Chapter 7

6.7K 159 2
                                    

AN:

Nakaka-drain ng utak. huhuhu!

Pero update pa rin. Para matapos na to. hehehe

Cleo's POV

"Ate, totoo ba yung nabalitaan ko?", she eyed to Sam but after a few seconds she looked at the monitor again. Wala sya sa mood makipag-usap ngayon.

"What is it, sam?", boring na sagot nya.

"Come on, ate. Bakit hindi mo binigyan ng chance si Marco? He loves you..", napatingin ulit sya sa kapatid. Hindi nya alam na naibalita na agad ng binata dito ang lahat.

"Wala akong time...", binalik na ulit nya ang tingin sa monitor. Trying to show that she find the conversation boring.

"Come on, ate. Alam kong gusto mo sya. Di ba nga noon pa? Bakit ngayon na may chance na, pinabayaan mo lang mawala?", lalo naman nabalot ng konsensya ang puso nya. Hindi naman nya talaga gustong gawin yun. May dahilan ang lahat.

"Dont play cupid, sis... Just leave it.", sabi nya na parang sumusuko na.

"Ate, I dont understand you anymore. Matagal na mula ng iwan ka ni Mike. Dont let yourself buried in the past..."

"Hindi si Mike ang dahilan. Matagal ko na syang kinalimutan."

"Then what was the reason?"

"It's Chris... Alam nyo naman na hindi ako mapapakali na masaya ako habang isa sa inyo may pinagdadaanan. You know me, Sam...", she sighed. Hindi naman sa sinisisi nya si Chris. Pero kailangan nito ang pagdamay nya.

"I'm sorry, ate. I didnt know... But kuya's old enough. Kakayanin naman nya yun e. Hindi na kailangan nag full supervisions mo...", paliwanag ni Sam

"I know. Pero hindi pa ako ready sa ngayon. I hope, one of these days... I hope..."

***

Dumaan muna sya sa condo ni Chris bago umuwi. Tumawag kasi sya sa opisina nito kanina at sinabi ng secretary na hindi ito pumasok. Tinatawagan nya rin ito kanina sa cellphone pero hindi naman sumasagot.

Nag-aalala na sya dito. Though she's sure na hindi naman kayang saktan ng binata ang sarili.

She pressed the doorbell twice. Pero wala man lang nagbukas ng pinto. Kaya kinuha na lang nya ang extra key card at pumasok sa loob.

The place looks so messy. Nakakalat ang naglalakihang throw pillow. May mga bote pa ng alak sa lamesa. Puno ng hugasin ang lababo.

First time nyang maabutan ang condo ng kapatid na ganito ang aura. Chris has always been so neat and clean. He's well-organized when it comes to his things. Masyado nga yata syang affected para sa nangyari.

Inilagay nya ang bag sa center table at umakyat sa second floor ng condo unit nito. Mabuti na lang hindi naka-lock ang pintuan ng kwarto nito.

Binuksan nya ang pinto at sumilip sa loob. Madilim. Pero sa may veranda, nakita nya ang bulto ng taong nakaupo sa lazy boy. Naglakad sya papalapit dito. Halos madapa pa nga ang dalaga ng matisod nya ang isang beer in can na wala ng laman.

"So, is this the way life you wanted to be?", sabi niya. Hindi man lang lumingon si Chris. Nakatingin lang ito sa kawalan... sa labas ng veranda. "You look so messy! Hindi ikaw ang kilala namin na Chris. Look at you! Ng dahil lang sa babae, nagkakaganyan ka..."

"Just leave me alone, ate...", maya-maya ay sabi nito.

"And let you die in despair? No way, Chris. You better wake up now. May mas magandang buhay sa labas ng condo mo. Wag mong sayangin ang oras mo sa paglalasing."

"I'm sorry, ate. Nang dahil sakin, pati ikaw nadadamay. But please... Just this once. I just wanted to be alone. Ayoko munang may kausap...", Chris' voice broke. Yung tipong anytime ay iiyak ito. Malamang pinipigilan nya lang at ayaw ipakita sa kanya ang lungkot at sakit na nararamdaman.

"Fine.. But please do remember... It'll be over soon. Sa simula lang yan masakit. Just accept the truth na hindi sya para sayo...", she tapped his shoulders gently. As if giving him an assurance that she's always there for him. "I'll be going now. Papapuntahin ko na lang si Manang Linda dito bukas para linisin ang condo mo...", then she went out of the room.

She understand her brother. Nanggaling na sya sa pinagdadaanan nito. At pareho lang sila ng pinagdaanan. Ang totoo, mas malala pa nga yung sa kanya. But she still hopes na maayos ang lahat. Na magiging okay ang kapatid nya.

She'll do everything she can.

To the point that she needs to sacrifice her happiness.

Mas mahalaga ang pamilya sa ngayon.

The Bubbly Fashionista (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon