The Massacre

480 13 1
                                    

A perfect day for a couple, ito ang araw ng kanilang pinagdiriwang ang kanilang unang anibersaryo bilang mag asawa at kung saan nakatakda na rin ang nalalapit na pagsilang ni Gale para sa unang anak nila ng aswang si Terence.

‘’Happy anniversary hon!’’ wika ni Gale sabay halik sa asawa nito habang naka nagmamaneho pauwi ng kanilang bahay after nila mag dinner sa labas upang icelebrate ang okasyong ito.

‘’ Happy anniversary rin love u!’’ wika ni Terence sa buntis na asawa ng mapansin ang isang lalake na naka hoodie na naglalakad sa kalsada na patungo sa loob ng village na tinutuluyan nila. Umuulan ng mga oras na iyon at d maaninag ng ilaw kung sino ang lalaking nagpapakabasa sa ulan na din a lamang pinansin ni Terence na nagpatuloy s apagmamaneho ng mapansin sa rear mirror ang kakaibang mukha ng lalaking naka hoodie na may malaking ngiti sa mukha.

‘’Ang weird nmn ng mukha niya.’’ Wika ni Gale na pansin din ang nakakakilabot na ngiti ng lalaking naka hoodie na nilagpasan ng kotse nila.

‘’Napansin mo din pala un? Mabuti pa ay sabihan natin ung guard sa unahan.’’ Wika ni Terence na agad huminto ng maaninag ang mga security guard ng village nila.

‘’Sir may lalakng naka hoodie na weirdo na papasok sa village paki lagay nalang dyan sa log book.’’ Paalala ni Terence na agad namn sinang ayunan ng mga nagbabantay na guards ng village nila.

Nang makarating sa bahay ay agad ipinasok ni Terence ang kotse at agad nilock ang gate habang naaninag na kausap ng mga guards ang lalaking naka hoodie. Nagulat ito ng biglang mapatingin sa kanya ang lalake na d malaman bat kita siya sa kanyang kinaroroonan.

‘’Lina make sure naka lock ang lahat ng pinto at bintana ok?’’ wika ni Terence sa katulong nito na si Lina.

‘’Opo kuya!’’ tugon nmn ng katulong sa amo niya.

Bago pumasok sa kwarto nilang mag asawa ay dumaan muna ito ng sala kung saan madadatnan nito ang mga magulang na nanonood ng balita sa tv. Mapapatigil ito upang tingnan ang balita kung saan isang serial killer ang nakawala at pakalat kalat na naghahanp ng susunod nitong mabibiktma.

‘’Iba na talaga ang panahon ngaun kaya dapat tayong mag ingat.’’ Wika ng kanyang Papa na din a nakakalakad dahil sa pagkakaputol ng kanyang paa dahil sa skit na diabetes.

‘’Sinabihan mo nab a si Lina na ilock ang gate at ang pinto bago matulog.’’ Wika nmn ng kanyang Mama.

‘’Yes Mama.’’ Wika ni Terence na pumasok na agad sa kanyang kwarto upang magpalit ng dmit.

‘’Bakit hon is sumthing bothering u?’’ tanong ng kanyang asawa na nakapag bihis ng damit pantulog na kalalabas lng ng banyo.

‘’Wala pagod lang, halika ka nga dito pa kiss nga.’’ Wika ni Terence na agad niyakap ang asawa ng maya maya ay mapansin na ang aninong bglang dumaan sa labas ng bahay nito.

‘’Bakit?’’ tanong ni Gale na nagtataka sa makabuluhang tingin ni Terence sa labas ng bintana.

‘’Just wait in here, lock the door.’’ Wika ni Terence sabay kuha ng baril sa cabinet niya.

Lumabas siya ng kwarto at sinenyasan ang asawa na agad ilock ang pinto. Dahan dahan siyang naglakad papunta sa sala ng mapansin na wala na ang mga magulang nito at bukas ang tv na di man lang nila naisarado.

‘’Shit!’’ wika ni Terence ng mapalingon sa may kusina kung saan nakatiwangwang ng bukas ang pinto.

Agad nyang pinuntahan ang kusina kung saan mapapansin na bukas ang ref nila.at maingat na nag matyag sa buong paligid ng bahay nila. Sumilip siya sa labas ng kusina at mapapansin ang isang figure ng tao na natatakpan ng mga sinampay na kurtina.

‘’Lina, sa susunod wag mong iwanang bukas ang ref at tv ano ka ba!’’ wika ni Terence na agad pinuntahan ang maid at ng mahawi ang kurtina na nakatabon sa pagitan nilang dalawa ay nagulat ito ng makitang nakabigti ang dalaga.

‘’Fuck!...Mama! Gale!’’ wika ni Terence sa sarili na agad tumakbo papasok ng bahay upang tingnan ang mga magulang at asawa ng biglang marinig ang agos ng tubig sa banyo na nasa labas ng kwarto ng mga magulang niya. Dahil nakapatay ang ilaw ng cr ay kinakapa ni Terence ang switch habang naka alisto ang mga mata sa ano mang panganib na pwedeng sumalubong s akanya.

‘’Shit!’’ wika ni Terence ng magulat sa biglang pagbukas ng ilaw kung saan makikita na walang tao sa loob ng banyo na pinuntahan niya. Pinatay nito ang umaagos na faucet ng mapansin ang nakasaradong takip na inidoro na may bahid na dugo sa gilid nito. Napalunok sa ano mang Makita ay unti unti niyang binuksan ang tkip at nagulat na Makita ang ulo ng ama nito na nalagay sa loob ng inidoro.

‘’Pa!’’ wika ni Terence na napaluha sa sinapit ng ama ng makarinig ng kalabog sa sala. Agad pinuntahan ni Terence ang sala kung saan mapapansin na walang tao at nakapatay na ang tv na kanina ay nabukas pa. Kinuha nito ang telepono at agad pinindot ang linya na kumukonek sa pulisya. Mabuti at di ito putol at hawaka ng telepono ay bngay nya ang address ng village kung saan nakita niya ang bangkay ng ama at ng katulong nila ng biglang may sumapok sa ulo nito mula sa likuran nya.

‘’Ohh!’’ wika ni Terence habang hinihila ng lalakeng naka hoodie patungo sa labas ng bahay nila at dun ay iniwan siya habang itoy bumalik sa bahay sabay lock ng gate ng bahay niya.

‘’Anong gagawin mo san ka pupunta?’’ wika ni Terence na agad hinanap ang baril ng mapansin na wala na itong bala. Hina man ay pinilit niyang bumangon at sumilip sa bakod ng gate nila na unti unti niyang inakyat upang malaman kung saan papunta ang lalaking sumapok sa ulo niya.

‘’Hindi! Gale!’’ wika ni Terence ng Makita ang anino ng lalaki na nasa harap ng pinto ng kwarto nilang mag asawa.

Pinilit niyang sumampa at ng makatalon ay humanap ng isang malaking pala at pumunta sa likod ng bahay kung nasan ang bintana nilang mag asawa.

‘’Gale! Gale wag kang lalabas dyan ka lang Gale!’’ sigaw ni Terence na kumuha ng bwelo upang basagin ang slamin ng kanilang bintana. Ilang hampas pa ay nagawa nitong mabasag ang salamin at makapasok sa loob ng kwarto nila ng Makita ang wakwak na tyan ni Gale at ang anak nila na may kutsilyo sa dibdib at wala ng buhay na nakalagay sa kama.

‘’Hindi!’’ sigaw ni Terence ng Makita ang bangkay ng kanyang mag ina at agad hinanap ang killer na pumatay sa kanyang pamilya. Dahil nanghihina ay di nito napansin ang katawan na nakabalandra sa labas ng kwarto nilang mag asawa na dahilan ng kanyang pagkakadapa.

‘’Mama!’’ umiiyak na wika ni Terence ng Makita ang duguang katawan ng kanyang Mama na tapyas ang mukha.

‘’Hihi!’’ wika ng lalaki na nakatayo sa harap ni Terence. Unti unti niyang itinaas ang mukha niya at Makita ang mukha ng ina na nakamaskara sa mukha ng lalaking naka hoodie na siyang may pumatay sa kanyang pamilya.

‘’Hayup ka!’’ mga huling kataga ni Terence bago mapigtal ang kanyang ulo ng biglang hampasin ng pala ng lalaking nakahoodie at may malaking ngisi sa kanyang mukha.

Ghost Stories (One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon