CHAPTER ELEVEN

12 3 1
                                    

(Please play the Song: Through the Years by. Kenny Rogers- to have a better reading.)



CHAPTER ELEVEN


Three years later...



"Nakakalakad na po kayo, Dad!" napatakbo palapit kay Samuel ang gulat na si Mico. Kagagaling lang ng bata from School as Grade Four pupil sa malapit na Private Academy sa Bayan ng Calampang.


Malapad ang ngiti sa labi na binuhat niya ang Anak. "Oh, di ba? I told you? Nabubuhat na kita kahit isang kamay lang," pagmamayabang pa ni Samuel.


"Yeah! You won, Dad! Kaya hindi parin ako makakasakay ng Horse," Amin ni Mico. May pustahan silang mag-ama na kapag makakalakad si Samuel sa loob ng isang linggo mula sa bone- fractured nito sa paa ay hindi makakasakay ng kabayo si Mico. Pero kung hindi naman ay sasakay ito ng kabayo kasama ang isa sa mga tauhan ni Samuel sa Rancho. Kaya ang Ama parin ng nanalo.


"Difinitely! So, hows your School, Son?" pagkuway tanong niya rito.


"Great, Dad! Everything is under my control,"pilyong ngiti nito sa Ama.


"Okay. Just continue what you had started, Son! Baka one of these days ay maisasama na kita sa pangangabayo ko,"ani Samuel. Sa lumipas na tatlong taon ay mas naging close sa isa't isa ang mag-ama. Bawat araw ay may nakalaang free time si Samuel para kay Mico. Malimit rin niyang isinasama sa Horse riding contest ang Anak para mawala ang boredom nito at makalimutan na rin kahit papaano si Marcha.


Magmula noong pumunta sila sa Mansion ng mga Trinidad, at hindi na nila naabutan ang babae ay ilang araw ring hindi kumakain si Mico. Wala itong bukambibig kundi si Marcha kaya labis na naawa rito si Samuel. Pagpunta kasi nila roon ay two weeks na palang nakakaalis ang babae kasama ang Driver at Mayordoma, ayon sa Abogado ng Pamilya. Na hindi rin malaman kung saan nagtungo ang mga ito. Kaya magmula noon ay mas lalong naging malungkot at palaging umiiyak si Mico. Hindi naman masisisi ni Samuel si Marcha dahil kasalanan naman ni Samuel kung bakit ito umalis. Kumusta na kaya siya? Hindi maiwasang tanungin ni Samuel ang sarili. Nami-miss na niya ito. Kung bakit kasi palaging nasa huli ang pagsisisi!


"Really, Dad?" hindi makapaniwalang tanong ni Mico.


"Yes. Dahil ilang taon nalang, magbibinata ka na and you should know it! You're the next Cowboy na papalit sa akin," ani Samuel. Ngayong nine years old na si Mico, kailangan na niyang simulan ang pag-familiarize sa bata sa rancho para pagdating ng panahon ay madali lang para rito na matuto.


"Wow, it's cool! Okay. Don't worry mag-aaral akong mabuti, Dad." Seryosong pangako ni Mico. Three consecutive years na nag-Top ang Anak niya sa Honorol kaya nais niyang ituloy-tuloy nito.


"That's my boy!" nakangiting tapik ni Samuel sa braso ni Mico, nang ibaba niya ito mula sa mga braso. "Magbihis ka, isasama kita sa Rancho. Titingnan ko si Clyde kung pwede na siya uli isali sa Horse racing Tournament sa April," na ang tinutukoy nito ay ang kaniyang Paboritong kabayo. Apat na taon na rin niyang inaalagaan ang nasabing kabayo na huling ipinadala ng Ama. Isa ito sa mga matalino, pasensyoso, very gentle, active at madaling turuan na Kabayo. Kaya ito ang ginagamit niya sa racing which is nagbigay ng twenty one victories sa loob ng isat'kalahating taon sa kaniya. Malimit rin niya itong kasa-kasama kapag nag-iikot siya sa Racho at Hacienda sa loob ng kalahating oras dahil ang uri nito ay nangangailangan ng good deal of exercise para manatiling masaya at malusog ang katawan.

Lumilipas ang sakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon