Last Chapter

14 0 0
                                    

JEMI POV

Mabuti na lang at binili ni Mama ang mga pinili ko at siya na rin ang dumampot ng earrings ko. At the moment akong nag mamake-up para sa graduation namin mamaya.

Nakalight make-up lang naman ako at nag pa hot oil. Hindi muna pinayagan ng doktor si Dane lumabas ng bahay. Tita Pearl will be staying with him muna with her husband, Paolo, and of course Diana.

"Jemi, okay ka na ba?" Kumatok si Kuya sa pinto at sumilip.

"Malapit na Kuya, wait lang." Sabi ko habang nag lalagay ng liquid lipstick.

Agad-agad kong sinuot ang wedge heels ko at sinuot ang sling bag ko na may lamang wallet, phone, at digital camera. Si Christinne ay magdadala ng instax para naman daw memorable ang araw na to.

"Oh my goodness anak, ang ganda mo." Sabi ni Mom pag ka baba ko. Nakasuot siya ng knee-length navy blue dress na sleeveless. Wow naman si Mama, looking young!

"Ready na ba kayo?" Tanong ni Kuya at wow naka shades pa! Siya kasi ang magd-drive papunta sa school. Ang pogi ni Kuya sa grey tuxedo niya!

"Let's go." Sabi ni Mama at sabay na kaming lumabas at sumakay sa kotche.

Kinakabahan ako to be honest, halos 9 months rin akong wala, ano kaya ang nangyare sa grades ko? Sana ay wala akong failing grade, sobrang madidisappoint ako sa sarili ko. Hindi ko kasi naalagaan yung sarili ko ng maayos kaya nagkaron ako ng leukemia. Napahirapan ko ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko, at si Jonathan.

Sobrang thankful ako kay Jonathan dahil nandito siya sa tabi ko kahit pinagtatabuyan ko siya. Kahit nasaktan ko siya, hindi pa rin niya ko iniwan.

"We're here."

Sabay-sabay kaming bumaba at pumunta sa field kung saan gaganapin ang graduation ceremony namin.

"Jemi! Kuya Andrew! Tita!" Lumingon ako at nakita si Christinne kasama ang parents niya.

"Wow teh grabe, palong-palo ngayon ah." Biro ko kay Christinne. Ganda ni bestfriend ngayon ah, ngayon lang hahahaha chos.

"Sus, walang wala ako sayo Jemi. Tignan mo naman oh." Sabi niya at tinignan ako head to toe. Niyakap ko siya, sobrang mamimiss ko to si Christinne. Ilang years ang pinagdaanan namin nito, at never kaming nahiwalay.

"Si Karlos nakita mo na?" Tanong ko.

"Hindi pa eh. Nag-message naman siya sakin na parating na raw."

Pumwesto na kaming students sa harap at nakita ko naman si Mama sa may likod kung saan nakapwesto ang mga relatives.

Maya-maya pa, dumating na si Karlos at Klara. Tumabi na sakin si Karlos at Christinne pero hindi parin dumadating si Jonathan.

"Si Jonathan, nakita niyo?" Tanong ko habang nililibot ang field.

"Malapit na raw. Ang tagal raw kasi mag-ready ni Tita Jane. Syempre only son siya kaya sobrang naghanda talaga si Tita." Sabi ni Karlos.

Parang dati lang, mag karibal sina Jonathan at Karlos. Laging nagbabangayan, nagtatalo, tapos kung makatingin parang magpapatayan na any moment. Tas ngayon, para na silang mag bestfriends. Ang laki ng pinagbago naming lahat. We all had to face challenges and what do you know, those challenges nurtured our being. Naging mas aware kami sa mga nasa paligid namin. Nasaktan man kami, pero at the same time natuto rin.

"Good morning everyone, in 15 minutes the ceremony will now start." Announce ng principal namin sa stage.

Unti unti ng napupuno ang field at mabuti na lang mukhang hindi uulan sa sikat ng araw. Wooh tindi ng summer heat, tipong mga standing electric fans lang nag poprovide ng hangin.

Beauty And A BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon