CHAPTER FIVE

29 5 1
                                    

CHAPTER FIVE

Tatlong linggo nang hindi nakakadalaw si Marcha sa Mansion ng mga Lopez kaya nagtaka si Samuel ng hindi na niya nakikita pa ang dalaga. Ang huling punta nito roon ay noong nawalan ito ng malay. Inaamin niyang na-miss niya ang Dalaga ngunit mataas ang Pride niya para alamin kung bakit hindi ito nakakapunta roon. Wala na rin siyang balita kung kamusta na ito? Sa kabilang banda naman, totoong nag-alala siya rito. Pero lalong hindi naman niya ugali na matapos siyang lokohin ay siya pa itong manunuyo.

Magmula noong masaktan siya ay nawala na sa diksyonaryo niya ang mag-isip ng para sa kapakanan ng iba. Ang paglaanan ng panahon at oras ang kaniyang Anak ay sapat na sa kaniya. Pero bakit hindi naman siya masaya? Feeling niya marami paring kulang sa buhay niya kahit na halos nasa kaniya na ang lahat.


"Dad, nakapunta po ba rito si Tita Mar habang tulog ako?" ang biglang tanong ng Anak niya sa kaniya. Kakagising lang nito ng hapong iyon.

"Hindi, Son. Bakit naman?" hinimas niya ang ulo nito nang makalapit sa kinarorounan niya.

"Namimiss ko lang po siya. Hindi ko na kasi siya nakikita eh!" anang nalulungkot na si Mico. "Dad?" nagtaas ito ng tingin sa kaniya.

"Mmm?" ani Samuel.

"Pwede po bang pumunta roon sa bahay nila?" nasa mga mata ni Mico ang pagpigil na umiyak at takot na pagalitan niya. Pero hindi niya ito sinagot. "Dad, just once, please? Promise I'll be a good boy!" Tinitigan niya ang mata ng bata.


"Segurado kang magpakabait ka?" Imbes na tutulan ito ay tanging nasambit niya.

"Yes, Dad. Promise po!" biglang nabuhay ang dugo sa mukha ng bata. Kita sa mga mata nito ang excitement sa naging sagot niya.

"Okay. Just tell to Yaya na pupunta kayo doon. Ipapahatid ko kayo sa Driver," sa wakas pumayag siya. Sa sobrang kagalakan ay nayakap at nahalikan siya ng bata sa noo. Tinapik niya ito sa braso.

"Thank you, Dad!" anito saka masiglang tinawag ang Yaya. Naiwang napabuntong-hininga nalang si Samuel.




Nasa malalim na pag-iisip si Marcha ng Hapong iyon nang marinig niya ang boses ni Mico na tinatawag siya. Nasa Veranda siya ng Mansion at nagdadalawang-isip kung pupunta ba sa Palayan upang kausapin ang mga Magsasaka.

Sumilip siya sa labas nang mapagtantong ang bata nga ang tumatawag sa kaniya. "Baby!" bigla siyang napangiti ng makita ang bata kasama si Yaya Maring. Suot nito ang maliit na backpack.

"Nagpaalam po ako kay Daddy na pumunta rito," salubong agad nito sa kaniya.

"Mabuti at pinayagan ka," tanging nasagot niya.


"Paanong hindi payagan eh ang kulit po!" sambot naman ni Yaya Maring na kasunod nito.

Natawa naman siya sa tinuran nito. Hinubad niya ang backpack ng bata saka kinalong ito. "Namimiss mo lang ako eh!" biro niya rito. Pinisil niya ang makinis nitong pisngi.

"I miss You, Tita!" anang bata saka siya hinalikan sa pisngi.

"Wow! Ang sweet naman!" natatawa niyang komento rito.

"Naku, Senyorita palagi pong kayo ang bukambibig niyan kay Sir Samuel," muling sumbong ni Yaya Maring.

"Bakit hindi ka na bumalik doon sa bahay, Tita?" maya-maya'y tanong sa kaniya.

Lumilipas ang sakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon