CHAPTER FOUR

17 5 1
                                    

CHAPTER FOUR

Mula sa kaniyang kinatatayuan ay tanaw ni Samuel ang kaniyang Anak na nakikipaghabulan sa mga kambing. Hindi niya miwasang hindi mapangiti sa tuwing nakikita na masaya ang Anak niya. Ang kulang nalang sa buhay niya ay Asawa na magiging Ina ni Mico para lalong sumaya ang tahanan niya.

Hindi niya maiwasang hindi Isipin si Marcha kapag nagpaplano siya hinggil sa pag-aasawa. Magiging masaya ba sila kung nagkatuluyan sila ni Marcha? Ngayong pinapanood niya ito habang binabantayan si Mico ay alam niyang responsible itong babae. Hindi niya maipagkaila na mahal parin niya ang dalaga. Pero hindi pa handa ang puso niya para patawarin ito.



Para makaiwas kay Marcha ay nakikitulong siya sa pagkuha ng gatas sa inaheng Baka. Muntik na niyang masuntok ang kaniyang tauhan na si Carlos dahil sa pambabastos nito sa Dalaga. Ngali-ngaling palayasin niya ito sa Rancho. Ngunit humingi naman sa kaniya ng tawad ang lalaki. Hindi raw nito alam na Misis niya si Marcha. Iyon kasi ang sinabe niya rito kahit galit siya rito para hindi nila babastusin ang Babae!

Kanina nang hawakan ni Carlos ang kamay ni Marcha ay bigla nalang sumibol ang galit niya sa dalaga. Paano kasi nag-eenjoy naman itong magpahawak ng kamay! Mabuti nalang at dumating siya! Galing siya sa Mansion. Ngunit ng sabihin sa kaniya ni Yaya Maring na dinala ni Marcha sa labas para ipasyal ang anak niya ay agad siyang sumunod sa mga ito.

Natanawan ni Samuel na binubuhat ni Marcha si Mico. Nagpaalam siya sa mga tauhan niya at sumunod sa mga ito.

"Tita, gusto ko po ng Milk," tila naiiyak na sabe ni Mico. Binuhat na ito ni Marcha upang iuwi sa Mansion. Sa sobrang pagmamadali niya kanina ay nakalimutan niyang magdala ng Babyron nito.

"Hold on, baby. Uuwi na tayo. Wag ka ng mag-cry. Close muna ang eyes ha habang naglalakad ang Tita," aniya sa bata. Sa totoo lang nabibigatan siya sa bata. Habang tumatagal ay bumibigat ito ng bumibigat. Hindi niya alam kung dahil sa pagod siya o dahil sa nawawala na rin ang energy niya dahil nagugutom na siya. Fresh milk lang ang laman ng sikmura niya nang umalis ng Mansion. Mag-aalas-unse na sa umaga ngayon.

"Anong nangyari?" mula sa kung saan ay sumulpot si Samuel.


"Si Mico, nagugutom na. Sorry nakalimutan kong magbaon ng Gatas niya," mahinang sagot niya. Iwan pero parang ang tamlay-tamlay niya na anumang oras ay panawan siya ng ulirat. Parang nahihilo siya. Kinuha sa kaniya ni Samuel ang bata saka ito inilagay sa backseat ng wrangler jeep nito.

"Sumama ka na sa bahay," mahinahong sabe sa kaniya pero hindi siya inalalayan ng lalaki. Nauna na itong pumasok sa driver's seat.

Unti-unting naramdaman ni Marcha ang paghina ng mga tuhod niya. "O-okay lang a-ako. U-umuwi na kayo," aniya. Saka bigla siyang nabuwal sa Lupa. Gulat na dinaluhan naman siya ni Samuel at binuhat ito upang isakay sa sasakyan.

Agad rin nitong pinaharurot ng takbo ang sasakyan kaya agad silang nakarating sa Mansion.Biglang nakaramdam ng takot ang binata sa pagkahilo ni Marcha.

"Yaya Maring!" sigaw niya ang makarating na ng bahay niya. "Pakibuhat muna rito si Mico!"


Nagulat rin ang matanda nang makita nitong buhat-buhat ni Samuel si Marcha. "Susmaryosep! Anong nangyari sa kaniya?"


"Di ko pa alam. Biglang nawalan ng malay eh," nag-alala na sagot ni Samuel. Inilapag niya sa Malaking Couch ang dalaga saka, inilagay malapit sa ilong nito ang Menthol Balm upang bumalik ang Consiousness ng dalaga. Habang pinapaypayan naman ito ni Yaya Maring. Maya-maya'y unti-unti itong nagkamalay. "Hey! Are you okay?" ani Samuel sa namumutla na si Marcha. Nasa mga mata nito ang pag-alala.

Lumilipas ang sakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon