Chapter 30: His Fight

16 0 0
                                    

DANE POV
Pag-dilat ko ng mga mata ko, wala ako sa ospital.

Purong puti ang kwarto at wala ng nakakabit sakin.

Tinignan ko ng mabuti ang kwarto. Walang gamit. Isang salamin lang ang nakadikit sa may pader.

Bigla itong lumiwanag. Ang lakas ng ilaw, parang mabubulag na ko.

Nilapitan ko to at unti-unting nawala ang ilaw.

Nakita ko ang sarili kong reflection pero nakakagulat dahil bigla itong nagsalita pero hindi naman ako nagsalita.

"Dane. Malapit ng matapos ang iyong laban." Sabi nito.

Kapag ako naman ang nagsalita, hindi gumalaw ang reflection ko.

"Anong nangyayare? Nasan ako?" Tanong ko.

"Hindi na yon importante. Gusto ng Ama na tigilin na ang iyong paghihirap. Marami ka pang magagawa sa buhay mo, at matututo ka pang umibig muli."

Biglang lumiwanag ulit ang salamin at pinakita na nasa ospital ako. I'm undergoing a therapy at nakikita ko sa may bintana si Mama na nagdadasal at si Diana na nakayakap sa kanya.

"Am I gonna be alright?" Tanong ko.

"You will be. Just trust Him."

At pag-sabi sakin non ng reflection ko, nagliwanag ang paligid ng sobra pa kesa sa kanina at napapikit ako.

Pagdilat ko, nasa ospital na ulit ako. Tinignan ko ang sarili ko at marami nanamang nakakabit sakin pero ang gaan na ng pakiramdam ko.

Biglang may pumasok na doktor.

"Mr. Samares, you're already awake. How are you feeling?" Tanong nito sakin.

"I'm feeling, great, honestly. What happened?" Tanong ko. Nag-succeed kaya yung therapy?

"You had therapy for 2 days Sir Dane. And I think we did it. You're feeling great, as you said." Paliwanag ng doktor.

So nangyari yung usapan namin ng reflection ko for 2 days? Bakit parang ang bilis lang?

"How many days was I asleep?" Tanong ko ulit.

"You've been asleep for 2 weeks Sir Dane. You almost died Sir."

Napabuntong hininga naman ako. I almost died? Hindi ko ma-imagine kung ano naging reaction ni mama don. Feeling ko sobra syang nasaktan.

"This is a miracle. You've been hospitalized for almost a month because of your cancer. We performed your therapy twice and you're already feeling better?" Tanong ulit sakin ng doktor.

Well, wala naman na talaga akong nararamdaman na masama. What happened? I'm still so confused.

"We still need to perform check ups and continue monitoring you for the whole week. If nothing goes wrong, then maybe we can discharge you."

Pagkatapos non ay lumabas na ang doktor. Ano kaya ang nangyari? Bat ganto yung nararamdaman ko?

**

JEMI POV

Magkasama kami ngayon ni mama at kuya Andrew sa mall. Bibili kami ng masusuot para bukas. Hindi ko maimagine na ga-graduate na ako at si Kuya. Ang bilis ng panahon noh? Magta-trabaho na ako, tapos magkakaron ng sariling pamilya, charot haha.

"Jemi, anak, eto oh. Bagay sayo." Tawag sakin ni Mama at hinarap sakin ang beige sleeveless dress na lace ang tube.

"Ang ganda nyan Ma." Sabi ko at kinuha ang dress. Sinukat ko ito at napagisipang eto na lang ang bilin ko.

"May nakuha ka na Kuya?" Tanong ko kay Kuya.

"May nakita na ko kanina kaso parang walang size ko." Sabi niya habang tumitingin pa sa mga racks.

Habang tumitingin pa ko sa racks ng jewelries, tumunog ang phone ko.

"Tita Pearl? Napatawag ho kayo?" Sagot ko.

"Jemi! Gising na si Dane!"

Tumigil ang mundo ko at napabitaw ako sa hawak kong dress at heels. Napatingin ako kay Kuya na nagtatakang tumingin sakin.

"T-talaga p-po? Pupunta n-na po ako!" Agad kong sabi at hinatak si Kuya.

"Pupunta lang kaming ospital Ma!" Sigaw ko habang tumatakbo.

"Gising na si Dane Kuya!" Sabi ko habang tumatakbo papuntang parking.

"Talaga?! Shit tara na!" Taranta ni Kuya at nauna pa sakin sa parking.

Buti na lang at kotche niya ang gamit namin papunta sa mall.

Agad-agad kaming dumiretcho sa ospital at tinawagan ko na rin sina Jonathan.

"Dane!" Tawag ko ng binuksan ko ang pinto.

Ngumiti siya sakin habang nasa tabi niya si Diana.

"Gising ka na....gising ka na..." Paulit-ulit kong sabi ng nakayakap sa kanya.


"Oh, hinay hinay lang Jemi. Heto oh, buhay pa ko." Sabi niya at hinawi ang buhok ko.


Maswerte ang makakatuluyan ni Dane in the future, napakaswerte niya kay Dane.

"Kamusta ka? Ano na ang pakiramdam mo?" Inayos ko ang sarili ko at tumabi sa kanya.

"I'm fine. Sabi ng doktor imomonitor muna nila ako for the whole week and if nothing goes wrong, pwede na ako umuwi." Sabi niya at ngumiti.

"Pano na yan? Bukas na ang graduation." Sabi ni Kuya.

"Kakausapin ko ang doktor kung pwedeng dalin si Dane bukas sa school para sa graduation." Sabi ni Tita Pearl.


Maya-maya pa, dumating na sina Christinne, Karlos, at Jonathan.


"Dane? Kamusta ka?" Tanong ni Jonathan at nagtaka si Dane.


"Why are you acting like that? Last time I checked, nagaaway tayo sa labas ng bahay ni Jemi." Dane smirked at ngumiti na lang si Jonathan.

"I'm sorry Dane kung inaway kita. Hindi ko alam na may sakit ka. Pinagsisisihan ko na lahat ng ginawa ko. Sana ay makaattend ka ng graduation natin." Jonathan smiled at sumaludo kay Dane.

"Anak, nakausap ko nga pala ang tatay mo." Sabi ni Tita Pearl at umupo kami nina Christinne.

Sana naman ay maayos ang relasyon ni Dane at Tito David. Pinagsisisihan ko yung huli naming pagkikita, nadala ako ng galit ko at sinagot ko siya ng pabalang. Siya ang tunay na ama ni Dane at dapat ay respetuhin ko siya.

Kung sa tingin niya ay makakatulong kay Dane ang pag aaral ng business in an early age ay dapat hindi ko tinutulan. Baka naman ay iyon ang perspektibo niya bilang ama.


"Gusto niyang humingi ng tawad sayo Dane, at sa pamilya mo Jemi." Panimula ni Tita Pearl at nagkatinginan kami ni Kuya.

"Umalis ng bansa si David at meron na pala siyang sariling pamilya. Sa Australia na siya titira pero magpapadala siya ng pera sa atin Dane hanggang makapagtrabaho ka na. Nagsisisi na si David sa nagawa niya sayo anak at ang kumpanya niya dito sa pilipinas ay ipamamana na niya sayo pag ka graduate mo." Paliwanag ni Tita Pearl.


Napabuntong hininga si Dane.


"Gusto kong humingi ng tawad kay Dad. I know I've been harsh on him, and as his son, I should atleast thank him for everything. Tinulungan ako ni Dad sa US 4 years ago, and he helped me grow. Kakausapin ko siya." Sabi ni Dane.


Mabuti na lang at nagkaayos na kami nina Tito David. Nako, malapit ng matapos ang story namin. Ga-graduate na kami. Ano kaya ang mangyayare samin in the future?

Beauty And A BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon