Chapter 19: Family Relative

16 1 0
                                    

DANE POV
I know she'll like it. Pero yung tingin sakin nung mga kaibigan niya kakaiba eh. Sina Christinne & Karlos ba?

"Uhm, Jemi. Tara upo na tayo." Yaya ni Christinne kay Jemi at umupo na sila.

Umupo narin ako. Magkakatabi silang tatlo sa likod ko and I can't help na secretly tumingin kay Jemi.

She's laughing. Laughing like an angel. I just can't help to cuddle with her.

Maya-maya ay may dumating na lalakeng maangas ang dating. Nakuha nito ang atensyon ko kasi nginitian niya si Jemi.

Mukhang close sila ah.

Umupo sya sa likod ni Jemi. Nakatingin sya sakin na parang kilala nya ko.

"Problem?" Tanong ko.

"U-uh, wala." Sabi nya tapos umiwas ng tingin.

Maya-maya nagstart na ang klase. I'm still focused on the guy awhile ago.

Mukhang CLOSE na CLOSE sila na Jemi. Nagkwe-kwentuhan eh.

Nag pay attention na lng ako sa klase.

**
JEMI POV
Ang awkward. Di ko ma-describe kung ano nararamdaman ko. Ngayon ay nasa mall ako kasama si Christinne.

I was planning to buy new clothes for my brother's birthday.

Naghahanda ako ng surprise para sa kanya. In three days na kasi.

Namili narin kami ng balloons tapos nagorder na kami ng single name cake.

"Jemi, hanap lng ako dun sa kabila." Paalam sakin ni Christinne. Tinanguan ko sya.

May nakita akong half jumpsuit na gray. Kukunin ko na sana kaso may nakahawak rin sa kabila.

"Uh, excuse me. Nauna ako." Sabi ko sa babae.

"Uh, no. Nauna ako." Sambit nya.

Sabay naming nakuha at nagtitigan kami.

She looks familiar.

"Jemi?" Gulat na tanong sabi nya.

"And why?" Sagot ko.

Hindi nya ko sinagot. Binitawan nya yung damit tapos nginitian ako bago umalis.

"Psh, weird." Bulong ko at nilagay yung damit sa basket.

Naglibot-libot pako at dumampot ng mga damit at sapatos na nakaattract sa atensyon ko.

Well basically 3half jumpsuits, 2 formal dresses, tapos 3 sapatos.

Magbabayad na sana ako pero naalala ko si Christinne.

I called her.

"Hello?" Sagot nya.

"Christinne! Nasa counter nako!"

"Yes yes, papunta na!"

end call.

Ako na ang susunod at nagbayad nako. Sakto humabol sa likod ko si Christinne.

"Tagal mo!" Singhal ko habang kinukuha ang mga paperbag.

**
Matapos magbayad si Christinne dumiretcho na kami sa favorite resto ko.

Grabe, medyo mahirap buhatin tong paperbags kasi nagbigay pa ng free bag dahil umabot raw sa 1k yung total.

"Ay." Bulong ko ng mahulog ang iba.

Si Christinne nauna na sa resto at nagpareserve na ng table, nag cr pa kasi ako.

"Let me help you with that." May nagsalita at binuhat ang mga paperbags.

"Ah, thank you- Dane?!" Nagulat ako ng makita sya.

"Oh, hey Jemi. I didn't expect you here." Sabi nya at nginitian ako.

"A-ah, eh nagshop kami para sa birthday ni Kuya. Ano nga pala ang ginagawa mo dito?"

"Pupunta ako sa Hale's Place."

Medyo nabahala ako. Yun kasi ang favorite resto ko....

"Ikaw?" Tanong nya.

"U-uh, dun rin." Nauutal na sagot ko.

"Great!"

**
"Dane?" Gulat rin si Christinne.

Kumaway sya at nilapag ang mga bags.

"My treat." Sabi nya at nauna na sa counter.

Tiningnan ako ni Christinne na tila nagtatanong.

"Di ko rin alam." Sagot ko.

Naupo na kami at naghintay kay Dane.

Pagbalik nya hawak na nya ang order number.

"What did you order?" Tanong ko ng makaupo sya.

"Tempura Teryaki with fried noodles. Your favorite."

O_O

How did he remember?

"Eh si Christinne?" Tanong ko ule.

"Sweet & Spicy Buffalo Wings with mushroom soup as usual." Prenteng sagot nya.

Parehas kaming nagulat ni Christinne. He knew our favorites.

Pagdating ng mga pagkain ay tahimik kaming kumain.

Napaisip narin ako ng gagawin sa birthday ni Kuya.

Yung naisip ko kasi, sa stage namin. May balloons sa floor tapos nasa gitna yung single name cakes. Magpapatugtog ng sweet music at tsaka ko babasahin ang letter ko sa kanya.

Pero naisip ko rin na maglatag ng red carpet tas may flowers sa gilid. Actually great idea rin yun kasi-

"Jemi?" Napatingala ako.

O_O

"You again?"

She smirked at tumabi sakin. What the....

"Excuse me." Sabi ni Christinne.

"Oops, I'm sorry. I'm Klara. Karlos' sister."

Oh, Karlos' siste-

"SISTER?!" Sabay naming singhal ni Christinne.

He never told us about his family. May issue kasi sa pamilya nya at ayaw nya tong binabanggit, so we followed.

She smiled. Actually kamukha nya nga si Karlos. Di ko lng nanotice kanina. Parehas sila ng eyes at smile.

Napatayo ako. "True?" Confused kong tanong.

May nilabas syang picture at nakita ko ron ang family picture nya, mukhang 8 years ago.

"It's Karlos...." Bulong ko.

"So it's true." Sabi ni Christinne.

Umupo sya. Dane didn't seem to bother kasi patuloy lng sya sa pagkain pero pasulyap sulyap saming naguusap.

"I left the country because Karlos got sick. My father was careless. He gets home always drunk and uses mom's money to pay his debt. One time, he almost stabbed Karlos with a knife because they got into a quarrel. So mom decided to leave the house. My mother's new job isn't ideal. She only gets 11k per month and isn't enough for the both of us. So I left the country to work. It was when I was 15. I worked as a waitress. Well, I get 10k per month so I sent 5k to Mom every end of the month. " Napatigil sya sa pagkwento at napahinga ng malalim.

"When I thought everything was now okay, I decided to go home. Nalaman kong yumaman na sila ulit, and Karlos was studying firmly. Nagpakita ako kay Mom and she gladly accepted me. Pero ang sabi nya, wag raw muna ako magpakita kay Karlos. Hindi pa sya nakakarecover sa pagalis ko at family problem namin. We were so close. Akala nya tuluyan ko na syang iniwan." Nagsimula syang maluha.

Kinomfort namin sya at sinabing tutulungan namin sya.

We need to get every information about Karlos. We were bestfriends for 4 years.

I hope wala syang ibang secret samin.

**

Beauty And A BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon