CHAPTER NINE

25 4 1
                                    

CHAPTER NINE


Hindi mabilang ni Marcha kung ilang ulit siyang umiyak sa silid na iyon. Pero gaano man karami ang iyong luha sa mata ay may pagkaubos rin!



Hindi nagtagal ay narinig ni Marcha ang mahinang katok sa pinto. "Senyorita, okay ka lang po ba diyan sa loob?" ang nag-aalalang boses ni Yaya Maring.


Hindi siya sumagot.



Muling kumatok ang matanda. " Senyorita, kung hindi ho kayo sasagot ay mapipilitan po akong buksan itong pinto," muling saad nito.


"O-Okay lang ako Yaya. Wag niyo na ho akong alalahanin," nakamodulate ang boses na sagot niya.

"Sige ho. Aalis na muna ako," anito. Papalayo na ang yabag nito sa pinto ng silid kung saan siya nandoon.


Isa-isang pinulot ni Marcha ang nakakalat na damit sa sahig. Ngunit pulos punit na ang mga 'yon tanda ng pagkapwersa sa kaniya ni Samuel.


Naghanap siya ng maaring maisusuot sa malaking Cabinet na naroon sa loob ng kwarto. Isang Roba ang kaniyang nakita, agad na sinuot iyon saka lumabas ng silid. Hindi na siya nagpaalam pa kay Yaya Maring. Nakakahiya naman kung makikita siya nitong nakasuot ng ganun.



Nang makarating siya sa garahe ay mabilis siyang pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan Pajero saka pinaharurot iyon ng takbo.


Hangga't maaari ay araw na niyang tumagal pa sa bahay na iyon ni Samuel. Bayad naman na siya sa atraso niya rito na ikinapuputok ng butse nito. Magsisimula sa araw na ito ay hindi na siya lalapit kay Samuel.




Pagkarating ni Marcha sa kanilang Mansion ay agad siyang naligo. Sa tulong ng malamig na tubig ay gumaan ang kaniyang pakiramdam. Pero hindi ang kaniyang puso. Hindi kay daling mawala ang sakit, kirot at hapdi na idinulot ni Samuel sa pagkatao niya. Sa sobrang sama parin ng loob ay buong maghapon siyang nagkulong sa kaniyang silid.







*-----------------*----------------*------------------*----------------------*--------------------*

Pasado alas otso ng gabi. Nasa Veranda ng kaniyang silid si Samuel, habang may hawak na bote ng alak sa kamay. Mula sa kaniyang silid ay matatanaw ang ginagawa ng kaniyang mga tauhan sa Rancho may di kalayuan roon habang abala ang mga ito sa kaniya-kaniyang trabaho. Araw at gabi ay may itinalaga siyang tao para magbantay ng mga hayop sa kwadra, maliban sa Security Guard na nakatalaga naman sa gate, sakaling may kumawalang Hayop sa Rancho. Hindi kasi maiiwasan na magwawala ang mga kabayo dahil sa takot lalo na kapag kumukulog. Kung minsan ay siya ang nandoon upang mag-ikot-ikot sa paligid ng Rancho kapag nabuburyo siya. Pero dahil sa nangyari sa kanila ni Marcha ay hindi siya uli nakabalik sa Rancho.


Hindi niya napigilan ang sarililsa matinding galit para sa babae dahil sa pangingialam nito sa kanila ni Mico. Buong magdamag niyang hinanap ang Anak. Nagmukha siyang tanga; pati tauhan niya sa paghahanap ngunit nasa pamamahay lang pala ito ni Marcha. Kung nagpunta man ito sa bahay ng mga Trinidad, sana'y inabisuhan siya ng babae na naroon pala si Mico. Na roon muna ito matutulog ng gabing iyon. Hindi iyong ipinag-alala siya. Nagkagulo tuloy sa Rancho kanina dahil pagkawala ng bata.


Pero kanina habang inaangkin niya si Marcha, hindi niya maiwasang maawa rito. Pero mas nanaig parin ang silakbo ng kaniyang  damdamin na angkinin ito. In fact, hindi rin naman siya nagsisisi. Napatunayan kasi niya na may puwang parin ang babae sa Puso niya sa kabila ng heartache na idinulot nito roon. At nakaramdam siya ng awa at lungkot nung makita niyang umalis ito ng Mansion. Gusto niya itong sundan at humingi rito ng sorry sa pag-angkin niya...ngunit hindi niya ginawa. Si Marcha naman ang rason kung bakit nagalit siya, Di ba? So, hindi niya kailangan habulin ito. Saka na seguro kapag nakain na niya ang pride niya at mapapatunayan ang pagkakamali niya.


Lumilipas ang sakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon