11: ALL HELL BREAKS LOOSE

518 28 2
                                    

Pinagmamasdan ni Graham ang mga larawan na nakalagak sa madamong lupa, hinihintay na lang ng desisyon kung ano ang gagawin sa mga ito. Hawak-hawak ng binata ang isang lighter, pinaglalaruan niya ito sa pagitan ng kanyang mga daliri. Sa kanyang tabi ay doon nakatayo si Dylan. Pinagmamasdan lamang siya nito.

"Hindi mo pa ba susunugin 'yang mga larawan?" tanong ni Dylan.

Nagdadalawang-isip si Graham. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. "Hindi ba katangahan itong ginagawa natin? Kailangan ito ng mga pulis. Ito lamang ang puwedeng panghawakang link ng mga pulis sa pagkamatay nina Gabriel at Maverick at sa nangyari kay Shay a year ago!"

"Dahil ba, hanggang ngayon hindi ka pa rin maka-move on sa pagkamatay niya? You're holding on to mere things, Graham. Patay na siya, hindi mo na siya maibabalik pa!" bulyaw ni Dylan.

Humarap si Graham sa binata't lumapit dito na nakakuyom ang mga kamao. "Don't act like ako lang ang may problema rito! Akala mo nakalimutan ko na ang pang-aahas mo sa girlfriend ko?!"

"Siya ang lumapit sa akin, Graham. Ako ang inakit niya, tandaan mo 'yan," ani Dylan. Pinagsingkitan niya ito ng mata. "Why do I get the feeling na ako ang sinisisi mo sa pagkamatay niya? Wala akong ginawa!"

"Kung hindi lang naman kayo nahuli ni Ellie, hindi sana hahantong sa ganito ang lahat!" Nang makita niya ang panlalaki ng mata ng binata, ngumisi si Graham. "Akala mo, hindi ko alam? Alam na ng lahat dito sa dorm, Dylan. Hindi na siya sikreto ngayon." Lumapit pa siya lalo sa binata hanggang sa magkalapit ang kanilang mga mukha. "Tandaan mo, Dylan. Walang sikretong hindi nabubunyag sa dorm na 'to. Lahat ng kasinungalingan ng bawat isa sa 'tin, mabubunyag at mabubunyag din sa huli."

"Sa tingin mo, ako ang killer?" mapanghamong tanong ni Dylan.

"Hindi nga ba? Sino ba ang may malaking motibo sa atin, huh?" tanong ni Graham.

"Baka ikaw, Graham? Ikaw ang niloko ni Shay; ikaw na mismong boyfriend niya!" bulyaw ni Dylan.

"Hindi ko magagawa kay Shay 'yon! Lalo na't—" Napatigil sa pagsasalita si Graham.

"Bakit?" tanong ng binatang kasama niya.

Bumaling ang tingin ni Graham sa hawak na lighter, at katulad ng apoy na nagmumula rito, bumalik nang ubod ng lakas ang mga alaalang 'yon.

Hindi mapakali si Graham. Agad niyang sinindihan gamit ang hawak na lighter ang sigarilyo na nasa pagitan ng kanyang mga labi. Hinithit niya ang usok mula rito at nilasap ang nagbabagang sensasyon sa kanyang mga baga. Nang ibuga niya ang usok ay kumalat lamang ito sa buong silid ni Shay kung saan siya kasalukuyang namamalagi.

Napansin niya ang mga patak ng dugo sa floorbaords. Lumagi ang tingin niya kay Shay na nasa kama at kasalukuyang umiiyak.

"Kay Dylan ba galing ang mga dugong 'yan?" tanong niya.

Tumango lamang si Shay habang yakap-yakap ang sarili. "Pagkatapos kaming mahuli ni Ellie, umalis siya pero bumalik din. May dala na siyang patalim n'on. Sobrang galit niya no'n. Pinagbabantaan niya ako na papatayin niya, pero hindi niya ginawa," paglalahad ni Shay. "Nagalit lang siya at pinagsusuntok ang pader hanggang sa magdugo siya dahil sa hawak niyangkutsilyo."

"Ano'ng ginawa niya pagkatapos?" tanong ni Graham, habang idinidiin ang duloang upos ng sigarilyo sa pader para patayin na ito. Napansin niya ang mga marka ng dugo na hugis kamao sa pader na malapit na kinauupuan niya.

"Umalis na lang siya. He was so frustrated," aniya.

"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ni Graham. "Hindi ka po ba kuntento sa akin at naghahanap ka ng iba?"

Liars AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon