CHAPTER TWELVE

16 5 6
                                    

CHAPTER TWELVE



"Senyorita, wala po ba kayong plano na pabinyagan si Baby Marion?" ani Aling Sita kay Marcha. Nasa farm sila at ipinapasyal niya ang anak kaagapay ang matanda. "Mag-two year and one month old na si Baby Marion."


Biglang naalala ni Marcha na April nga pala ang Fiesta sa Bayan ng Calampang. "Next month po Aling Sita, pabibinyagan ko nalang si Baby Marion sa Calampang,"


Nagulat yata ang matanda sa tinuran niya.


"Talaga po, Senyorita?"


"Opo. Tsaka doon din kasi ang Birth of Place ko kaya nais kong doon ko rin sa St. Nazaren Chapel pabibinyagan ang bata,"


"Kung ganun ay makakauwi na pala tayo doon, Senyorita. Na-miss ko na ang lugar na 'yon. Doon narin halos ako tumanda eh,"


"Pero matapos kung pabinyagan ang bata ay babalik rin tayo dito sa Secret Paradise, Aling Sita. Alam mo naman, ito nalang ang natira sa negosyo ko."


"Eh, ano po ang plano niyo sa Asyenda, Senyorita?"


"Ibibinta ko po kay Samuel para iisang titulo nalang. Mahirap rin kasing may kahati sa titulo ng lupa. Hindi mo na alam kung sino ang totoong nagmamay-ari," mapait na ngumiti si Marcha. "Tapos i-se-save ko nalang sa Bangko ang pera para sa pag-aaral ni Marion," ani Marcha. Desidido na talaga siyang maging single Mom Forever. Binabagtas na nila ang daan pabalik sa Villa.


"Wala na po ba talagang pag-asa na magkabalikan kayo ni Samuel, Senyorita?" muling tanong nito. Hindi agad nakasagot si Marcha sa tanong ni Aling sita. Magkabalikan pa ba kami? Seguro hindi na kailangan. Para ano pa, para pahirapan ang sarili ko?


"Hindi na ho seguro, Aling Sita kasi may Asawa na siya," sagot niya rito.


"Sayang naman, Senyorita," anang nabigla na matanda.


"Uuwi na ho tayo sa Villa, Aling Sita kasi medyo humahamog na, baka sipunin si Marion," yaya ni Marcha sa Matanda. Pasado alas sais na ng hapon. Ganitong oras pa naman nagsisimula maghamog lalo pa't puro punong kahoy ang nasa paligid. Ito na ang nagdala ng stroller ng bata, habang buhat-buhat naman niya si Marion.


Masarap ang feeling na may Anak. bawat umaga paggising mo ay nadagdagan ang iyong inspiration na magsikap, nadagdagan ang 'yong tibay ng loob at mas lalo kang naging matatag. Ganun ang naramdaman ni Marcha sa tuwing nakikita niya ang kaniyang Anak. Pagbumalik man ako roon sa Calampang, seguro'y hindi naman kami magkikita pa ni Samuel. Alam kong abala siya sa kaniyang Rancho. Tsaka malayo sa Rancho nito ang Simbahan. Pagkatapos ng binyag ay babalik agad kami rito sa Secret Paradise ng Anak ko. Kumusta kaya si Mico? Segurado nagtatampo sa akin iyon dahil hindi ako nakapagpaalam sa kaniya. Nakalimutan na kaya niya ako? Seguro tumaas na siya? Mataas kasi ang Ama niya tiyak magmamana ito roon.


"Senyorita, okay lang po ba kayo? Kasi parang nasa malayo po ang iniisip niyo," ani Aling Sita. Nasa labas na sila ng Villa.

Lumilipas ang sakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon