Prologue

12.6K 241 6
                                    

KINAPA ni Cleo ang nag-iingay na cellphone sa side table at nakapikit na sinagot iyon. Hindi na nya pinagkaabalahang tingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello...", inaantok na sinagot nya ang caller.

"Hi, ate! What's up?", medyo napamulat sya ng konti. Pero hindi sapat para makita ang paligid. Kahit blurred pa ang paningin ay pilit nyang tiningnan ang oras sa side table. 4:05am.

"Sam? What is it this time?", for Pete's sake! Hanggang ngayon, makulit pa rin ang kapatid nya.

"Aren't you even going to say 'hi' to me, ate? Didn't you missed me?", she grinned. Ano na naman kaya ang problema nitong batang to?

"I already did, sis. Now tell me the reason why you called in this very hour.", nasa Paris kasi ito at alam na alam din ni Sam kung anong oras ngayon dito sa Maynila.

"Nothing, really. I just want you to know that we're going back to Manila today. Actually, we're in the airport right now and later we'll be landing in NAIA.", tuluyan ng nagising ang diwa ni Cleo sa narinig.

"Really? That's good! Have you told dad and Chris about this? Just tell me kung anong oras kayo mag-la-land. Susunduin ko kayo sa airport.", sobrang na-miss nya kasi ang kapatid. Matagal din silang hindi nagkita.

"No. I didn't tell them. I wanted to surprise them, you know? And noo need, ate. Didiretso na lang kami dyan sa bahay mo. Oh, I have to go. Flight number na namin. Bye, ate! See you later.", hindi pa sya nakakasagot ay ibinaba na nito ang phone.

Gusto pa sana nyang matulog pero nawala na ang antok nya. Kaya bumangon na lang sya sa kama. Balak nyang maglinis ng kaunti saka sya magluluto para sa pamilya ng kapatid na darating.

IT'S been 2 years mula ng ikasal si Sam kay Miguel. Sobrang saya ng araw na yun. Perfect ang nangyari katulad na rin ng inaasahan. Pagkatapos ng reception ay agad na lumipad ang newly weds papuntang Paris. They spent two months there for their honeymoon. And now, they're getting back. Kasama na ang 1-year old nilang anak na si Brittany Dawn. Sobrang close si Cleo dito. She's been hooked into children mula pa noon. Kaya nga nung maliit pa si Sam, sya ang nag-alaga dito at nag-asikaso. Hopefully, this little girl will never be a brat like her mother.

But sadly, single pa rin sya hanggang ngayon. Pero ni minsan hindi nawala sa isip nya ang mukha ng gwapong lalaki na na-meet nya sa kasal ni Sam. Hindi na nya nagawang makipag-usap dito matapos ang 'banggaan scene' nila. Hindi nya alam kung saan na ito pumunta. And everyday, she always hope na magkikita pa sila.

---

Cleo Asher Lovesto.

The oldest daughter of the billionaire businessman.

Sister of the Gorgeous Brat, Samantha Gabrielle Lovesto and the Handsome Jetsetter, Christopher Lawrence Lovesto.

- Owner of the famous boutique named Cleo's Collection.

- The most-sought after young lady in her generation.

- And the one and only fashionista.

Ibinagsak ni Cleo ang magazine na hawak. Nandun ang page na may picture nya including the information about her. Parang bio-data lang.

She's not a brat. Yun ang pinagkaiba nila ng kapatid na si Sam. Mas responsable sya kumpara dito. She knows how to act properly and accordingly in every occasion. And Cleo too girly. She loves feminine stuff such as shopping and fashion thingy. Hindi sya mahilig sa mga karate tulad ni Sam. But in the boyish side, there's a part of her personality ang pagiging SLIGHT Equestrian. She didn't studied how to do it. She just learned how to ride in a horse way back when she was in Quezon Province, sa hacienda ng lolo nya.

Tumayo sya sa pagkakaupo sa couch at kinuha ang vaccuum. Start the day right, ika nga. Plano na nyang simulan ang paglilinis bago pa dumating si Samantha.

She spent one and a half hour in cleaning saka naman nya hinarap ang pagluluto. She gave her best cooking skills para sa mga darating mamaya. Habang hinihintay ang bine-bake na quesidilla, kinuha nya ang cellphone at dinayal ang number ng kapatid na si Chris. 3 rings bago ito sumagot.

"Hey, Chris, what's up?", bungad nya ng sumagot ito sa telepono. Mukhang nagising pa ito sa tawag nya.

"Good, sis. Why did you call at this hour?", mabuti na lang, marunong ito rumespeto sa kanya bilang ate.

"I just wanted to tell you to move your schedule for today. Cancel mo lahat ng appointments mo tapos pumunta ka dito sa bahay.", ilang segundo ang lumipas na hindi ito nagsalita. Halatang nagulat sa sinabi nya.

"Why would I do that?", iyon na lamang ang naitanong nito.

"I cooked for us. And spend your day here with me and dad.", she heard him sigh.

"Sorry, sis. But I cant. Maraming trabaho ngayon sa office.", she grinned.

"Cut that crap. Ikaw ang CEO ng kompanya mo. You better be here today. That's final and I wont take NO for an answer.", binaba na nya ang telepono at itinuloy na ang pagluluto.

Her brother, Chris, had always been workalic. Kaya naman lalong lumalago ang business nito. No doubt, magaling din kasi sya magpatakbo ng hotel business. Walang masabi ang mga costumer sa hospitality na binibigay ng kompany niya. Nag-iisang lalaki lang sya sa kanilang magkakapatid pero sobra naman ito magprotekta sa kanilang dalawa ni Sam. Minsan nga naiisip ng marami na mas matanda ito kay Cleo dahil sa pagka-mature ng utak nya. Marami ang nagpapantasya na ma-hook ang binata pero isa lang naman ang pananaw nito sa mga babae. TOYS. Pero syempre maliban sa kanilang dalawa ni Sam.

She's supposed to be visiting her boutique today but since darating ang pamilya ni Sam, hindi na muna sya aalis. And she expect this day to be pefect. Lalo na at makikita na ulit nya ang pamangkin nya.

------------------------

Prologue is up!

And to batgirl99, this chapter's for you, sweetie. dahil ikaw ang unang nagrequest ng book 2 ng gorgeous brat. hehe. thanks for reading! 

Love,

Cassandra210

The Bubbly Fashionista (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon