pinanlakihan naman niya ako ng mata "Thank you ha!" sarcastic na sabi niya sa akin. Nginiwian ko lang siya. Bigla namang nag salubong yung kilay niya "What the! Ang baho! Uminom ka ba?!"


"May umiinom ba ng alak na amoy pagkain?"sarkastikong sagot ko sa kaniya. Huh anong akala niya siya lang pwedeng maging sarcastic.


"Ano pa nga bang aasahan ko sa babaeng tulad mo?" iritang sabi nito habang tinatakpan yung ilong niya. Psh ang arte talaga!


Tinignan ko siya ng masama. Ang arte talaga kaasar! "Wala ka pa bang balak umalis?! Kanina ka pa hinihintay ng pintuan ko mahiya ka naman." sabi ko sa kaniya habang hinihimas yung noo ko. Ang sakit talaga ng ulo ko!


"Whatever! Good luck with your evil plan."


"Oo na!"


Mind reader! Etong mahirap pag kilalang kilala ka ang tao eh. Well if your wondering lang naman kung anong plan yung sinasabi niya, siguro naman malinaw pa sa sinag ng buwan yung title diba?


Flash Back


"Den.." napa angat ako ng tingin ng biglang sumulpot sa harapan ko si Cesz. Nakayuko ito habang nakahawak sa dalawang tuhod niya habang pilit niyang pinapakalma yung sarili niya.


"Here.." Nagtatakang inabot ko sa kaniya yung water bottle ko na agad naman niya kinuha at ininom.


"Den..." dahan-dahan itong tumabi sa akin sabay kuha sa dalawang kamay ko. Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan. "Alam kong hindi to tama pero, I think you really need to see this..."


Nanginginig na inabot niya sa akin yung Ipad niya. Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko pagkatapos niyang ipanood sa akin iyon. Mga walanghiya sila.


My bestfriend and my boyfriend making out. Cool.


"Ces! Fudge, I told you not to meddle!"


"Para ano Xander?! Para gawing tanga ng kaibigan mo ang bestfriend ko? Fuck that!"


Wala. Pakiramdam ko namanhid ang buong katawan ko. Hindi ko maintindahan kong ano ng pinagtatalunan nilang dalawa. I can't believe this.


"Denise..."


"Tarantado ka! Ang kapal talaga naman ng mukha mong gago ka ano!"


"Damn it, Ces. Will you please stop making a scene!"


Hinang hina na ako. Naramdaman kong lalong bumilis ang pagtulo ng mga luha ko.


"Please Den..." Nanlalabo man ang paningin ko pero pinilit ko pa rin mag angat ng tingin. "I-I'm sorry.." halos pabulong nitong sabi sa akin.


"L-ook I didn't mean.. I m-ean we d-idn't mean it" pilit na pag papaliwanag niya. Nakikita mo sa mukha nila na naguguilty sila to be specific you could see the pitiness in their eyes.


Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko at ang panlalabo ng mata ko. Nginitian ko silang dalawa. Isang mapait na ngiti.


"Mga baboy kayo.."


End of Flashback


Ang tanga ko no? Nakuha akong lokohin ng sarili kong boyfriend at best friend after that incident umalis ako ng Pilipinas para maka move on at para mabuo na din yung plano ko. Actually simula noong dumating ako sa Australia madaming nag bago sa akin.


Alam lahat ng ate ko kung anong nangyari sa akin. Noong una tinatry nila na ayusin lahat hanggang sa dumating na yung time na nakukuha na nilang sumuko sakin. Actually part din ng plano ko yun para payagan niya kung umuwi ng Pilipinas. Para magawa ko lahat ng pinag planuhan ko.


*


**** Airlines 200 to the  Philippines is now ready for departure. Passengers are requested to proceed to the aircraft. Please keep your boarding cards ready.


"Goodbye Australia"

**

My RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon