Ang Diary na ito ay galing sa isang batang babae, na bagong lipat sa isang hindi nabangit na bayan sa may bandang Europa, nakasaad sa Diary na ito ang lahat ng nangyari sa kanya sa bahay na iyon sa loob ng 22 araw. Ang mga susunod ninyong mababasa ay ang nilalaman ng mismong diary na kanyang isinulat na halos 70 taon ng nakakaraan. -
1stDay -
Birthday ko, bagong lipat din namin ng Bahay, ang saya nila Ama at Ina, pero nakita kong umiyak si Ina bago kami pumasok ng bahay. Medyo nalungkot ako ng konti pero sabi ng aking Ama ay kailangan masaya kami, dahil Birthday ko.
2nd Day -
Tahimik dito sa amin, wala sina Ama at Ina, ako lang mag isa, ako lang matutulog ulit mag isa, akala ko pag bagong lipat na kami kasama ko na sila lagi, hindi pala. Sana magkaron ako ng kalaro. May nakita akong matandang lalaki sa kabilang bahay, nakaupo lang sya sa at nakatingin sa labas ng bahay, bakit kaya? Wala rin kaya syang kalaro tulad ko?
3rd Day -
Kilala ko na yung matandang lalaki, sya pala si Mr. Cornwall. Mukang gusto nya ng kalaro kaya sya malungkot, lagi syang nakaupo sa upuang may gulong, may kasama syang lalaking lumabas ng bahay. Tahimik lang sya at di nagsasalita. Gusto ko sya makalaro. Para parehas na kami ni Mr. Cornwall na maging masaya. Magpapaalam ako kina Ama at Ina.
4th Day -
Sarado ang kwarto, bakit kaya? Nakatingin nalang tuloy ako kanina sa bintana at nakatingin kay Mr. Cornwall sa kabilang bahay, malungkot din sya at nakatingin din sa labas ng bintana. Gusto ko syang makausap. Gusto ko syang makalaro. Malungkot na nga ako sa sa dati naming bahay, pati rin pala dito wala rin akong kalaro? Gusto ko na tuloy umiyak.
5th Day -
Sarado nanaman ang kwarto, nalimutan ata nila Ama at Ina na buksan ang pinto. Sumilip nalang ako sa bintana para makita si Mr. Cornwall, gusto ko na syang makalaro at makausap, marami akong gusto ikuwento sa kanya. Bakit kaya lagi syang malungkot at nagiisa?, nasaan na yung kasama nyang nakita ko.? Iniiwan din kaya sya magisa ng kanyang mga kasama tulad ng ginagawa sakin nila Ama at Ina? Mukang tulog si Mr. Cornwall, kanina pa syang umaga nakapikit.
6th Day -
Wala si Mr. Cornwall sa bintana ngayon, pero Madaming tao sa bahay nila, lahat sila naka-itim. Bakit ganun? Kung kelan maraming tao sa bahay nya tska ko naman sya di makita, di parin bukas ang kwarto, sarado parin, bakit kaya?
7th Day -
Malungkot ang araw na to. Wala parin si Mr. Cornwall, nakakawalang ganang magsulat. Gusto ko umiyak.
8th Day -
(NO ENTRY)
9th Day -
(NO ENTRY)
10th Day -
Sa wakas! Andito na ulit si Mr. Cornwall, kaso bakit ganon?, nakatalikod sya at nakatayo? Anong nangyari sa inuupuan nyang may gulong?, kaya siguro sya nawala dahil sira na yun, oo nga baka nga. Tinatawag ko sya pero hindi sya lumilingon. Pero ok lang, at least nandito na sya, di na ko malulungkot ulit.
11th Day -
Nakakaawa naman si Mr. Cornwall, pagod na ata sya sa kakatayo, ano kayang ginagawa nya ron? Nakatalikod lang sya at nakayuko, gusto ko malaman. Pero ok lang, masaya na ako at nandyan sya.
12th Day -
Nalulungkot ako kay Mr. Cornwall, bakit hindi sya gumagalaw dun? Natatakot na ko sa kanya., baka magkasakit sya sa kakatayo, nasaan na yung kasama nyang lalaki at yung mga maraming taong naka-itim?. Ni isang tao wala na kong Makita na pumapasok sa bahay nila. Gusto ko sya pasayahin. Gusto ko rin sumaya.