CHAPTER ONE
"Shu! Shu!" Napatakbo palapit kay Marcha ang abuhing tuta nang tawagin niya ang atensiyon nito. Mayayabong ang mga balahibo at may tali sa leeg ito. Kasalukuyan siyang nagpapahangin sa Patio ng Mansion nang mamataan niyang paiko-ikot ang tuta sa damuhan na animo'y naglalaro.
Binuhat niya ang aso at dinala sa loob ng malaking bahay.
"And cute mo talaga! At ang bango pa!" aniya sa aso sabay halik sa ulo nito. Sino kaya ang may-ari nito ha? Naisip niya.
Sa pagkakaalam niya'y walang ibang nakatira sa Asyenda de Trinidad maliban sa kaniya kaya palaisipan sa kaniya kung sino ang nagmamay-ari ng nasabing tuta. Ang kaniyang mga kawaksi ay hindi nag-aalaga ng aso kaya alam niyang hindi ito alaga ng mga iyon.
Biglang napabuntonghininga ang dalaga.
Makalipas ang anim na taon ay lalo pang naging malungkot ang kaniyang buhay. Hindi naman niya masasabing miserable ang kaniyang buhay dahil nagmamay-ari siya ng "ASYENDA DE TRINIDAD", matapos pumanaw ang kaniyang Ama na si Don Ismael Trinidad. Naiwan sa pamamahala niya ang asyenda kaya magmula noon ay mag-isa na niyanag minaneho ang kaniyang buhay.
Ang kaniyang Ama rin ang dahilan kung bakit nanatili siyang single magpa-hanggang ngayon.
Bagaman nag-iisa siyang anak ng Don mula sa namayapa na nitong asawa na si Donya Lucia Trinidad ay masyado siyang hinigpitan ng kaniyang Ama pagdating sa pakikipagrelasyon. Pinagbabawalan rin siya nitong tumanggap ng manliligaw mula sa mga kalalakihang nagkakandarapa sa pagpunta sa Mansion upang hingin ang kaniyang kamay. Bawat oras at araw ay hindi siya nawawalan ng bisita na binata sa kanilang malaking tahanan kahit na ipinababawal na ng Don na puntahan siya. Kahit nga mga tauhan nila sa Asyenda ay naglalakas-loob na manligaw sa kaniya. At ang isa sa mga hindi niya malilimutang manliligaw ay si Samuel.
Tipikal sa isang manggagawa na malalaki ang katawan katulad ni Samuel. Pero pagdating sa kagwapuhan ay mas lamang ang binata. Matikas, makisig at gwapo ito. Kamukha nito ang Hollywood Actor na si Chris Hemsworth. Maganda ang mga mata, may mataas na ilong at abot hanggang balikat ang buhok. Para nga itong may dugong foreigner dahil sa angkin nitong kagwapuhan.
Tauhan ng kaniyang Ama ang tiyuhin ni Samuel, na mapagkakatiwalaan sa kanilang Asyenda kaya ipinasok nito ang lalaki roon.
Dahil sa mabait at may sense of humor ang binata ay nagkahulugan sila ng loob nito. Sa edad na buente anyos ay naging katipan ni Marcha si Samuel na lingid naman sa kaalaman ng Don. Ayon nga sa kasabihan "Mapipigil mo ang baha pero hindi ang bunganga" ay nakarating sa kaalaman ng Don ang balitang nobyo ng kaniyang nag-iisang anak si Samuel na trabahador ng Asyenda kaya mabilis nitong pinapili si Marcha. Si Samuel o ang mamanahin niyang Asyeda de Trinidad.
Sa una'y nahihirapang mamili ang dalaga lalo pa't labis niyang inibig si Samuel. Pero sa huli, nadaig ang material na bagay. Pinili niya ang Asyenda de Trinidad kahit labag sa loob niya saka pikit-matang hiniwalayan si Samuel.
Nakita ni Marcha kung paano nagtagis ang mga bagang ni Samuel sa naging desisiyon niya. Pero huli na upang bawiin pa ang kaniyang naging pasya. Umiyak at lumuhod sa kaniyang harapan si Samuel, huwag lamang siyang makipaghiwalay rito ngunit buo na nag kaniyang desisyon na talikuran ito para sa kaniyang mana.
Muling bumontong-hininga si Marcha nang maalala ang nakaraan. Tumayo siya buhat sa pagkakaupo sa stall na metal sa garden ng Mansion habang pinapanood ang tutang kanina lang niya napulot sa labas ng Asyenda.
Malikot ang tuta kung kayat napahabol siya rito ng mapatakbo ito patungo sa nakabukas na malaking gate. Patuloy sinundan ang tuta.
"Whitey, wait!" aniya sabay sunod sa aso. Ngunit hindi siya nito pinansin. Tuloy-tuloy ito sa pagtakbo hanggang sa makarating ito mataas na parte ng Asyenda na puro Carabao grass na lamang ang tumutubo.
BINABASA MO ANG
Lumilipas ang sakit
RomanceGalit, poot at paghihigante ang namuo sa puso ni Samuel, mula ng iwan at ipagpalit siya ng nobyang si Marcha sa Asyenda ng Amang si Don Rodolfo Trinidad. Dahil sa nangyari ay nagpursige ang binata na umangat sa buhay at nagtagumapay naman ito. Si...