Chapter 2

10.3K 227 15
                                    

AN:

Konting pasilip sa look ni Kuya Chris.. --------------------------------------------->>

Abangan ang mas madami pa nyang pics SOON.

Sam's POV

"Will you stop laughing? Kanina ka pa.", naiinis na sabi ni Cleo kay Samantha. Nandun sya sa bahay ng kapatid nya. Hindi nya rin kasi matiis na hindi makita ng cute na pamangkin at isiping ilang buwan nya itong hindi nakita, ay mas lalo nya pang na-miss ang bata.

"E paano kasi, ate? Have you even looked yourself in the mirror? You look so haggard. With those eyebags and.... hey! Are those wrinkles?", agad naman napahawak si Cleo sa parte ng mukha na itinuro ni Samantha.

"What? No! Wrinkles ka dyan. Hindi pa ako matanda no?", ganun na ba sya ka-haggard?

"Just kidding, ate. Kasi naman, magpahinga ka nga. As if naman na mababawasan ang yaman mo kung magbabakasyon ka kahit ilang linggo lang no?", inabot ni Sam sa kapatid ang tinimplang lychee juice at sabay na naglakad papunta sa garden.

"Seriously, sis. Naisip ko na yan. Kaya lang kasi, sayang naman ang panahon no? E maseselan pa naman yung mga clients ko.", Sam rolled her eyes. Alam nya kung gaano ka-bigtime ang clients ng ate nya pero alam nya rin naman na kayang kaya nitong gawan yun ng paraan.

"I know. Ok ganito na lang. I suggest na magbakasyon ka muna. Bring your projects with you. Pero wag naman lahat ha? Para kahit wala ka sa office mo, mababawasan ng paunti-unti yung trabaho. How's that?", napatingin si Cleo sa kapatid. May point ito.

"You got a point there, sis. Ang totoo nyan, gusto ko nga muna magpahinga. And I think this is the best time to do that.", sabi ni Cleo sa kapatid na ikinangiti naman ni Sam.

"Great! Dont worry. I know a perfect place for you!", mas excited pa tingnan si Sam kesa sa ate nya.

Chris' POV

"Sam.. Do you know where ate is?", tanong ng binata sa kapatid. Saglit lang syang tiningnan ni Sam at ibinalik na rin agad sa nilulutong kare-kare.

"Yup. But dont ask me 'where', cause I'm not gonna tell you.", Napakunot ang noo ni Chris sa sinabi ng kapatid. What is Sam really up to this time?

"Hey.. Whatever you're thinking is, just hold it! I can sense na hindi maganda yan.", sabi ni Chris sa kapatid. Kilala nya ito sa pagiging pilya. At hindi sya papayag na pati si Cleo ay madamay sa kakulitan nito..

The Bubbly Fashionista (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon