Chapter 28: The Father

13 0 0
                                    

JEMI POV
"Half sister?" Ano daw? Half sister? Wala akong alam don ah.


"I'm remarried Jemi. And it's been 6 years." Sabi sa akin ni Tita Pearl tas pinalapit sakin yung bata.

"Hello Diana." Bati ko at hinimas ang buhok niya.

"What happened to Kuya Dane?" Inosenteng tanong nito sakin.

Nginitian ko siya. "Your Kuya Dane is sick, so you have to take care of him okay?" Sabi ko at tumango siya.

Nilapitan ni Tita Pearl at Diana si Dane at doon sila pumwesto sa tabi ng kama ni Dane.

Mga ilang oras ang lumipas at naka-iglip na nga ako nung may kumatok nanaman.

Napatayo ako at sina Kuya.



"Buti naman dumating ka. Akala ko wala ka na talagang pake sa anak mo." Emotionless na sabi ni Tita Pearl sa dumating.

Ang tatay ni Dane. Si Tito David. Okay I will maintain my attitude. Stay calm.

"What happened?" Tanong nito. Pumasok siya at tinitigan ang mag-ina.



"He has cancer David." Matipid na sabi ni Tita Pearl. Mukhang di gaanong gulat si Tito David, so alam ba niyang may sakit siya?


"Sinasabi ko na nga ba lalala ang sakit niya. Kasalanan to ng babaeng yan!" Sabi ni Tito David at duro sakin. Ha ano daw? Kasalanan ko?

"Ho?! Wala po akong alam na may sakit si Dane!" Dipensa ko.

"Mawalang galang na ho, pero sino po ba kayo para mambintang na lang? Wala po kayong karapatan dito." Sabi naman ni Kuya.



"Bakit mo kasi siya hiniwalayan four years ago ha? Dahil kuntento ka na sa perang nakuha ng pamilya mo? Pera lang talaga ang habol mo samin no?"


The words hit me hard. Ako? Gold digger? Minahal ko talaga si Dane kaya nga todo pigil ako sa pag-alis niya pero ako pa talaga sinisi?

"Ang kapal naman po ng pag-mumukha niyo, eh ikaw nga po ang dahilan kung bakit siya nagka-sakit eh." Sabi naman ni Kuya.


Naramdaman ko namang hinawakan ni Jonathan yung kamay ko. Napakapit naman ako.

"Hoy David. Hindi kasalanan ni Jemi to. Ikaw ang may kasalanan! Dapat talaga hindi ko iniwan sayo si Prince Dane! Wala kang kwentang ama!" Sabi ni Tita Pearl.



"Ang ingay nyo...."


Napa-lingon kami sa nag-salita. Gising na si Dane!



"Anak. Nandito si Mommy. Kamusta ka anak? Okay ka lang ba?" Agad-agad na sabi ni Tita Pearl at lumuhod sa gilid ng kama niya.


"Hi Ma...." Mahinang sabi ni Dane. Tinignan ko si Tito David and for one second, I saw guilt and hurt in his eyes.

"Hello Kuya." Sabi rin ni Diana sa gilid ni Tita Pearl.

"Oh, Hi Diana.." Bati rin ni Dane at hinimas ang buhok niya. Alam pala ni Dane na may half-sister siya.

Napatingin naman si Dane sa tatay niya at nag-iba ang itsura ng mukha niya.

"Anong ginagawa mo ditto?" Tanong nito.

Hindi kagad nakasagot si Tito David. "Pinatawag ako ng nanay mo... How are you feeling son?"

Masusuka nako sa acting nito.

"Since when did you care?" Sagot naman ni Dane. Napatingin naman siya samin. Mukhang nagulat pa siya nung nakita niya ko.

"Kamusta ka na?" I asked. He smiled. It hurts me to see he can smile through the pain.

Beauty And A BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon