Hindi ko alam bakit sa dinami dami ng tao sa sanlibutan ako pa ang binigyan ng gnitong pagsubok ng May-kapal. Hanggang ngaun di ko parin maintindihan bakit kailangan maging ganito ang takbo ng aking buhay na dati rati ay Masaya at normal. Nag umpisa ang lahat ng minsan ako ay pauwi mula sa aking pinagtratrabuhan at nagpasiyang maglakad sa overpass papunta sa kabilang kalsada kung saan ako sasakay pauwi samin ng may biglang tumabig mula sa aking likuran na isang matandang lalake na lagas ang ngipin, madumi at tila ba napakalaki ng kanyang mga mata na halos lumuwa na ito sa kanyang mukha.
‘’Tulungan mo ako, tulungan mo ako!’’ wika ng matandang lalake habang hawak ang aking mga kamay at pilit na dinadagan ang katawan sa akin.
‘’Ano hong maitutulong ko sa inyo?’’ wika ko sa matanda na unti unting napapaupo sa semento na tila ba nanghihina. Agad ko siyang inalalayan at napansin ko na nakayuko ito na napaupo at naghahabol ng kanyang hininga habang pilit na tintaas ang kanyang mga mata upang akoy kausapin.
‘’Pwedeng sayo na siya iho, di ko na kaya pagod na pagod na ako nag mamakaawa ako sa iyo.’’ Wika ng nagsusumamong matanda sakin.
‘’Ano ho ba iyon? Mabuti pa dalhin ko na kayo sa ospital.’’ Wika ko sa matanda na bigla akong hinablot papalapit sa kanyang mukha kung saan halos Makita ko ang kanyang nakapalaki at halos na luluwang mga mata na nakatitig sakin ng matalim.
‘’Tanggapin mo siya, tanggapin mo siya!’’ paulit ulit na wika ng matanda na agad kong ikinatakot at di sinasadyang naitulak ko siya papalayo sa akin. Hindi na ako nag dalawang isip pa, iniwan ko ang mtanda at agad na tumakbo paalis ng lugar na iyon at ng akoy makababa sa taas ng over pass ay nakita ko siyang nakatayo sa railings at nakatingin ng nakangisi sakin.
Pagod at hapong hapo sa buong maghapon ay di nako kumain at dali daling umakyat ng kwarto upang makapag bihis at makapang pahinga. Ramdam ko ang matinding pagod sa buong katawan dahil nagsimulang manakit ang aking batok at likod mula sa maghapong kakaupo sa opisina. Napahiga ako sa kama at ninamnam ang lambot ng aking kutson ng biglang may humawak sa aking kanang kamay na agad kong kinagulat. Agad akong bumangon at hinanap ang humawak sa aking mga kamay , ilang beses akong paikot ikot sa kama at pilit na pinakikiramdaman ang loob ng aking kwarto. Maya maya pa ay tinawag ako ng aking katulong upang kumain at pinilit kong kinalimutan ang mga pangyayari na iyon sa aking isipan.
‘’Mam, ok lang po kayo?’’ wika ng katulong na tila ba ay takot na takot na nakatingin sakin na agad kong pinagtaka.
‘’Bakit? Ok lang ako, anong nangyari sayo.’’ Naguguluhan kong tanong sa aking katulong
‘’Wala po Mam, wala po.’’ Takot na sagot ng aking katulong na dali daling bumalik sa kusina na aking pinagtataka. Nang matapos akong kumain ay saka lamang lumabas ang aking katulong dala ang kanyang mga gamit at nagpaalam na siyay aalis at hindi na muling maninilbihan pa sa akin na lubos kong ikinagulat.
‘’Bakit Manang Lolit may nagawa ba akong mali sayo? ‘’ malungkot na tanong ko sa katulong na ksama ko ng limang taon
‘’Hindi po Maam, patawad po pero d na po ako makakapag silbi sa inyo dahil kailangan ako ng anak ko.’’ Wika ng matanda na takot na takot nakatingin sakin na para bang isa akong halimaw na ano mang oras ay pwede ko siyang kainin.
Hindi ko na magawang kumbinsihin pa si Lolit at agad siyang pinakawalan kahit na labag pa sa aking kalooban. Malungkot akong pumasok sa aking silid at napaupo sa harap ng computer ng biglang mag message skn ang bestfriend kong si Honey na nagyaya muli na makipag video call.
ACCEPT/IGNORE CALL
ACCEPT CALL………………………LOADING………………………LOADING……………………………………
Ayu143: Hi best musta na? looking good ah ahihi (smiley)
Ayu143: Best?
Ayu143:Buzz!
Honey4you is typing………
Honey4you: Best sino yang nasa likod?
Ayu143: Hay naku best wag mo nga akong takutin, ay sus lumang style na yan.
Honey4you:No best di ako nagbibiro, may batang nakaluwa ang mata na lagas ang mga ngipin na nakababa sa likod mo d mo ba nakikita?
Agad akong kinabahan sa sinabi ng kaibgan ko, unti unti ay nararamdaman ko nga na may mabgat na nakapasan sa aking likod at nakatungtong sa ibaba ng aking ulo. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili habang binabasa ang mga tinaype sakin ng best ko ng mapansin ko na kusang gumagalaw ang keyboard sa aking harapan.
Tap…..Tap…..Tap………tunog ng keyboard na mariringi sa buong kwarto.
Honey4you:Best I off ko na to ha, bukas nalang tayo mag usap
Ayu143 is typing…………………………..
Ayu143: May babaeng hiwa ang mukha sa tabi mo
Agad namulta si Honey sa nabasa niya sa chatbox at agad nireplyan ang message na ginawa ng nilalang sa likod ko.
Honey4you: Walang ganyanan best wag mo akong takutin.
Ayu143 is typing………………….
Itinaas ko ang aking kamay sa screen upang masabi sa aking kaibgan na di ako nagtatype sa keyboard na agad naming ikinalaki ng mata ng best ko sa kabilang linya.
Ayu143: Mayang gabi sa pagtulog mo makikita mo ang hinahanap mo
D ko na nakita muli si Honey dahil sa di malamang dahilan ay biglang namatay ang webcam niya at ako naman ay nanatiling nakaupo at nakatingin sa monitor kung saan naaninag ko ang mukha ng bata sa screen na nakangisi skin.
‘’Akin ka……..akin ka!’’ tinig na bumubulong skin tenga kung saan nakikita ko na humahaba ang leeg ng bata at pinalibot ang leeg sa aking katawan na tila ba ako ay iginapos sa isang lubid. Mula noon ay kasa kasama ko ang nilalang na ito san man ako magpunta, nagbago narin ang aking buhay pati narin ang aking itsura. Pabaluktot na akong lumakad, lagas ang ngipin at paluwa ang mga mata at ngaun ay naghahanap dito online sa susunod na magiging may ari ng nilalang na ito na aking kasama. Ikaw gusto mo ba? Nakatingin sa iyo ngaun habang itoy iyong binabasa nag aabang ng pagkakataon na ikay mapasakanya.