Chapter 14 - I'm more scared of you.

9 2 0
                                    

''Hey!'' Pagtawag nito sa kanya. ''Ella!''
Nagmamadaling tumawid siya sa kabilang kalsada. Walang pakialam kung magmukha man siyang baliw. Magta-taxi nalang siya dahil walang sapin ang kabila niyang paa. All she cares about is to stay away from the prince of elves bago pa siya ma-hypnotize nito ulit.
''Damn!'' Napadapa siya sa daan nang bigla sumagid ang kirot sa talampakan niya. She was shock to see blood seeping out from her left sole, may nakabarang bubog doon. Sobrang daming dugo. She's scared of damn blood. Napaigik siya sa pinagsamang kirot at takot. Bloody hell!

''Ella! What happened?'' Dinaluhan agad siya ng prince of elves. ''God, I'm so sorry. This is all my fault.'' Hindi mapakaling paghingi nito ng paumanhin sa kanya. ''Hang in there. I'm taking you to a doctor.'' Itinaas nito ang kamay na parang may sinenyasan.
''No!'' Umiiyak na sininghalan niya ito. '' I'm not going anywhere with you!''

''What happened? Is she hurt?'' May mga lumapit na nagja-jogging at bystanders sa kanila.

''Let's take her to a hospital. My car's over there.'' Pagmamagandang-loob ng isa.

''Thanks for the offer. I'll be the one to take care of her. Thank you.'' Magalang nitong tanggi. May kinuha itong puting panyo sa bulsa at maingat itong inilapat sa sugat niya.

''S-Slaven. .W-What are you doing??'' Nagpa-panic na tanong niya.

''We have to stop it from bleeding. I'm sorry Ella. Take hold of my arm and close your eyes. You have to trust me, okay?''

''Slaven. . .'' She begged.

''Just trust me. Close your eyes.'' Magaan nitong utos na agad din niyang sinunod. Napasigaw siya ng malakas nang bunutin nito ang bubog na nasa sugat niya. Agad nitong itinali nang mahigpit ang panyo sa talampakan niya to stop it from bleeding. Hindi na siya nagprotesta nang pangkuin siya nito. They've caused too much scene already.

''Boyfriend ba ng babae yung lalaking bumuhat sa kanya?'' Narinig niyang tanong ng babaeng naka tight jeans.

''Ewan. Mukhang artista sa Koreanovela yung lalaki eh. Ang gwapo-gwapo!'' Kinikilig na sagot ng isa.

''Ay, mukhang nobya nya yung babae. Kanina pa ako paikot-ikot dito at kanina ko pa sila nakitang nag-uusap. Ang sweet-sweet nga eh. Ang swerte nung babae, ang gwapo kaya ng nobyo niya!'' Kinikilig ding sabat ng matabang babae.

Hindi maiwasan ni Ella'ng tingnan ang pagmumukha ng lalaking bumubuhat sa kanya ngayon. Hindi kaya siya nananaginip lang?

''Gracious! What happened to her?'' Gulat na salubong ng babaeng Pinay sa kanila. She remembered her name, Leah. Nasa harapan ito ng van, di kalayuan sa mga taong nakikiusyoso sa kanila.

''She step on something sharp. We have to take her to a hospital. Her foot's hurt pretty bad.''

***--***

Agad silang inasikaso pagdating nila sa 'emergency receiving area' ng hospital. Bahagya pang pinagtinginan ng mga tao at hospital si Slaven. Sa bagay, sa ayos nito't tindig, hindi maiiwasang makakuha talaga ito ng atensyon. Hinubad nito ang polo'ng nadumihan at may bahid ng dugo. He's now wearing a white sleveless shirt, na mas lalong nagpalaway sa mga kababaihan.

''Slaven, just stay in the car, will you?'' Shinye begged him.

''No. I'm staying here with Ella.'' Matigas nitong tanggi at ginagap ang kamay niya. She's suddenly out of breath. Bakit ba kapag hinahawakan siya nito'y nawawala ang kakayahan niyang huminga?

Kani-kanina lang ay hindi pumayag si Slaven na kargahin siya ng driver o hospital staff. Ito ang umalalay sa kanya. At kahit ngayon ay isasakay na siya ng wheel chair, papasok sa operating room, ay nakaagapay pa rin ito.

''But people are buzzing around you. Obviously they know who you are and --''

''Don't push it Shinye, okay? I'm the one responsible for what happened to Ella, so I'm sticking around. " Pinal at mariin nitong putol sa mga sasabihin pa sana ni Shinye.

"Excuse me Sir. You're only allowed to wait outside of the operating room." Pinigilan na nga ito ng doctor's assistant. Hawak-hawak pa rin kasi nito ang kamay niya papasok ng OR.

"C-Can't I just go inside with her?" Atubili nitong tanong na hindi pa rin binibitiwan ang kamay niya. Gustong magwala ng puso niya. Bakit? Takot siya sa gagawing 'operasyon' sa paa niya, sa dugo at sa tahi. Pero mas takot siya s epektong dinudulot ng mga ginagawa ni Slaven sa kanya. Kailangan niyang kumawala rito. She let her hand free from his hold.

"I'ts okay Slaven, I'll be fine. You don't have to look after me."

" But you're scared, aren't you?"

"I'm not." I'm more scared of you. Gusto sana niyang idagdag. Wala nang nagawa si Slaven ng itulak papasok ng OR ang wheelchair niya. Gusto na niyang himatayin pagkakita sa mga operating tools na naroon. Gagamitin ba iyon lahat sa kanya?


Bigla'y napalingon siya sa pintuan'g pinanggalingan. She last saw Slaven's face giving her an assuring look. He mouthed, 'You'll be fine.' Para'ng gusto niyang hilahin ito at pakiusapan'g samahan siya. She's damn scared. Nasa'n na ang toothpick to calm her nerves when she's nervous?


"Doc, sandali."

"Yes?" Kunot-noo'ng baling ng doctor sa kanya.

"May toothpick ba kayo?"


Naalimpungatan si Ella feeling her hand heavy. She opened her eyes and saw white everywhere. Oh great! 'Am I dead? Nasa langit na ba ako?' tanong niya sa sarili.

Ibinaba niya ang tingin sa nabibigatan niyang kamay. Someone is holding her hand! Pilit siyang umayos ng upo para sinuhin ang nakayukyok sa higaan niya habang nakaupo sa isang silya at natutulog.

" Nasa langit na yata talaga ako." Nasambit niya ng tuluyang masilayan ang mukha ng nilalang na nakahawak sa kamay niya. It's Slaven. Saka lang niya naalala ang nangyari sa kanya. She caught sight of her bandaged foot na nakataas sa isang unan.

Gusto niyang magalit dito dahil kasalanan naman talaga nito ang nangyaring 'aksidente' sa kanya. But she can't get the will to do so. Nahihipnotismo'ng tiningnan nalang niya ang mukha ng anghel na natutulog sa gilid ng kama niya while holding her hand. Pinipigilan niya ang sarili, pero ang hirap hindi kiligin. It's been ages since she last felt this way.


" Ella!" Saway niya sa sarili. She shouldn't be feeling or even be thinking this way. But then. . . she turned towards Slaven, and again she marvels at his handsome face. Bakit ang kinis ng pisngi nito? Wala ni isang pimple o black heads! Dinaig pa nito ang babae sa kakinisan ng balat lalo na sa mukha. She fight hard the urge to touch his face. Pero ang pasaway niyang kamay, parang may sariling isip na kusang dumapo sa noo ng lalaki.

"Drat!" Mabilis niyang binawi ang kamay ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

COME BACK TO ME, SLAVEN  | #Wattys2019Where stories live. Discover now