4: EVERYBODY'S GOT A DARK SIDE

781 34 7
                                    

Sa kadiliman, maririnig ang mga yabag ni Maverick. Pagewang-gewang siyang maglakad habang binabagtas niya ang kahabaan ng hallway sa ikalimang palapag ng College of Linguistics. Madilim ang kanyang dinadaanan at hindi na bukas ang mga ilaw dahil lagpas hatinggabi na. Walang pakialam si Maverick basta makarating lang siya sa kanyang kinaroroonan.

Tahimik ang paligid at mukhang walang guard na umaaligid. Nakakapagtaka para kay Maverick dahil sa pagpatay kay Gabriel, dapat ay mas mahigpit ang pagbabantay sa naturang university. Nasa loob kasi ang dormitory kung saan nangyari ang naturang pagpatay.

Tinitigan ni Maverick ang dalang bote ng vodka. Kakaunti na lamang ang laman nila. Mukhang mahihirapan na naman siyang makapuslit ng panibago sa loob ng campus. No'ng huling ginawa niya ito ay kamuntikan na siyang mahuli.

Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating sa isang silid na double door. Nang galawin niya ang doorknob, nagawa niyang buksan ang pinto, bunga upang mapangiti si Maverick. Mabilis siyang pumasok sa loob at agad isinara ang pinto.

Pagkapasok niya'y tumambad sa kanya ang naglalakihang istante ng mga libro. Tanging liwanag ng buwan na tumatagos mula sa naglalakihang bintana ng kuwarto ang nagbibigay ilaw sa buong silid-aralan. May nagsabi sa kanya na dito sa library sila magkikita kaya naman pumunta siya. Inilapag niya ang bote ng vodka sa desk ng librarian at inilabas ang dalang cellphone mula sa bulsa.

Inayos niya ang tayo at saka hinanap ang contact sa phone na hawak. Isang tawag ang kanyang isinagawa. "Naririto na ako," wika niya.

"Akala ko ba lasing ka?" tanong ng kausap niya mula sa kabilang linya.

Tumawa nang malakas si Maverick. "Ako, maglalasing sa ganitong panahon? No way. Mas maigi nang maging maingat. Kunwari lang na lasing ako para malinlang ko sila," aniya.

Isang imahe ang nakita niya sa pagitan ng dalawang istante. Nang lumapit ito't nasinagan ng liwanag ng buwan ang mukha, napagtanto ni Maverick na iyon nga ang kanyang kausap mula sa kabilang linya. Si Graham Ortega, isa sa mga nakatira sa dormitoryo. May makapal itong buhok na pinakulayan ng ash blond, may matangos na ilong, bahagyang mapanga, at may matikas na katawan.

Ibinababa ni Graham ang tawag at lumapit kay Maverick. "Ang hilig mo talagang lokohin ang mga kasama natin, kahit na pati ang mga kaklase natin," nakangiting sabi nito.

Kumibit-balikat ni Maverick. "Where's the fun in being the good guy? And besides, nakakatamad manatili sa dormitory."

"I can feel your sentiment," wika ni Graham. "So who's this new chick?"

"Katrina Gomez? I can say, she's hot," komento ni Maverick. "Medyo snoopy nga lang siya, simula na no'ng may sumabotahe sa party kanina. Kung naroroon ka lang, nakita mo sana ang mga mukha nila no'ng marinig nila'ng boses ni Shay na nagmamakaawa. They look so guilty!"

"Isang taon na ang nakalilipas pero hindi pa rin ako titigil. Hahanapin ko kung sino ang gumawa nito kay Shay," naninindigang sabi ni Graham. "Magbabayad siya."

"You look scary as fudge, dude," sabi ni Maverick. "Bagay sa 'yo, in fairness."

"Anyways, hawak mo na ba ang hinihingi ko sa 'yo?" tanong ni Graham. Inilapit niya ang kanang palad kay Maverick.

"Pasalamat ka't chief superintendent ang Papa ko, kung 'di, hindi ko 'to makukuha mula sa office niya." May kinuha siya bulsa at agad na ibinigay kay Graham. Isang ziploc plastic bag na may lamang isang bagay ang iniabot sa naturang lalaki. Naglalaman 'to ng isang susi.

Nanlaki ang mga mata ni Graham nang kunin niya 'to. Isang malaking ngiti ang kanyang ipinakita, isang tanda ng matinding kalagakan. Natutuwa si Maverick na nagawa niyang matulungan ang lalaki para sa kanyang ninanais.

Liars AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon