Chapter 25
"Maaga ata ang alis mo ngayon?"
Dahan-dahan akong nag angat ng tingin ng marinig ko yung boses ni Nanay Minda. Kasalukuyan kasi akong may kinakalkal sa bag ko ng bigla siyang nagsalita.
Binigyan ko siya ng tipid na ngiti sabay tango "Opo nay, maaga po yung klase ko ngayon.." agad naman itong ngumiti sabay nag patuloy sa pag luluto.
"Kumain ka muna kahit kaonti lang Denise, lagi ka na lang hindi kumakain" may bakas ng pag aalala sa tono nito. Lihim naman na napangiti ako habang naiiling na naglakad papunta sa lamesa. Lagi kasi akong uumalis ng bahay at madalas hindi na ko kumakain dito, kaya hindi ko maalis kay nanay Minda na mag alala. Well, sino pa bang aasahan kong mag aalala sa kalagayan ko?
"Alam mo Denise.." dahan dahan nitong pinunasan ang kamay niya sabay patay sa niluluto niya. Seryosong tinitigan niya ako na sinuklian ko din ng madiin na tingin. "Hindi sa pinapakealaman kita sa mga ginagawa mo pero alam mo naman na napamahal kana sa akin diba?" dahan-dahan akong tumango sabay ngiti sa kaniya.
"Alam ko naman yon nay.." nangingiting tinitigan ko siya habang nag lalagay sila ng pagkain sa hapag kainan.
Matagal ng naninilbihan sa amin si Manang Minda at halos siya na din yung nag palaki sa aming magkakapatid sa kadahilanan na wala naman lagi sa bahay yung mga parents namin. Masyado kasing subsob sa pagpapayaman.
Tahimik akong kumain. Sa totoo lang, simula ng umuwiako pangatlong beses ko pa lang kumain dito sa bahay. Nakakamiss din pala kahit papano.
"Ang ate mo ba hindi uuwi dito sa Pilipinas?"
Natatarantang inabot ko yung baso at dali-daling uminom. Agad ding lumapit sa likuran ko si Nanay Minda sabay hagod sa likod ko.
"Dyuskong bata ka! Dahan-dahan ka nga sa pag nguya!" nag papanic na sermon nito sa akin.
Nang naramdaman kong okay na ko, sinenyasan ko si manang sabay sandal sa upuan. Si nanay Minda talaga napaka wrong timing!
"Nay naman! Alam mo namang sensitive ako pagdating sa ganyang usapan!" seryosong sagot ko sa kaniya. "Dapat hindi mo binabanggit sa akin yan lalo na pag na sa harap ako ng pagkain nay..." pagpapatuloy ko pa habang nakasimangot.
Tinaasan ako ng kilay ni Nanay Minda. Oh ano inggit kayo no? Sa edad niyang yan nagagawa pa niya kong taasan ng kilay!

BINABASA MO ANG
My Revenge
Teen FictionPagkalipas ng apat na taon siya ay nag babalik pero hindi na bilang isang mahinang babaeng. Sisiguraduhin niyang sa pag babalik niya mag babayad lahat ng dapat mag bayad. (Editing..)