Nakarating na sina Eurika sa mall na gaganapan ng concert .Pumunta na sila sa backstage sa dressing room. At nandun ang ilang staff . kumonti ang tao hindi na katulad ng mga nagdaang mall show nya. Inaayusan na si Eurika ng make up artist nya halata sa kanya ang kaba ngayon lang sya kinabahan sa mga mall show nya . Lumapit si Rina sa kanya.
Rina: Ok ka lang ba anak ??
Eurika: Ok lang po ako Mommy medyo kinakabahan lang .
Rina: Wag kang mag alala anak nandito lang kami ..
Nagsimula ang ang show umakyat na ang announcer sa stage.
MC: Hello sa mga dumalo ngayon sa farewell concert nang nag iisang The Teen Pop Idol ngayon natib malalaman ang masasabi nya about sa kumalat na video .
Naka abang na si Eurika sa labasan halata parin sa kanya ang Kaba nilapitan sya uli ni Rina.
Rina: Wag kang mag alala anak nandyan lang kami sa gilid ng stage.
MC:Please Welcome The Teen Pop Idol Eurika Villagracia .
Lumabas na si Eurika sa stage na may dalang microphone malungkot sya pero ayaw nyang ipakita sa mga tao. Nagpalakpakan ang mga tao sa paglabas nya.
Eurika: Hello sa inyong lahat sa mga nagpunta dito sa farewell concert ko maraming salamat sa inyo guys kung wala kayo wala rin ako kaya ang mga kakantahin ko ay para sa inyo . Nagpalakpakan ang mga tao . At nagsimula nang kumanta si Eurika.
Habang kumakanta si Eurika hindi nya mapigilan ang emosyon nya gusto nyang umiyak pero pinipigilan lang nya hindi nya alam ang mangyayari sa araw na yun ...
Aguilar House !!!
Nakaimpake na lahat nang dadalhin nina Jeric .
Natapos nang kumanta si Eurika at nagsalita na sya.
Eurika: Salamat sa lahat nang nagpunta alam ko nagalit at nadismaya kayo sa akin nang dahil sa videong kumalat . Naiintindihan ko kayo . Salamat sa inyo dahil kung wala kayo wala rin ako na nandito sa inyong harapan . Nagpapasalamat ako sa patuloy nyong pagsuporta sa akin salamat at naging bahagi kayo ng pagkatao ko salamat at pinaramdam nyo sa akin na marami ang nagmamahal sa akin Thank you verry much guys kasi nandyan kayo lagi hindi ko kayo makakalimutan We Love You so much sa inyong lahat ito na ang huli kong pagakyat ng stage at pagkikita at pagsasama natin . Thank you verry much uli sa inyo guys Good bye .
Nalungkot sina Rina,Richards at krystal nalungkot din ang ilang staff na nandun at yung mga taong nanonood .
Malungkot na bumaba si Eurika . Pero bababa palang sya nang .....
Aguilar House ..
Paalis na sina Jeric nagtawag na nang taxi yung kumpadre ni Romel at sinakay na duon yung mga dadalhin nila ..
Eloisa: Pa aalis na kami sure ka ok ka lang dito ..
Romel: Wag mo akong intindihin ma ok lang ako sige alis na kayo baka mahuli pa kayo sa flight nyo .
Eloisa: Sige ingat ka dito ha ..
Jeric: Tay bye po !!
Rick: Tay babay po !!!
Nagbless sina Jeric at Rick kay Romel.