CHAPTER THIRTEEN

26 6 5
                                    

CHAPTER THIRTEEN


"Nay, marami ba ang bibinyagan?" Ani Marcha kay Aling Dedang. Kararating lang nila sa St. Nazaren Chapel sa Calampang. Pero halos okupado na ang lahat ng upuan sa bandang likuran.


"Naku, wag ka nang ma-shocked Senyorita. Noong bininyagan ka rin dito ay halos di mahulugang karayom ang dami ng tao. Ang iba kasi sa devotees ay nagsisimba lang pero nakiki-witness ng binyag," biglang sambot naman ni Aling Sita.


"Ay, ganun ho ba Aling Sita. Akala ko kasi tayo-tayo lang ang tao rito," ani Marcha. Dahil summer ay may kainitan ang panahon kahit na pasado alas tres na ng hapon. Kaya kahit may kalakihan ang Simbahan ay ramdam parin ang init na dapyo ng hangin galing sa naka-grills na Bintana.


"Magandong hapon po sa lahat," Anang babae sa Mikropuno. "Magsisimula po ang binyag sa loob ng forty five minutes. Pinapanawagan ko po ang mga magulang ng bibinyagan na bata na kung maari ay pakikuha po rito sa harap ang inyong fifill-up-an. At kung maari ay lumapit po rito sa bakanteng upuan na nasa harap gayundin ang mga Ninong at Ninang. Salamat po!"


"Halina kayo sa unahan 'Nay, at Aling Sita," yaya ni Marcha sa mga ito.Sumunod naman sa kaniya ang dalawa. Grabeh ang daming tao! Bukod sa dalawang kasama ay wala na ibang kasama ang dalaga. Ang driver niyang si Tiyo Tonyo ay inutusan muna ng dalaga na bisitahan ang Mansion niya. Si Aling Dedang ang magsisilbing Ninang ni Marion. Mabuti nalang at hindi gaanung mainit sa harap na bahagi ng simbahan. Bulong ni Marcha. Si Marion naman ay natutulog parin sa Carrier na nasa dibdib niya. Hinimas-himas niya ang ulo ng bata upang makuha ang namumuong pawis roon, kapagdaka ay hinalikan niya ito sa Noo. "Baby, wake up na," bulong niya sa bata. Pero dahil inaantok talaga ay hindi parin ito gumigising. Buti nalang at hindi iyakin si Marion tulad ng ibang bata. Diri-diritso ang tulog nito kapag nilalagay niya sa Carrier.


"Aling Sita, 'Nay Dedang," hintayin niyo po ako rito ha, pupunta lang ako sa babae. kukunin ko iyong Fifill-up-an natin. Paalam niya sa mga ito.


"Ibigay mo sakin si Marion para hindi ka mahirapan , 'Nak" Ani Aling Dedang.


"Wag na ho 'Nay, baka ho kasi magising eh. Okay lang naman ho," aniya.


"Sige, ikaw ang bahala. Hihintayin ka namin rito sa upuan 'Nak," ani Aling Dedang.


Tumalikod na si Marcha at lumapit sa table ng Sekretarya ng Pari na nasa unahan. Nasa pangatlong upuan kasi sila nakaupo dahil nahuli sila ng dating. Kahit nasa harap ay sumisikip na rin sa dami ng tao.


"Excuse me ho," ani Marcha sa lalaking nakatalikod. Pero hindi siya nito narinig gawa ng ingay na nasa paligid. "Mister, makikiraan po!" malakas ang boses na wika niya. Pero hindi parin siya naririnig ng lalaki...









Lumilipas ang sakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon