Chapter 3

8.8K 197 25
                                    

A/N: Dedicated to cutest_devil07.. Thanks for supporting this book! :)

Super short update. Isinulat ko na lang kasi baka makalimutan ko pa yung flow ng chapter na to.

Anyway, wala masyadong convo dito. More on past lang ni Cleo. Next chap na ako babawi. hehe..

Happy reading!

Cleo's POV

"Nice place, you've got!", sabi ni Cleo sa binata. Naglalakad silang dalawa sa gilid ng dagat habang bitbitin ang kanya-kanyang tsinelas.

"Thanks! Actually, this place was sold by my friend who migrated in Canada. I fell in love with the place. Hindi pa sya fully-developed dati. Pero maganda na talaga ang lugar. So I decided to build a beach house here. Para kapag medyo stress sa trabaho, may mapupuntahan ako.", sabi ng binata. "So, how do you find the place?"

"I love it! Perfect place to relax.", but she doubt kung makakapagrelax nga ba sya. Dahil mukhang lalo syang mai-stress sa kakaisip sa binatang kasama. Lalo na kapag lumalapit ito sa kanya, kusang nagwawala ang maharot nyang puso.

"You're right. Mabuti naman nagustuhan mo. Kaya nga, I decided to take a vacation na rin. Para may makakasama ka habang nagbabakasyon ka dito.", nanlaki ang mata ni Cleo.

"You're in vacation too?", gulat na tanong nya. Patay na! E di lalo na ngang hindi magiging peaceful ang vacation nya. With Marco around, hindi na matatahimik ang puso nya nito.

"Yeah. Time for lunch. Tara na..", inakay na sya nito paakyat sa beach house. Nakahanda na ang almusal sa gazebo. Open place. Ramdam nya ang sariwang hangin.

The rest of the afternoon was like heaven. Pagkatapos kasi nila kumain ng tanghalian, naglakad lakad sila sa paligid ng garden. Masyadong makuwento si Marco at hindi sya nakaramdam ng pagkailang dito. Sa halip ay mas lalo lang syang nahulog sa binata. She wonder if he knows her feeling pero siguro, mas maganda na yung hindi nito alam. Baka kasi magulo pa ang lahat. Ayaw nyang lumayo si Marco sa kanya. She knew she's being paranoid. But then, hindi naman imposible yun diba?

5 years ago, she was dumped by her ex-boyfriend. They lasted for a couple of years. Mahal na mahal nya ito to the extent na akala nya, forever na sila. But life's too unfair. Kapag nasa magandang part ka na ng buhay, biglang may eekstra. She caught her boyfriend with a stranger in his bed. Sanay na rin naman kasi syang pumapasok sa bahay nito and she wasnt expecting to saw that kind of scene. Halos gumuho ang mundo nya. And she admit that she even became a fool once in her life. To the point na nagmakaawa syang balikan ng lalaking yun. She's willing to forgive him and forget everything that happened. Pero dahil nga makapal ang mukha ng ex nya, ito pa ang nag-dump sa kanya. How pathetic!

Dahil doon, hindi na nya sinubukang magmahal ulit. Nagkakagusto pa rin naman sya. She's still a normal girl. Pero hindi na nya magawang ipagkatiwala ang puso sa iba. And there came Marco. A super gorgeous man who captured her heart from the very beginning na nakita nya ito. Pero natatakot pa rin sya. Dahil this time, mas malala ang nararamdaman nya para sa binata. Pero ayaw na nyang masaktan ulit. Ok na ang buhay nya. She even became more successful dahil sa nangyari dati. At ayaw nyang madepressed na naman ng bonggang-bongga.

***

Sobrang enjoy ang maghapon nya. Yeah. She's a bit destructed but the---! She really enjoyed his company. Kahit na hanggang ngayon ay mulat pa rin ang mata nya dahil may kailngan syang tapusin na trabaho.

Nag-stretch ng konti si Cleo. Medyo sumasakit na ang batok nya sa pagkakayuko sa laptop. 11:00pm na at kalahati pa lang ng project ang tapos. Tumayo sya at naglakad papunta sa balkonahe ng kwarto. Humawak sya sa railings noon at inenjoy ang magandang view ng paligid. Ang sarap talaga sa pakiramdam ng sariwang hangin. Her knee-length silk nighties was smoothly carried by the fresh air. Parang sumasayaw ito sa daloy ng hangin.

Nasa ganung sitwasyon sya ng may maramdamang nakatingin sa kanya. Lumingon sya sa kanan. And from there, she saw Marco standing in his balcony at mataman syang tinitingnan. Bigla naman syang nahiya. Mabuti na lang, medyo madilim ang paligid kundi ay nakita na nito ang pamumula ng pisngi nya.

"Cant sleep?", maya-maya ay tanong ng binata. Noon nya lang napansin na may hawak pala itong bote ng beer.

"Not really. I'm working...", sagot nya. Tumungga ito ng beer at inilagay sa gilid ng balkonahe ang bote.

"At this very hour? You're in a vacation.", napangiti si Cleo. Yun din kasi ang sinabi nito sa kanya kanina.

"I know.."

"Just drop it. Matulog ka na.", What was that? Was that concern in his voice?

"I cant. I need to finish all of it. Kailangan na bukas e.", sagot ni Cleo. Gusto nya man magpahinga pero sayang talaga ang oras.

"Need some help?", marahang kumunot ang noo ng dalaga.

"You know how?", tanong ni Cleo dito. Just to test him.

"Try me. Dun tayo sa study room. Bring all the necessary things.", pagkatapos ay umalis na ito sa balkonahe. Napailing na lang si Cleo. Paano naman kaya sya nito matutulungan? E more on financial lang naman siguro ang alam ng binata.

Kinuha nya ang laptop at ilang clear books na naglalaman ng project list nya. Wag lang sana syang madestruct dito para makapagtrabaho sya ng maayos.

The Bubbly Fashionista (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon