Chapter 4 - Kimchi. Di ba Korean 'yon?

29 2 0
                                    

******ANJELIN'S P.O.V.******

"Geng? Memorize mo pa ba 'yung kanta ng alien crush mo?" Napakunot-noo ang kaibigan'g si Ella sa tanong niya. Mukhang nagulat pa ata ito sa tanong niya. Sabagay, first time na nangyari'ng siya ang unang nag-open up sa topic na iyon.

"Why do you ask?"

"Ahm...wala. Curious lang. Gasgas na kaya ang mp mo sa kaka-kinig mo sa kanta'ng yan. Hindi mo pa ba memorize?" Kunwari ay wala lang niyang tanong.

Nakangiting tinanggal nito ang earpiece sa tenga. "Kunwari memorize. Hindi ko nga lang sure if tama ba. Magkatunog naman, so siguro pareho. 'Wag mo lang ipa-spell sa akin ha, butata ako du'n."

"Weh? Di nga? If ipapakanta ko ba sa'yo at pakikinggan ko rin 'yung original, masasabayan mo?" Hamon niya dito. She has to push Ella far enough para patulan siya nito.

"Hmm.." Kunwa'y nag-isip ito. "Siguro. Pero kailangan ko pa rin ng background music ni Slaven para magsabay kami. Kunwari duet." Aba, nasa mood magpagoyo si Ella. Lulubos-lubusin na niya.

" O sige nga. Pakinig. E-on speaker mo ang mp mo tapos sabayan mo. E re-record ko naman sa phone ko para makita natin. I will rate you then after, kapag nakapasa ka, ililibre kita kahit ano." Nagdududang tiningnan lang siya ni Ella na parang nababaliw na siya. "O ano?"

"May binabalak ka ba Ge?" Matalino talaga si Ella. But she knows she has to outwit her this time para manalo.

"Binabalak na ano? I just want to know kung may natutunan ka kahit isang alien word dyan sa pinapakinggan mo. Para ka na kasing baliw dyan. Gusto ko lang malaman kung alien ka na rin ba. Narinig mo na ba ang boses mo lately? Maganda sana ang boses mo, kaso hindi ko talaga ma-gets. Baka mamaya, kung ano-ano ang pinagsasabi mo, mali naman pala. Pakinggan lang natin if tama ba." Pangungumbinsi niya dito. Nang hindi ito sumagot, nagpatuloy siya. "Ebi-video kita, panoorin natin after, at e-compare sa original. O di ba, masaya?" Pilit ang ngiting sabi niya. She's really crossing her fingers that she will agree.

"Ang weird mo talaga today. Ano ba'ng nakain mo?"

"Kimchi. Di ba Korean 'yon?"

"Ewan. Japanese ata."

"Pareho lang 'yon. Pareho naman silang mga singkit." Katwiran niya. "So ano na?"

"Bakit kailangan pang e-video?" Hirit pa rin nito. "Recording nalang. Baka mam'ya e-post mo pa sa Youtube, maging scandal pa."

Nabilaukan yata siya sa sariling laway. Natumbok nito ang balak niyang gawin. Ayaw niyang magsinungaling sa kaibigan but she have to do this for Ella. Alam din niyang magagalit ito kaya hindi niya pwedeng ipaalam dito ang gagawin niya.

"Hindi naman masyadong ilusyonada ang dating mo nyan geng?" Geng ang tawag-lambing niya dito. "Umayos ka nga! Tayo-tayo lang ang makikinabang sa kabaliwan mo. Nakakahiya sa ibang Pinoy. English na nga tayo ng English sa trabaho natin, mag e-alien ka pa? Asa'n na ang pagiging maka-bayan natin niyan?"

Mukhang nakumbinsi naman niya ito dahil nakangising inayos nito ang mp3 player at speaker nun sa mesa nila.

"Sige na nga. Kunwari nalang music video. Pero promise mo, ide-delete mo pagkatapos nating panoorin ha?"

"Oo na. " Napipilitan niyang sagot. "Sorry Ella but I have to do this. 'Cause I know you deserve this." She opened her video recorder, and got ready. "Go Ella. Make me proud."

"Teka." Dali-daling inayos nito ang player. "Paki-pindot nalang ang play button, track number 7, ready na yan." Inayos pa nito ang bangs at magandang buhok. At matamis na ngumiti. "I'm ready when you are."

Anjelin hit play on the player and on her video recorder. She signaled OK to Ella. Pumainlang ang magandang musika.

*** Writer's Note: Please play the video of 'Come Back To Me' by Se7en on the multimedia section. ***

Hmm...hmm...hoooh..yeah. No, no. Geujo nan pyunhan maeume,
Yojeum ne anbooreul morroso.
Haengbokhanje nugul mannaneunji,
Yejonchorom non areumdawoonji.
Geurohkejal jinaegil,
Apeun il dashin obgil.
Saerowoon saranghe,
Owoollindaneun geu mal.
Gidarimyhunso. . .

*****

COME BACK TO ME, SLAVEN  | #Wattys2019Where stories live. Discover now