April 9th, 2011 Taon na ang binilang na nakatiwangwang at hindi mabili-bili ang lote sa may Marilao Bulacan, ang mga tumitingin sa lote nakapagtatakang bigla silang umuurong sabilihan… Taon na ang binilang na nakatiwangwang at hindi mabili-bili ang lote sa isang sona
ng subdivision na iyon sa may Marilao Bulacan. Marami na ang prospective buyers na nagkagusto at nagtanong tungkol sa loteng iyon. Mga taong interesadong bilhin ang lote ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi nagkakatuluyan ang bentahan.
Sa bahaging iyon, tanging ang loteng iyon na lang ang nakatiwangwang at hindi okupado ng bahay. Ang mga katabing lote ay matagal na ring napagtayuan atnatirhan ng mga nakabili nito. Nakapagtataka nga marahil kung bakit sa dami na ng naging interesadong buyer sa lote ay bakante pa rin ito hanggang sa kasalukuyan. Minsan ay isang kalapit na residente ang nakakausap sa ahente na siyang may hawak o nagbebenta sa bakanteng lote. “Magkakabentahan na ba kayo sa wakas ha?” Sa dalas ng ahente sa gawing iyon ay naging kakilala na ito ng mga kalapit na residente ng lugar.
“Sana nga. Kung bakit naman kasi nagkakaroon lagi ng aberya kapag nagkasundo na kaming magbilihan.” “Aberya?” “Talagang interesado ang mga tumitingin sa lote. Kaso sahuli, nakapagtatakang bigla silang umuurong sabilihan.” Mag-asawang nakatira sa katapat ng lote ang kausap ng ahente. Nagkatinginan nang makahulugan ang mag-asawa. “E, bakit naman kaya umuurong?” Nagkibit-balikat ang ahente. “Wala daw pera.
Nagastos sa ibang bagay.” “Pang-ilang ahente ka na ring humawak sa loteng iyan, e.”
“‘Yon nga ang sabi ng may-ari. Nangako pa ‘ko na kayang-kaya kong ibenta’ yan. Pero hanggang ngayon wala pa rin. Nahihiya na tuloy ako sa may-ari.” “Kami’y matagal na ring nakatira sa lugar na ‘to. Totoo ang sinabi ng may-ari.. .napakarami ng tumingin sa loteng iyan. Pero walang’ natutuloy na bilhin ‘yan. Alam mo bang may kuwento ang loteng iyan?” “Kuwento?” “Oo. At paulit-ulit na rin naming naikuwento ito sa mga ahenteng nakilala na namin. Naku.. .marami na ring nakakaalam nito.”
"Anong kuwento ho iyon?” Naging curious na ang aliente. “Noon kasing 1984, may isang babaeng nagkagusto sa loteng iyan. Matandang dalaga. Gustung-gusto niya ang lugar para daw sa dream house niya. Matagal daw pinag-ipunan ng babae ang pera para
talaga sa pagbili niya ng lupa at sa pagpapatayo ng bahay.” “Bakit ho hindi natuioy bilhin?’* “Na-holdup daw iyong babae nang araw na magbabayaran na. Ang siste.. .hindi lang basta kinuha ang perang ibabayad sana sa bangko kundi pinatay pa ang babae ng mga nang-holdup sa kanya.” “Grabe naman ‘yon!”
“Nabalita nga iyon sa tv. Heto pa ang kuwento.. .may mga madaling araw na may nakakakita sa loteng ‘yan na mayroon daw isang matandang babae na nagsisiga. Walis nang walis ng mga sukal sa loteng ‘yan.” “Gano’n?” “Ang kaso walang bakas man lang ng siga na makikita sa lugar. At nanatiling masukal ang lote. Kung hindi papinahahawan ng may-ari ang mga damo at halamang ligaw ay baka naggugubat na’ yang lote. Ibig sabihin, wala talagang naglilinis at nagsisigang babae d’ yan.” “Ibig ninyong sabihin.. ang babaeng nakikitang nagsisiga e, iyong babaeng bibili na napatay ng holdupper?”
Nagkibit-balikat ang matandang lalaki. “Walang makakapagpatunay niyan.” “Ikuwento mo naman iyong mga sumunod na nakagusto ng lote,” sambot ng matandang babae. “Pagkatapos ng matandang dalaga nga na napatay ng mga holduppers, marami pa ang sumunod na nagkagusto sa loteng ‘yan. Ang siste…wala isa man ang natuloy na bumili sa lote. Dahil nagkakaaberya.” "Aberya?”
“Gaya nga ng sabi mo kanina, nakaranas ng iba’t ibang aberya ang mga prospective buyer ng lote. Mayroong naaksidente at ang pera na dapat ay ipambabayad sa lote ay nagamit sa pagpapaospital.” “Mayroon pa nga kaming nakausap, nasunugan daw sila ng tindahan kaya hindi na nila kayang bilhin ang lote dahil dapat unahin ang pagpapagawa ng nasunog na tindahan.” “Iyong isa pa nadale daw ng akyat bahay gang. Nalalos daw halos ang laman ng inuupahang apartment. Hayun hindi rin nagkabilihan.” “Ang saklap naman ng mga nangyari sa kanila.”
“Marami pang mga sumunod na tumingin at hindi na namin nalaman kung ano ang totoong kuwento kung bakit hindi natutuloy ang bentahan. Ang usap-usapan nga naming magkakapitbahay dito.. .baka raw talagang parang may sumpa na ang loteng ‘yan, e.”
“Bakit n’yo naman ho nasabi ‘yon?” “Bakit hindi? Lahat ng tumingin sa lote ay napapasama… nakakaranas ng kamalasan sa buhay, o hindi ba?” "Ano ho ang ibig sabihin no’n?” “Ewan natin. Baka may kinalaman iyong babaeng napatay.”
Napakunot-noo ang ahente. “Haka-haka lang naman ito ng mga tagarito. Kasi iyong babae daw na napatay nga, talaga daw pinag-ipunan nang husto ang ipambabayad sa loteng iyon. At gustong-gusto iyon ng babae… dream house daw ang planong itayo roon sana. Kaso nga hindi natuloy.”
“Ibig ninyong sabihin.. .ayaw ng babaeng iyon na mabili ang lote?” “Posible. Kaya iyong mga nagkakagusto sa lote ay nakakaranas ng aberya. Sa ganoong paraan ay mananatiling walang nakakabili rito.” “Posible iyon, e,” sambot ng matandang babae. “Siguro inari na talaga ng matandang dalagang iyon na sa kanya ang lote. Patunay ang di umano nga’y pagsisiga at paglilinis niya sa lote sa tuwing madaling araw.”
Kung tunay nga na iyon ang dahilan kung bakit nananatiling abandonado ang loteng iyon, walang makapagpapatotoo. Ngunit kung pagbabasehan ang mga pangyayaring naganap sa mga prospective buyers ng nasabing lote, malinaw ngang hindi ibig ng napaslang na matandang dalaga na may makabili pa ng nasabing lote.