Truth hurts. But lies can kill.
Lahat ng tao ay nagtatago ng kanya-kanyang lihim. Lahat ng tao ay nagsisinungaling. Para sa ikabubuti ng iba. Para sa ikabubuti ng sarili. May mga lihim at kasinungalingan na mas mabuting limutin na lamang at isama sa hukay. May mga lihim na sadyang nabubunyag at nakakasira sa relasyon ng mga tao at sa sarili.
Ang bawat mag-aaral ng Selford Dormitory ay may itinatagong lihim. Kasinungalingan. Pagpapanggap. Pagtataksil. Panghahamak. Kamatayan. Lahat sila ay may itinatagong maitim na sikreto na ayaw nilang malalaman ng iba. Ngunit paano kung ang mga lihim na ito ay mabunyag? Paano kung ang isang nakabaong sikreto ay muling mahukay at siyang sisindak sa buhay ng mga mag-aaral na nakatira sa dormitoryo? Sino ang nagkasala? Sino ang nanghamak? Sino ang nagsinungaling? Sino ang pumapatay?
Walang kasinungalingan na hindi nabubunyag. Walang buhay na hindi aangkinin ng kamatayan. Handa ka bang umamin?
Kung gusto mong maging bahagi ng istorya, mariing punan ang mga kailangang detalye ng iyong karakter...
PANGALAN: Filipino po ang karakter, maging realistic.
USERNAME: Mas maigi kung hindi kayo mahilig magpalit ng username para mas madali kong mai-dedicate ang story sa inyo.
KASARIAN: Lalake, babae, gay o lesbian?
EDAD: Ages 16-21 lang po ang tatanggapin ko.
PISIKAL NA KATANGIAN: Facial appearance, height, body features (be descriptive).
PERSONALIDAD: Anong ugali mayroon ang 'yong karakter?
HILIG: Mga gusto mo sa buhay.
DIRTIEST AND DEADLIEST LIES/SECRETS: Ano ang lihim mo?
Handa ka bang magsinungaling kapalit ng 'yong buhay?
BINABASA MO ANG
Liars All
غموض / إثارةNagsimula na ang pagpatay sa mga naninirahan sa Selford Dormitory, at walang ideya ang mga natitirang buhay sa kung sino ang gumagawa nito sa kanila. Lahat ay may motibo. Lahat ay may itinatagong lihim. Lahat ay nagsisinungaling. Magawa pa kaya nila...