Chapter 27: She's Here

16 0 0
                                    

JEMI POV
Galing ako sa pinakamalapit na bakery. Bumili ako ng cupcakes at dinala ito sa ospital. Dane likes sweets. So do I.

Pumunta na ko sa room niya. Limited ang pwede pumasok kaya Ako, si Kuya, at si Jonathan lang ang pumasok.

"Kuya, na-contact mo na ba ang Daddy niya?" Tanong ko.

Ang alam ko nasa states pa ang tatay ni Dane, at baka kaya lalong lumala ang sakit niya dahil nilula siya sa trabaho.

"No. Laging nadidirekta sa iba eh. Ewan ko ba kung iniiwasan niya ba yung call or busy lang siya." Sagot naman ni Kuya.

I sighed. Tinignan ko na lang si Dane. He looks so tired and hurt. Nagu-guilty ako sa ginawa ko sa kanya. Pero masisisi niyo ba ko? Natabunan ng galit ang pagka-tao ko, and I can't forgive him easily.


Akala ko okay na kami, na past is past na talaga, a brand new and fresh start. Pero, eto nanaman kami, nag-aaway, at mukhang maghihiwalay ulit.


At sabi pa ng doktor, pag hindi pa nagising si Dane, baka hindi na 4-5 days ang living niya, kundi wala na talaga.



"Tinataguan ba niya ang sarili niyang anak?" Galit kong tanong. Nakakainis din yung tatay ni Dane eh. Isang beses ko lang siyang na-meet, at hindi niya ito kamukha. Siguro mas kamukha ni Dane ang nanay niya.


Siya nga rin ang dahilan kung bakit kami nag-hiwalay noon. Ang bata pa ni Dane non, tapos gusto na niyang turuan sa pagha-handle ng isang company? Di pa nga graduate!


It's been three days, and ewan ko ba. I feel like di ko kayang grumaduate na wala si Dane. He was once a part of me too, pero feeling ko hanggang ngayon he still has a place in my life.


Mabigat para sakin to, at mahirap tanggapin. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko na siya mahal. Bestfriend na lang siguro ang turing ko sa kanya dahil maliban na boyfriend ko siya dati, yung kakulitan namin at mga trip trip, yun talaga yung ginagawa ng mag bestfriend.


*kring kring*


Napatingin ako sa phone ko. It's Karlos. Humingi ako ng tulong kina Christinne at Karlos kung pwede ba nila hanapin yung nanay ni Dane. I haven't heard of her since we're dating. At hindi siya gaanong nababanggit sakin ni Dane.

I answered it. "Oh Karlos? May balita na ba?" Tanong ko.

"She's here. In Manila. And I already contacted her."

O_____O


"Talaga?! Kelan siya pupunta?" Oh My. Buhay at nandito talaga ang nanay ni Dane. Well, sorry to say this, pero akala ko talaga patay na ang nanay.




"I called her last night at sabi niya pupunta siya today. So expect someone with long brown hair, small eyes, and a little girl." Bago pa ko makapag-tanong sa little girl na yon, binaba na niya ang tawag.


"Dadating ang mommy niya." Sabi ko kina Kuya.

"What? Now?" Sabi naman ni Jonathan at tumango ako.



Gusto ko sanang dumating ang mommy niya ng gising na si Dane para makita lang naman niya.





We waited for a few minutes before we heard a soft knock from the door.


Tumayo ako at saktong bumukas ito. Well, the lady has long brown hair, small blue eyes, and she has a little girl with her.



"Is this Dane Samares' room?" Mahinhin niyang tanong. Tinanguan ko siya. Tinitigan niya ko at para bang nakakita siya ng multo.




"Jemi.." She whispered. Unti-unting ngumiti ang mga labi niya. Kilala niya pala ako?


"Kilala niyo po ako?" Tanong ko.

Tumango siya. "Lagi kang naku-kwento sakin ni Prince Dane. So you do look very beautiful in person. Akala ko OA lang siya sa pag describe sayo."

I smiled at her. Umurong ako ng konti para makita niya si Dane na nasa likod ko at nawala yung ngiti sa bibig niya.


Lumakad siya sa kama ni Dane at niyakap siya. Yumakap na rin yung little girl.



"Ang baby boy ko.... Anong ginawa sayo ni David?...." Sabi niya habang nakayakap.


Humarap naman siya sa amin.



"Jemi, alam mo ba ang dahilan kung bakit siya sinugod dito?" Tanong niya sakin.


Alam kaya niya na may cancer ang anak niya?


"Dane has colon cancer po. Stage 3." Sabi ko in a low voice.


Nakatitig lang siya sakin at medyo nailang ako. I feel like susugod siya sakin any moment.

Pero nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. It became anger.




Akala ko sisigawan niya ko pero dinampot niya ang cellphone niya mula sa bag niya at may tinawagan.




"Alam kong nasa Pilipinas ka. Pumunta ka ngayon dito sa St.Lukes malapit sa Pecanto Village kung hindi ipapapatay kita." Mariin na sabi niya sa kausap niya.

"Nakalimutan kong magpakilala sa inyo. I'm Pearl. Dane's mother." Sabi naman niya habang nakangiti.



"Eto po si Kuya Andrew, kapatid ko po." Pag papakilala ko kay Kuya. Nag-ngitian sila.

"Eto naman po si Jonathan, boyfriend ko." Medyo nag-alinlangan ako na ipakilala siyang boyfriend ko pero nawala rin sa isip ko yung ideyang yon. I'm proud of Jonathan at hindi ko siya ikakahiya.

"B-boyfriend? Wala na kayo ng anak ko?" Tanong naman niya. I felt Jonathan's hand squeeze my hand.

Huminga ako ng malalim.

"Opo. Magfo-four years na rin po."

Para siyang napa-isip tapos nag buntong hininga.


"Ganon na pala katagal simula nung hindi na kami nakapag-usap ni Prince Dane." Sabi ni Tita Pearl.


I don't even know why I'm calling her Tita Pearl. Pero mas okay na yung Tita Pearl kesa sa Pearl lang, hahaha.


Mga ilang segundong walang nag salita at hindi ko mapigilang itanong yung bumabagabag sakin kanina pa.




"Uhm, Tita..... Sino po siya?" Tanong ko at turo sa bata.



Tita Pearl smiled. "This is Diana. Dane's half sister."

**

Beauty And A BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon