Chapter 18: Classmate

12 1 0
                                    

JEMI POV
Nasa bahay nako ngayon. Medyo magaan na ang pakiramdam ko kay Dane. Malaman ko naman na nagiging kaklase ko siya, magiging kawalan pa ba ko?

Busy ako sa laptop ko dahil gumagawa ako ng report for English.

Biglang may nagpop na notif.

Prince Dane Samares sent you a friend request

Oh.

FRIEND request?

Ay charot. Geh accept.

**
"And that's the history of The White Man's Burden..." Pagtatapos ko ng report.

*ting

Napatingin ako sa messenger.

Prince Dane: Jemi.

O_O

seen.

Pressured ohmeghad!

Jeminhaie: Bakit?

Prince Dane: Since we'll be classmates, can I sit beside you?

seen.

Putcha! Pano sina Christinne?! Ano oo ba? HEEEELP!

Prince Dane: Jemi?

Jeminhaie: U-uh.. Sige lang! See you!

*log off

**THENEXTDAY**

inat inat muna.. Anong oras na ba?

7 pa lang pala. 9 yung pasok ko.

Hayz. Ay jeje. Hays. Makaligo na nga para maaga.

**
Sinuot ko ang navy blue crop top tsaka high waist short. Nagpeach flats lang ako.

Nagsuklay and last glance sa bag ko kung complete na.

Curious kayo sa bag ko? Jansport na entitled sakin. Puro memes na wordart na JEMI.

Pagbaba ay nakita ko si Kuya nasa lamesa na.

"Kain na." Sabi niya.

Suot ko yung bigay saking relo ni Dad. Blue na Baby-G. May iba pakong relo pero this day feels special eh. I usually use gold scotch pero sige baby g muna.

Woooow! Sinangag, bacon, corn soup, and blueberry pancakes.

Syempre healthy diet ako kaya nagpancake and ice tea lang ako.

"Hala sya..." Rinig kong bulong ni Kuya.

Kumain na lang ako. Maya-maya ay nagring yung phone ko. Unregistered number?

"Hello?" Sagot ko.

"Jemi!"

Whaaaat? O_O

"D-dane?"

"Goodmorning! Can I fetch you?" Hala agad-agad?

"A-ah wag na! Ihahatid ako ni Kuya."

"Ayoko nga.." Rinig kong sabi ni Kuya sa likod.

"Ssh!" Senyas ko sa kanya.

"Ah ganon ba? Sige see you!" Baba nya.

"Ihatid mo nako Kuya!" Sabi ko saka marcha papuntang gate habang dala ang bag.

**
"Jemi!" Rinig kong tawag sakin nina Christinne at Karlos.

"Bad news..." Sabi ni Christinne.

"Si Dane.." Panimula ni Karlos.

"I know. Kaklase natin." No emotion kong sabi.

Halatang nagulat sila pero naglakad na kami.

Nasa hallway na kami ng room pero nakita kong may mga babaeng nakaharang sa pinto.

"Ano nangyayare?" Tanong ko.

"Ang pogi nung nasa loob!"

"OMG taken na kaya sya?"

"Sayang di natin classmate!"

-_-

Pokerface.

"Excuse me!" Sigaw ko. Nadala sila at umalis na sa daan.

Pagpasok ko, ang nagiisang Prince Dane lang naman yung sinisilip nila.

Oh...M...G...

"Jemi." Nakangiti nyang bati sabay yakap sakin..

A-ang pogi nya tbh, at amoy na amoy ko yung pabango nya.

"Still the same bvulgari." Nakangiti kong sabi.

"I knew you love it." Sabi nya.

Feeling awkward dahil ang dami kong ieexplain kina Christinne.

But I think....

My feelings are coming back.

**
SHORT UD.

Beauty And A BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon