Chapter 9

6.6K 168 4
                                    

AN:

Yihiiiiiiieeee!!! Konti na lang talaga, ENDING NA!!!

Mapopost ko na ang story ni papa Chris.. The last sequel of The Gorgeous Brat.. Sana suportahan nyo pa rin...

Thanks! Pero bago yun, eto muna.. hehe..

Pakiplay ng song para mas mag-emote tayo.. hehe

Do you know by Someday (perfect song para sa eksena...) 

Cleo's POV

"You should call him.. Sige na ate..", Pumunta sya sa bahay nito matapos nya itong tawagan at hingian ng tulong. Sobrang pasasalamat naman ni Sam dahil sa wakas ay nagdesisyon na syang gumawa ng paraan...

Kinuha nya teleponong hawak nito at tinitigan iyon.. Dahan dahan nyang pinindot ang keys ng wireless phone saka itinapat sa tenga..

1 ring.

2 rings..

3 rings...

GAAAAAAAAAAAHD!!! Bakit ang tagal sumagot?

"Fieldman Corporation, Good morning...", nakahinga ng maluwag si Chloe ng marinig nya ang boses ng receptionist.

"Hi! This is Cleo. Would you mind transferring my call to Mr. Marco Fieldman?", sabi nya habang naka-fingers cross.

"I'd love to, ma'am.. But Mr. President is not around. He hasnt come to work yet for 3 weeks now...", napanganga sya...

"Hmmnn.. Do you know where he is?", tanong nya

"I'm sorry, ma'am.. But he didnt tell anyone where we can find him. He filed an indefinite leave and no one knows when will he come back...", nanlumo na lang ang dalaga sa narinig.

"Alright then. Thank you...", malungkot na ibinaba nya ang telepono habang naghihintay naman ng chika si Sam...

"Ano daw sabi, ate?", tanong ng kapatid..

"He's not there.. 3 weeks na daw hindi pumapasok sa trabaho..", nangalumbaba sya... Saka nya lang naisip.. Bakit di nya puntahan sa bahay nito sa The Fort?

The Bubbly Fashionista (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon