"Hey!" Nagulat siya sa malakas na pagtapik ng team supervisor nila'ng si Jen sa balikat niya. "Where were you blood-hunting again last night? Aantok-antok ka na naman. What if a call gets in?" Napangiwi nalang siya. Sanay na siya sa palaging panenermon nito at ng QA nila'ng si Ms. Verziel. They just care for her so much.
"You know I can't sleep mornings. Ang ending, daig ko pa ang naka-inom ng sampung sleeping pills. The worst part is, I can't sleep because I'm at work." Graveyard shift kasi siya. Kaya from 9 pm to 5 am ang duty niya in Philippine time.
"You bet you can't! So you better adapt, or else you will be reprimanded. Paano na lang kung hindi ako kundi ang floor manager ang nakahuli sa'yo? For sure ----"
Napangiti siya when her Avaya rings. She was saved from Jen's wrath for now.
"Thank you for calling Quality Network. This is Ella speaking. How may I help you today?" Ngingiti-ngiting tinalikuran niya ang supervisor at hinarap ang computer.
~~~
Anak ng. . . Halos magkatali-talisod na siya sa pagmamadali. Kahit walking distance lang kasi ang boarding house niya. Sobrang bagal pa rin niyang mag-ayos at kumilos. Sana lang talaga hindi traffic sa elevators ngayon kung hindi, lagot talaga siya nito.Papasok na sana siya sa ground floor lobby ng office building nila, nang may humablot sa braso niya. Muntik pa niyang masapak ang hudyo'ng nanggulat sa kanya kundi pa siya napatulala.
"Excuse me, Miss. Your name please." Napamulagat nalang siya nang bigla nalang nitong hilahin ang ID niya. "Hmm... Ella. Nice name." Basa nito't binitawan ang ID niya. "Anyway, I need your help." Ano daw? Wow! Close ba sila? Heto nga't hindi pa siya nakakabawi sa pagkakatulala sa mukha ng kaharap. Ngayon naman, kung umasta ito'y parang matagal na silang magkakilala.
Who is he???
~~~
"Bwisit! Bwisit talaga!" Hindi matapos-tapos ang litanya ni Ella pagkalabas nila ng opisina."Ano na naman?" Taas-kilay na usisa ng bestfriend at ka-opisina niyang si Anje. "Nahuli ka na naman siguro'ng may ginagawa'ng milagro sa shift mo noh?" Naiikot nalang niya ang eyeballs at no choice na nagkuwento sa kaibigan.
"Kaya pala na late ka ng log in kanina. Pati sa lunch ay nag over-break ka rin ah." Anito na nangingiti. Kapag ganito ang itsura ni Anje, alam niyang may naiisip na naman itong kalokohan.
"Kaya nga ako na late dahil sa gago'ng chekwa na 'yon! Naku! Bwisit talaga oo! Ayan tuloy, may piso na naman ako!" Ang toothpick na nginangata niya sa bibig ang napagdiskitahan na naman niyang panggigilan.
"Bakit ba palagi'ng nakapasak sa bibig mo, itong totpik na 'to!" Pabiglang hinablot nito ang totpik at itinapon.
"Anjelin! Nanahimik 'yung totpik sa bibig ko! Pinapakialaman mo!" Inis niyang sabi.
"Nananahimik?! Dahil luray na luray na! Diyos ko! Maawa ka naman do'n sa pobre'ng totpick Ella! Sa araw-araw na ginawa ni Lord, palagi mo nalang nginangata ang pobre'ng totpick na yon. At saka isa pa, wag mo nga'ng dalhin yang ugaling barrio mo dito! Nasa city ka na, asal bundok ka pa rin!" Frustrated na saway ng kaibigan niya.
"Hello?! Every after meal po ako nagpapalit ng totpick noh! Excuse me. At isa pa, taga bundok naman talaga ako ah. I'm proud of my roots!"
"'Wag kang pilosopa. May pa roots-roots ka pang nalalaman. Tigilan mo na 'yang mga habit mong bawas ganda points. Lalong-lalo na iyang panghuhugot mo ng lisa sa buhok kahit nasa cubicle ka sa operations floor! Para kang chimpanzee!"
YOU ARE READING
COME BACK TO ME, SLAVEN | #Wattys2019
RomansaShe's an ordinary girl, who admires a Korean superstar. She fell in love with his songs with the singer's soulful voice. But didn't really noticed the handsome singer behind the song. What if fate brought them together? Is it really fate? Or her cra...