AN:
Ayan na naman. Nahihirapan na naman ako magsulat ng kilig moment scenes.
But still, i did my best para magustuhan nyo pa din.
Sorry if this chap is a bit lame. I'm just not in a writing mood today cause i'm not really feeling well and hindi masyadong nagfa-function ang nerves ko sa utak.. hehehe..
Sana madala pa sya ng Grande na Zagu. haha..
Anyway, i'm still hoping that you'll bear with me .. Thanks and happy reading!
TUESDAY will be my next update. :))
Marco's POV
"Gotcha!", tuwang tuwang sabi ni Cleo habang tumitira sa chess, "Your turn now."
"Hmm.. You got me there! Hindi ko napansin yun a.", natatawang sabi ng binata. Mas lalo syang humanga sa dalagang kaharap. Hindi lang pala ito maganda, magaling din ito sa larong chess. He used to defeat his brothers and even his father in this kind of game. But it seems that this time will be the other way around.
"Wrong move, handsome. tsk. tsk.", nang-aasar na sabi ni Cleo and she moved the Queen in sideways and captured the black one.
He lost the game. Natatawang inilapit nya ang mukha kay Cleo para lagyan sya nito ng lipstick sa mukha. Hindi lang naman sya ang may lipstick sa mukha. Pareho sila. Yun nga lang, mas madami ang nasa mukha nya.
"Wow! I never saw a handsome man that looks even more gorgeous with lipstick all over his face!", Cleo said teasingly.
Hindi ito ang first time na paglalaro nila ng chess. Actually, this is their 7th time. And sad to say, natalo ang binata. Pero hindi naman ang record sa larong yun ang habol niya. It's withing the fun experience habang naglalaro sila. No doubt that Cleo is really witty. She think first before she move. Kaya naman na-hook sya at natalo ng tao nito.
Enjoy na enjoy syang pagmasdan ang dalagang nasa harapan. She's arranging the chess board for another game round.
Ni minsan, hindi nya naisip na posibleng magkita ulit sila at magkasama ng ganito. Alam kasi nya kung gaano ito ka-busy sa negosyo at ganun din sya.
After Sam's wedding, hindi na ito nawala sa isip nya. Ginusto man nya itong makita ulit matapos ang insidenteng iyon, hindi naman nya nagawa dahil kailangan na nyang bumalik agad nun sa Europe para sa negosyo. Kung iisipin, mas masasabi nyang bahay ang Europe since mas madalas sya doon. For the past years, he stayed there for their business. Sya ang namamahala sa tatlong kompanya ng pamilya doon.