CHAPTER THREE
Maagang gumising kinaumagahan si Samuel. Alas kwatro ng umaga. Nakagawian na niyang pagkagising ay mag-jogging tuwing umaga. Suot ang paborito niyang rubber shoes ay nagsimula na siyang lumabas ng Mansion. Mula roon ay magjojogging siya patungo sa Asyeda de Trinidad. Anim na taon rin siyang hindi nakakapunta roon dahil sa kaniyang galit sa mga Trinidad.
Mula sa Rancho ay merong short-cut na daan sa likurang bahaging niyon patungo sa Asyenda ng mga Trinidad. Wala pang tatlong minuto ay nasa lupain na siya ng mga ito.
Déjà vu.
Aminin man niya o hindi pero nasa Asyenda de Trinidad parin ang kaniyang puso. Sa kabila ng lahat ng hindi magandang nangyari sa kanila ni Marcha ay naroon parin ang utang na loob na kailanman ay hindi niya maaring kalimutan sa Ama nito.
Inilibot niya ang paningin sa buong paligid; tulad ng dati naroroon parin ang malahiganteng iba't ibang uri ng matitibay na punong kahoy ilang metro ang layo mula sa nakatayong palasyo ng mga Trinidad.
Ang mga puno ng niyog na noo'y kasingtangkad lang niya ay halos binuwig na ang bunga ng mga ito. Natatandaan niyang siya pa ang nagtanim ng mga punong iyon dahil iyon ang malimit ipatrabaho sa kaniya ng Don. Siya rin ang inaasahan ng mga ito sa Malawak na palayang pag-aari ng mga Trinidad dahil hindi man siya nakapagtapos ng Agriculture ay may katangi-tangi raw siyang paraan sa pagsasaka. Grabeng sakripisyo ang kaniyang dinanas sa Pagsasaka noon. Tiniis niya ang init at lamig para lamang makaipon ng pera para sa pagpapakasal niya kay Marcha. Ngunit nasayang lahat ng 'yon dahil tinanggihan siya ng dalaga.Kung hinayaan lang sana siya ni Maria Caroline na mahalin ito, kahit wala siyang pinag-aralan ay alam niyang kaya-kaya niyang hawakan ang Asyenda. Dangan nga lang at mas pinili nito na talikuran siya kaya wala na siyang nagawa. Animo'y naglaho lahat ng tiwala at pagmamalasakit niya para rito.
Sa Mansion ng mga Trinidad...
Nanatiling nakahiga sa kaniyang kama si Marcha, kahit alas syete na ng umaga. Ang nakagawian nitong routen na paggising ng alas singko ng umaga para tumungo sa Palayan ay hindi na natupad dahil sa nangyari sa kaniya kagabi sa Bahay ni Samuel. Nasa malalim siyang iniisip ng bumukas ang Pinto ng kaniyang silid at iniluwa noon ang ulo ng kaniyang Mayordomang si Aling Sita. Nag-aalala ang mga mata ng matanda habang nakatingin sa kaniya.
"Akala ko pupunta ka sa Palayan?" may pag-alala ang boses ng matanda na Simula pa noong nabubuhay ang kaniyang Ina ay nanilbihan na sa pamilya niya.
"Masama po ang pakiramdam ko Aling Sita kaya ipapahinga ko po muna ang katawan ko," mahinang sagot niya sa matanda. Lumapit ito sa kaniya at dinama ang kaniyang noo at leeg.
"May lagnat ka, Senyorita. Mas mabuti kung mag-agahan ka na muna habang inihahanda ko ang gamot mo," anang matanda. " Ano bang nangyari sa'yo kagabi?" Hindi lingid sa matanda ang itsura niya nang datnan niya itong hinihintay siya sa malaking Balkonahe ng bahay kagabi pagdating niya.
Mula nang mapag-isa siya sa buhay nang yumao ang kaniyang Ama ay ito na ang malimit niyang sumbungan ng problema. Hindi na iba sa kaniya ang Matanda.
Malungkot niyang tiningnan si Aling Sita. "Doon ako galing sa bahay ni Samuel kagabi. Hindi ko alam na may anak na pala siya, Aling Sita. Natagpuan ko ang Tuta ni Mico diyan sa likod ng Garden. Nang tumakbo ito ay sinundan ko hanggang sa nakasalubong ko sila ng Yaya Maring niya. Isinama ako ng bata sa bahay nila at doon ko napag-alaman na Anak pala siya ni Samuel. Galit sa akin si Samuel, Aling Sita." Naiyak niyang kwento sa matanda. Hinagod nito ang likod niya at buhok. Alam rin ni Aling Sita ang nangyari sa gitna nila ni Samuel kaya naintindihan nito ang pagsisinte niya.
BINABASA MO ANG
Lumilipas ang sakit
RomanceGalit, poot at paghihigante ang namuo sa puso ni Samuel, mula ng iwan at ipagpalit siya ng nobyang si Marcha sa Asyenda ng Amang si Don Rodolfo Trinidad. Dahil sa nangyari ay nagpursige ang binata na umangat sa buhay at nagtagumapay naman ito. Si...