CHAPTER SIX

27 5 1
                                    

CHAPTER SIX

Dapit hapon ng mga sumunod na araw ay muling nagbisita si Marcha sa Palayan upang kumustahin at alamin kung nasolusyunan ang mga dumapong Insekto at Peste sa Palay.

At nakahinga lang siya ng maluwag ng mapag-alamang unti-unting nauubos ang mga Insekto dahil sa Insecticide Sprayer na galing pa raw sa ibang bansa.

Salamat, Lord! Usal-pasalamat niya.

Ayos na sana ang lahat ng maya-maya'y ay may dumating na lalaki.

"Magandang araw po!" bati sa kaniya ng lalaki. Kasalukuyan siyang nasa labas ng bodega habang kausap niya si Mang Rudy. Silang dalawa lang ang tao roon ng matanda.

"Magandang araw rin sa iyo! May maitutulong ho ba kami?" tanong niya.

"Magtatanong sana ako, Miss kung nasaan ho ba rito ang Lupaing Pansakahan ng mga Trinidad?" Nagkatinginan naman sila Marcha at Mang Rudy. Tsaka muling bumaling sa lalaki si Marcha. Nagsisimulang lumukob ang kaba sa kaniyang dibdib.

"Itong sakop ho ng kinatatayuan natin. Bakit naman ho? Ako nga ho pala ang Anak ni Don Ismael Trinidad," kusang pakilala ni Marcha.

Lumapit sa kaniya ang lalaking nasa mid-forties ang edad at nakipagkamay.

"Mabuti at natyempuhan kita rito, Miss. Ako nga pala si Atty. Federico Romualdez, na inutusan ni Mr. Howard Kelly upang ayusin itong Lupaing nakasanla ng Ama mo sa kaniya."straight-to-the-point na pagbibigay alam ng lalaki.

Nagulat naman si Mang Rudy sa narinig.

"Meron ho ba kayong hinahawakang Papeles para mapaniwala ako sa sinabe niyo Attorney?" kalmanteng tanong ni Marcha.

"Meron, Miss Trinidad," anang attorney. Pagkuwa'y may kinuha ito sa loob ng dalang attaché case saka pinakita sa kaniya.

Kinuha iyon ni Marcha at pinasadahan ng tingin. Iyon ang Titulo, resibo at legal Notice Pruweba na naisanla na nga sa Certain Kelly ang kanilang Lupang pansakahan. Gustong panawan ng ulirat ang dalaga. Ito na yata ang kinatatakutan niya, ang bawiin ang lupaing inaasahan ng mga Tauhan nila sa Asyenda.

"Pero gusto ko muna makausap si Mr. Kelly, Attorney bago ko I-tu-turn-over sa kaniya itong Lupain. Alam niyo hong noong Isang araw ko lang napag-alaman na naisanla na pala ng Ama ko itong lupain namin."

"Nasa ibang bansa ang Kliyente ko Miss. Trinidad, kaya imposibleng makakauwi siya rito sa Pilipinas. Kaya nga ho ako nalang ang inutusan para ayusin ito. Pero kung nakahanda kayo upang tubusin ang Lupain, anumang oras ay ibibigay ko sa iyo ang Titulo ng Lupa, Miss Trinidad," anang abogado.

Naihilamos ng dalaga ang palad sa kaniyang mukha. Sa wala nga siya ganung halaga ng pera. 8 billion plus interes. "Hindi ho iyon pupwede Attorney. Kailangan ko ho munang makausap ang may-ari na nakabili," hopeless niyang sabe rito.

"Bueno,kung 'yan ang gusto mo. Ipagbigay-alam ko sa aking kliyente."

"Thank you po, Attorney!"

"O siya, hindi na ako tatagal, Miss Trinidad. Iyon lang ang sadya ko rito," anang Abogado at maayos itong nagpaalam sa kaniya.

"Sige ho Attorney," ani Marcha. Kahit na ang totoo ay para siyang sinaklaban ng langit at lupa.

Nang umalis ang Abogado ay sinalubong siya ng nagtatanong na mga mata ni Mang Rudy. "Naibinta ng Daddy ang buong sakahan, Mang Rudy," iwas ang mga mata na sabe niya sa matanda.

"Senyorita, paano na ang trabaho namin? Ang pagsasaka lang ang ikinabubuhay namin," nanghihinayang na sabe nito.

"Sa ngayon, di ko pa alam Mang Rudy. Kaya nga gusto ko munang makausap ang Bumili para makapag-desisyon na ako."

Lumilipas ang sakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon