WARNING: THIS IS A RAW/UNEDITED VERSION. EXPECT TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERRORS AS YOU READ THIS STORY.
Nagising ang binata dahil sa pag-iingay ng kanyang cellphone. Agad niyang idinalat ang mata at tumingin sa paligid. Madilim. Tanging liwanag lamang galing sa cellphone ang tanging paraan para makita niya ang paligid. Inaantok pa siya at ayaw niyang buksan ang ilaw ng kanyang silid.
Tumagilid siya sa kinahihigaang kama at kinuha ang kanyang cellphone na nakalagay sa itaas ng nightstand. One message received. Naalimpungatan at bahagyang nakabukas ang mga mata niya nang binasa niya ang naturang mensahe.
MISS ME?
Bumangon ang binata sa kama at tinitigan muli ang mensahe. Mula ito sa hindi kilalang numero. Nagsimula siyang magtaka dahil saktong alas-dose ng gabi nang matanggap niya ang naturang mensahe. Sino naman kaya ang nag-send sa kanya nito? Naisipan niyang tugunan ng sagot ang nagpasa ng mensahe.
Sino ka? aniya.
Ilang segundo lang ay nakatanggap siya ng reply. DON'T YOU REMEMBER ME?
Nagtaka ang binata kaya naisipan niyang mag-reply muli. I'm so sorry pero hindi talaga kita talaga kilala. It's midnight at wala ako sa mood na makipaghulaan sa'yo so please, magpakilala ka na.
Humiga muli sa kama ang binata at inilagay sa tabi ang cellphone. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. Inaantok pa siya. Marahil makakatulog na siyang muli at titigil na ang nagbibigay ng messages sa kanya.
Ilang minuto lamang ang nakalipas ay nakatanggap siya ng reply. Agad niya 'tong binasa. Tumayo ang balahibo niya sa buong katawan.
YOU SHOULD KNOW ME. YOU CAUSED MY DEATH A YEAR AGO.
"Sino ka?" kabadong bulong ng binata. Bumangon siya mula sa kanyang kinahihigaan at lumapit sa bintana. Hindi niya alintana ang lamig na nararamdaman ng kanyang mga hubad na paa. Nais niyang makadungaw sa bintana at magmasid.
Walang tao sa kalsada. Tahimik ang paligid sa labas. Naliliwanagan ng mga poste ng ilaw ang mga daanan. Wala siyang makitang kahit anong senyales ng paggalaw. Marahil tinatakot lamang siya ng texter na ito.
Mabilis niya itong sinagot. Wala akong oras sa mga kalokohan mo! Kung ikaw man 'to, Dylan, tumigil ka na! Hindi ka na nakakatawa!
Mabilis na nakatanggap siya ng sagot. SINONG NAGSABI NA KALOKOHAN LANG 'TO? KALOKOHAN BA NOONG HINAYAAN NIYO AKONG MAMATAY?
Napalunok ng madiin ang binata. Kinakabahan at kinikilabutan na siya. Nararamdaman niya ang paglamig ng paligid. Nanginginig na siya dahil sa mga alaalang pilit niyang kinakalimutan. Hindi ito maaari. Pilit na niya 'yong kinalimutan, ngunit bakit siya minumulto ng mga alaalang 'yong ngayon?
Anong kailangan mo sa akin? Pagsagot niya.
BUHAY MO, sagot niya.
Bigla ay nakarinig siya ng katok mula sa pintuan ng kanyang kwarto. Tatlong beses at ito'y tumigil na. Napatitig lamang ang binata doon at ayaw niyang gumalaw. Napaparalisa siya ng takot. Hindi niya magawang makakilos. Sino namang kayo 'yon at bakit kumakatok siya ng ganitong oras ng gabi?
Sumagi sa isipan niya na marahil ay 'yon ang nagbibigay ng mga mensahe sa kanya. Naghihintay na 'yon sa labas upang takutin siya. Marahil ay kalokohan na naman 'yon ng mga kaibigan niya dito sa dormitoryo.
"Sino 'yan?" sigaw niya.
Ngunit walang sumasagot. Katahimikan lamang ang bumati sa kanya. Kahit na kinakabahan ay lakas-loob na lumapit ang binata sa pintuan. Pinihit niya ang doorknob at dahan-dahan 'tong binuksan. Unang niyang inilabas ang ulo at sumilip siya sa paligid. Madilim ngunit walang senyales ng kahit anong tao. Tahimik lamang at mukhang tulog na ang lahat.
Nakahinga ng malalim ang binata at tuluyan nang lumabas ng pintuan. Napansin niya ang maasim at tila bakal na amoy ngunit hindi na niya 'yon inintindi. Marahil guni-guni lamang niya ang kanyang narinig. Marahil mga kaibigan niya lang ito na niloloko siya. Alam nila ang nangyari isang taon na ang nakakalipas ngunit walang umimik tungkol sa kagimbal-gimbal na nakaraang iyon... hanggang ngayon.
"Anong pumasok sa isipan nila at binibiro nila ako tungkol dito?" bulong ng binata habang nakatingin sa kanyang cellphone. "Mga tarantado talaga 'tong mga 'to."
Zap. Napatingala ang binata nang mapansin niyang bumubukas ang mga ilaw ng hallway. Sino kaya ang nagbukas ng mga 'yon?
Nang naliwanagan na ang buong paligid, napatingin ang binata sa pader na kaharap ng pintuan. Tila nakalimutan niyang huminga. Nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakikita. Nagsimula muli siyang kabahan at nanginginig ang kanyang mga kamay. Doo'y nabitawan niya ang hawak na cellphone. Bumagsak 'to sa sahig.
Sa pader ay nakasulat ang partikular na salita gamit ang pulang tinta na mukhang dugo: LIAR
Napatakip ang bibig ang lalaki. Nakaramdam siya ng presensya sa kanyang tabi. Doo'y nakita niya ang isang tao na nakasuot ng hoodie na itim. Natatakpan ang mukha nito kaya hindi makita ng binata. Kapansin-pansin ang hawak nitong cellphone sa kaliwang kamay at isang kutsilyo sa kanan.
"Si-sino ka?" takot na tanong ng binata.
Itinaas ng hindi kilalang lalake ang hawak na patalim. Mabilis na pumasok ng silid ang binata. Nang isasara na niya ang pintuan ay biglang pinigilan 'yon ng lalaki! Buong lakas na pinilit ng binata na maisara at mai-lock ang pintuan ngunit hindi niya magawa dahil sa misteryosong lalaki.
"TULONG! TULONG!" sigaw ng lalaki.
Laking gulat niya nang humampas sa kanya ang pintuan. Napaatras ang binata at siyang bumagsak sa sahig. Tuluyang bumukas ang pintuan at pumasok ang hindi kilalang lalaki. Pinilit na makalayo ng binata ngunit paggapang paatras na lang ang tangi niyang nagagawa. Nababalot na ng takot ang kanyang buong katawan.
"Huwag kang lalapit sa akin!" sigaw ng binata.
Umabante ang lalaki at tinapakan ang binata sa dibdib. Nawalan ito ng hangin sa baga at nagsimulang umubo. Nagsimula na rin siyang lumuha dahil sa matinding takot at sakit na kanyang nararamdaman. Inupuan siya ng misteryosong lalaki sa dibdib at hinila bigla ang kanyang buhok. Parang matatanggal na ang anit ng binata dahil sa lakas ng pagkakahila nito.
Patuloy lamang sa pagsigaw ang binata. Ninais niyang magpumiglas ngunit hindi niya magawa dahil sa bigat ng lalaki na nakapasan sa kanya. "S-sino ka? Anong kailangan mo sa akin? Bakit m-mo ginagawa 'to sa akin?" pahingal na tanong ng binata.
Hindi sumagot ang misteryosong lalaki. Itinutok lamang nito ang patalim sa leeg ng binata at agad na nilaslas ang leeg nito. Sumirit ang dugo mula sa hiwa ng leeg ng binata at halos mapaliguan nito ang suot ng misteryosong lalaki.
Agad na tumayo ang lalaki at tinitigan ang binata habang napupumiglas ito para makahinga. Parang isda na nagbubukas-sara ang bibig nito at tila bulate na gumagalaw sa sahig. Nagsimula nang mapuno ng dugo ang bibig nito, gayon na rin ang sahig na kinahihigaan niya.
Muling lumuhod ang naka-hoodie na lalaki at may inilabas na isang susi sa kanyang bulsa. Buong diin niya itong ipinasok sa bukas na lalamunan ng binata. Tumirik ang mata ng lalaki. Hindi na siya makahinga. Nalulunod na siya sa sariling dugo. Unti-unting dumidilim ang kanyang paningin. Bumibigay na ang kanyang katawan.
Tumayo muli ang misteryosong lalaki. Hawak ang kanyang patalim ay lumabas na siya ng silid na pawang walang nangyari.
Siya namang binawian ng buhay ang binata na siyang naliligo sa sarili niyang dugo.
BINABASA MO ANG
Liars All
Mystery / ThrillerNagsimula na ang pagpatay sa mga naninirahan sa Selford Dormitory, at walang ideya ang mga natitirang buhay sa kung sino ang gumagawa nito sa kanila. Lahat ay may motibo. Lahat ay may itinatagong lihim. Lahat ay nagsisinungaling. Magawa pa kaya nila...