Napakapit si Meira sa kanyang kapatid na si Graham. Nanginginig na ang kanyang mga kamay habang pinagmamasdan ang mga larawan ni Shay na nakapaskil sa pader. Pinagmasdan niya ang mga petsa na nakalagay sa ilalim na bahagi ng bawat larawan. Ang mga araw simula nang manirahan sa dormitoryong 'yon si Shay ay nakalagay sa mga larawang 'yon.
"May stalker si Ate Shay?" tanong ni Meira.
"Looks like it," bulong ni Katrina.
"Hindi ba na-record ng in-install na security cameras kung sino ang naglagay ng mga ito?" galit na tanong ng kanyang Kuya Graham sa mga guard.
Ang isa sa mga guard—'yong payat ang pangangatawan—ay kumibit-balikat lang. "May nag-hack sa system at binura lahat ng recorded footage. Wala na kaming makuha pa dahil nawala lahat simula pa lang nang ilagay ang mga camera."
"Bullshit! Paano natin malalaman kung sino ang naglagay nito?" bulyaw ni Graham habang tinuturo ang mga larawan. Lumapit na ang siya rito't isa-isang tinanggal ang mga larawan mula sa pader. Tumulong na rin si Dylan para mapabilis ang pagtanggal.
"Guys," narinig na tawag ni Katrina. Humarap sa kanya si Meira. "Kailangan nating gumawa ng aksyon. We need to find Danica!"
"Pero paano? Wala tayong ideya kung nasaan ngayon ang killer na 'to at kung saan niya tinago si Danica!" bulyaw ni Ellie. Lumapit sa kanya si Meira at niyakap ito.
"Guys, the police will handle this. Sila na ang gagawa ng paraan para mahanap si Danica. For now, kailangan niyo munang mag-stay dito sa dorm para na rin sa kaligtasan ni Danica," bilin ni Ms. Beverly.
"I'm going to call Papa," ani Blue. Lumayo siya habang nilalabas ang dalang cellphone. Agad siyang may tinawagan na sa tingin ni Blue ay ang Papa ng dalaga.
"Tatawagan ko na rin ang mga pulis para ma-inform na sila. Tawagan niyo na rin ang mga magulang niyo. But please, don't make them panic," wika ni Ms. Beverly. May tinawagan na rin siya sa kanyang cellphone.
"I'll call Ate Ria's father. Kailangan nilang malaman 'to para mabantayan nila si Ate Ria," ani Meira. Tumakbo siya palayo sa mga kasama at pumanhik sa kanyang silid sa ikalawang palapag. Inilabas na rin niya ang dalang cellphone at sinimulang tawagan ang isang numero. Napatigil siya nang makailang ulit na ang pag-ring ngunit wala pa ring sumasagot.
"Mr. Faustino, sumagot naman po kayo," bulong niya.
Ngunit hindi pa rin sinagot ng Papa ni Ria ang tawag. Sa bandang huli, sumuko na rin si Meira. Huminga na lang siya nang malalim at ibinalik sa bulsa ng pantalon ang dalang gadget. Umagaw ng atensyon siya ang pinto sa kanyang kanan. Bukas 'yon. Napagtanto niya kung kaninong silid 'yon.
Kay Claude.
Aktong papasok na sana siya nang makarinig siya ng mga yabag na palapit sa kanya. Nang tumingin siya'y si Ms. Beverly ang kanyang nakita. Nakakunot ang noo nito na lumapit kay Meira. "Na-contact mo na ba ang magulang ni Ria?" tanong niya.
Umiling si Meira. "Hindi po sumasagot ang kanyang Papa. Wala naman po akong number ng iba niyang kamag-anak," sagot niya.
"Si Ria mismo, tinawagan mo?" tanong niya.
"Kinuha po ng Papa niya ang cellphone niya," rason ni Meira.
Napabuntong-hininga si Ms. Beverly. "Hindi ko inaasahan na ganito ang aabutan ko nang hawakan ko ang dormitory na 'to nang mamatay si Tita. Saan nagsimula itong patayin na 'to at bakit?" nagugulumihanan niyang tanong.
"May hinala po ang iba na dahil ito sa pagkamatay ni Shay one year ago," wika ni Meira.
"'Yong dalaga na na-rape sa dorm na 'to? Dalawang taon na ang nakalilipas, bakit ngayon pa ito nangyayari? Isang akto ng paghihiganti ba ito?" tanong ni Ms. Beverly. Niyakap niya ang sarili. "Hindi ko lubos maisip kung ano ang kaya ng mga kabataan ngayon."
BINABASA MO ANG
Liars All
Mystère / ThrillerNagsimula na ang pagpatay sa mga naninirahan sa Selford Dormitory, at walang ideya ang mga natitirang buhay sa kung sino ang gumagawa nito sa kanila. Lahat ay may motibo. Lahat ay may itinatagong lihim. Lahat ay nagsisinungaling. Magawa pa kaya nila...