Tahimik ang mga bagay na walang buhay—hindi nakakagalaw, hindi nakakapagsalita. Gayunpaman, sila ang mas nakakaalam ng mga pangyayaring nawawaglit sa pansin ng mga buhay na pagalagala lamang, na wari bang bingi sa mga panaghoy at kwento ng mga mas nakakaalam—ang mga dingding, salamin, sahig, puno, upuan, mga pinto—na parating nakamasid. Sila… wala man silang kakayahan
g umimik, nakikita ka nila at pwede nilang ipakita sa iyo ang mga bagay na hindi nakikita ng iba.
Huling taon na naming sa skul. Isang sem na lang at magpapractice teaching na kami. Ambilis tumakbo ng panahon. Parang kelan lang, 1st year lang kami at di magkakakilala. Pero heto na kami ngayon, 4th year, magkakabarkada, magbff at ung iba magbf/gf pa.
1st day ng klase at last subject naming ng araw na iyon. English Education 104 (Structure of English), 5:00-6:30 pm. 5:15 na pero wala pa ung prof naming pero hinihintay namin siya. Naging prof na namin siya nung last sem at kabisado na namin ang patakaran niya.
Kahit late siya ng 30 minutes, dapat andun pa rin kami sa klasrum at maghintay dahil baka bigla siyang dumating at kami pa ang maabsent. Ganun yun. Maghihintay kami, unless, may magconfirm na wala talagang klase.
Maingay sa loob ng klasrum. Nagtsitsismisan at nag uusap ng mga kung ano anong mga bagay.
Ako, bilang naiinip at walang magawa, pumunta ako sa harap at umupo sa teacher’s table.
“Uy guys, may kwento ako.” Sabi ko at kinuha ko ang atensyon ng aking mga kamag-aral.
Lamang din lang na sanay na sila sa akin at sa aking pagpapakalider lider, tumahimik ang ilan at napako ang atensyon sa akin. Yung ibang di tumahimik ay sinaway ng iba kong mga kaklase. “Hoy! Silence. May kwento si Rael.”
“Shhhh…” echo pa ng ilan.
“Reel, kwento ka na.” sigaw ni Jema, isa sa kaklase kong mahilig making ng aking kwento.
“Since wala pa si Mam Bau ( Ma’am Bautista- ung prof namin) kwento muna ako. Pero pagpasensyahan nyo na lang.”
“Go!” sigaw ng ilan.
Nasa tuktok ng three-storey- building ng College of Engineering ang klasrum namin. At sa mga oras na iyon, medyo madilim na pagkat makulimlim ang panahon at parang uulan pa.
“Mayroong magsyota na nagdesisyong magpakasal pagkaraan ng tatlong taon nilang pagiging magkasintahan.” Panimula ko. Love story ang most requested sa akin para ikwento kaya naisipan kong ibahin ngayon.
“So isang araw, lumabas ang magkasintahan para pumili ng wedding gown. Dahil di maarate ung babae, pumili na lang siya ng isang simple ngunit eleganteng gown.
“Masayang umuwi ang magkasintahan. Sa bahay ng babae, muli niyang isinukat ang gown at laking gulat na lang niya ng may mapansin siyang kulay pula sa may dibdib ng gown. Sa sobrang pagkagulat niya, agad niyang hinubad ang gown at tinignang mabuti ang pulang mantsa. Lalo siyang natakot ng makompirama niyang dugo ang pulang mantsa sa gown.
“Pero paano? Tanong niya sa sarili. Walang bahid ng anumang dumi ang wedding gown nung binili nila ito kanina at lalong wala naman siyang sugat para mamantsahan ng ganun ang pinamili.
“Dala ng pagod sa pag iisip tungkol sa misteryo, nakatulog ang babae at nanaginip.
“Gosh! Ano bayan Rael. Parang horror naman yung kwento.”
“Dapatlove sotry” komento ng aking mga kaklase.
Ngumiti na lang ako at nagpatuloy. Kumatok ako sa mesa para may sound effect.
“Sino yan? Tanong ng babae sa kanyang panaginip ng may marinig siyang kumakatok sa pinto. Walang sumagot kaya dali dali siyang pumunta sa pinto at sumilip sa peep hole. May isang matandang babae sa labas. Binuksan niya ang pinto at nagtanong, ‘ano pong kailangan nila?’