Chapter 17: A New Start

14 1 0
                                    

JEMI POV
Nadidistract ako habang kumakain kasi nasa likod ko lng ang manager's table.

At ang nakaupo dun sa manager's table, ay walang iba kundi si Dane.

"Act normal Jeminhaie..." Bulong ko sa sarili ko.

Di talaga ako mapakale. Parang feeling ko nakatitig sya sakin.

Shit, lord please help me....

"Anak?"

Napabalikwas ako sa tawag sakin ni Mom.

"P-po?"
"Kanina kapa di mapakali, ayos ka lng ba?"
"Opo, ayos lng po."

Inayos ko ang sarili ko at nag deep breath. Kumain ka na nga lng Jemi...

~
As soon as matapos na ang lahat kumain, umalis na kami kagad.

Pero, leche tong lower abdomen ko sumakit pa. Napabalik ako sa loob at dumiretcho sa CR.

Wala pa naman ako, baka signs palang na malapit na.

Naghilamos lng ako at nagayos ng ipit.

Lalabas na sana ako ng....

"What the..."

Oh My.... Yung knob, ayaw bumukas!

"No....no no!"

Natataranta ako. Ayaw umikot nung knob! Ilang pwersa na yung ginawa ko pero walang nangyayari!

"No! Tulong!" Sigaw ko.

Biglang may naramdaman ako sa kabilang side ng pinto.

"Ms? Ms?! Ok ka lng po ba?!" Sabi nung nasa labas.

"Sir! Ayaw pong kumalas nung knob!" Sigaw ko habang tina-try paring buksan.

"Ms!"
"Hala ok lng kaya sha?"
"Oy tulong!"

Di ko na marinig yung nasa labas talaga na tumutulong sakin dahil sa mga ibang taong sumisigaw pa.

"Jemi! Jemi!" Atlast narinig ko ang boses ng kuya ko.

"Ms, lumayo muna kayo...."

Di ko naintindihan yung sinabi dahil andaming sumisigaw! Nako nako!

Maya maya ay biglang bumukas to ng malakas at napatalsik ako.

Ano bayan, wala lng mang pasabi! Ay baka yung kanina?

Ang sakit ng ulo ko, tumama pa naman sa pinto.

Nakahilata lng ako sa sahig ng makaramdam ako ng hilo.

Ganon ba kalakas yung tama ng ulo ko kaya ako nahilo? Shocks.

Habang dumidilin yung paligid, may nagbuhat sakin.

Hindi ko madistinguish kung sino dahil blurred na ang paningin ko.

Pero kitang kita ko pa yung necklace na suot nya, may pendant na J.

At isang tao lng ang kilala kong may suot nyan..... Si Dane.

~~
DANE POV
Kakabalik ko lng galing US. It's so good to be back.

And it's so good to fullfill my promise to my girl...

flashback
"Pero Dad, nagpromise ako kay Jemi na babalikan ko sya!" Protesta ko kay Dad matapos nyang sabihin na dito nako titira sa US.

"In one condition son, you need to master your practice for the company here in the US for 3 years."

Napaisip ako, 3 years are so long. Baka may maisip na iba si Jemi lalo na na wala akong connections for communication. Cinonfiscate ni Dad lahat ng gadget ko kasi alam nyang kakausapin ko si Jemi at makakaabala sakin sa practice.

Beauty And A BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon