CHAPTER TWO

26 5 0
                                    

CHAPTER TWO

Matapos ang mahabang oras na pag-aassist sa kaniyang paboritong Kabayo na si Lilith sa panganganak nito ay nakahinga siya ng maluwag. Sa tuwing nanganganak ang kaniyang mga alagang kabayo ay personal niyang nilalaanan ito ng oras na parang Asawa. Siya na rin itong pumuputol sa pusod ng mga anak nito at siyang nagpapakain sa mga ito, lalong lao na sa kaniyang paboritong alaga na si Lilith.

Kaninang madaling araw pa siyang nasa kwadra ng mga Kabayo. Tulog pa ang kaniyang Anak na si Mico nang iwan niya ito sa Yaya na si Maring. Alam niyang hahanapin siya ng bata pagkagising nito kahit na binilhan na niya ito ng Tuta na matagal ng ni-rerequest ng bata sa kaniya. Dangan lang at palagi siyang abala kaya kamakailan lang niya ito nabili.

Papalubog na araw nang siya'y makalabas ng kwadra. Napapagal ang katawan na sumakay siya ng kaniyang Wrangler at mabilis niyang pinaharurot iyon ng takbo. Malayo-layo rin ang kwadra ng mga kabayo patungo sa bahay niya kaya inabot siya ng trenta minuto sa daan kahit may kabilisan ang kaniyang pagpatakbo ng sasakyan. Mabuti na lamang at naipasemento niya ang daan sa gawing Norte ng lupaing iyon kung kaya't hindi na siya nahirapan pang pumaroon at pumarito kapag kinakailangan siya sa kwadra.

Anim na taon na niyang initayo ang LOPEZ RANCHO ROAD. Maliit pa ang kaniyang anak. Ngayon ay anim na taon ito. Kung tutuusin ay maiksing panahon lamang iyon upang maging ganap siyang Cowboy na nagmamay-ari ng malaking Rachohan sa parteng iyon ng Visayas, kung saan hindi lamang puro mga kabayo ang inaalagaan niya kundi ibat ibang uri ng Baka, Kalabaw, Kambing at Manok na inaangkat patungong ibang Bansa.

Karamihan sa mga ito ay galing sa Switzerland, England at Toggenburg Valley sa Hilagang-silangan ng Switzerland.

Six years? Anim na taon ang lumipas mula ng matagpuan niya ang tunay na Ama. Isa itong German National ngunit nakatira sa Switzerland. Lingid sa kaalaman niya at ng kaniyang Tiyuhin na si Felix ay matagal na siyang pinapahanap ng kaniyang Ama sa isang detective Agency. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho noon bilang trabahador sa "Asyenda de Trinidad". Bigla ang pagsalubong ng kaniyang mga kilay ng maalala ang asyenda na iyon na naging dahilan para mapariwara ang kaniyang buhay. Kapag may bad vibes ay agad dumarating ang good vibes. Salamat at matapos ang tatlong araw ay agad siyang natagpuan ng mga tauhan ng Detective Agency na binayaran ng mahal ng kaniyang ama upang mahanap siya.

Nang araw ding iyon nagkita sila ni Mr. Howard Kelly Lopez. Half- german, half-filipino na mayamang Negosyante at kilalang cowboy sa bansang Switzerland, sa asyenda ng mga Trinidad. Gawa ng panibugho ay hindi nagdalawang isip na sumama siya sa Ama patungo sa ibang bansa.

Huli na rin ng mapag-alaman niyang nabuntis niya si Carmen. Ang kababata na naging biktima ng kaniyang kapangahasan noong nasa ilalim siya ng panibugho.

Biglang siyang natauhan, mula sa pagbabaliktanaw nang matanawan niya ang nakabukas na ilaw sa poste sa labas ng Mansion saksi na malapit ng gumabi. Alas-sais na iyon ng hapon.

Mula sa garahe ay dinig niya ang malakas na tili ni Mico na animo'y may kumikiliti rito. Napangiti siya. Sa loob ng Anim na taon mula ng natutong tumawa ang kaniyang anak ay ngayon lang niya ito narinig na gumagawa ng ingay sa Mansion na noo'y hindi nito nagagawa.

Mula sa nakabukas na malaking pinto ay dahan-dahan siyang pumasok upang gulatin si Mico. Iyon ang weaknes ng kaniyang anak kapag naabutan niya itong hinihintay ang pagdating niya.

"Hey! Good evening, Son!" malakas niyang bati sa nakatalikod na anak. Bigla naman itong pumihit paharap sa kaniya.

"Hey! Daddy! You're here!" masayang tumalon ang bata patungo sa kaniya at sinalo niya naman saka ito inikot-ikot sa ire. Kapagkuwa'y tumigil siya at hinalikan ito sa noo. "How's your day. Hmm?" kiniliti niya ang leeg nito sa pamamagitan ng mga bibig niya. Napatili naman ang bata sa ginawa niya.

Lumilipas ang sakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon