Chapter 1 - Haayyy. . .buhay.

88 2 0
                                    

Nag-iisip, nag-iisip. Teka, ano ba'ng iniisip ko?

Haayyy....buhay.

Ang hirap talaga'ng mag-isip kapag walang laman ang tiyan. Pati utak, nahahawa.

Kanina pa ngumangawa ang sikmura ni Ella. Para'ng naririnig pa nga niya ang mga bulate niya na sumisigaw.
"Boss, gutom na kami. Pa burger ka naman dyan."

"Mga choosy'ng bulate kayo! Ni fried egg nga wala."

Nababaliw na nga yata siya dahil sa gutom. Pati imaginary bulate niya sa tiyan kinakausap na niya. She ignored the insistent grumbling of her stomach and focused once more on the task she has.

Ella is a call center agent by profession, but a romance writer at heart. She's a cliche of all hopeless romantics out there. Matagal na rin niyang pinangarap na magkaroon ng libro'ng ma-ipa-publish. It's also her only ticket out of her job. Ang sakit sa ulo at balakubak niyang trabaho.

"Diyos ko! Maawa na kayo! Ang alam ko biniyayaan ninyo ako ng kagandahan at katalinuhan. Pero bakit yung una nalang ang natira? Nasa'n na 'yong huli?" Aniya sabay sipat sa sariling repleksiyon sa salamin na nasa ibabaw mismo ng kama niya. Napangiwi siya sa nakita. "Pati ba naman ang aking kagandahan kukunin nyo na?" Sabog ang dati pa'y magulo na niyang buhok, hindi kasi niya nakahiligan ang magsuklay. Nakakalat na rin ang maskara sa ilalim ng mga mata niya. Nakaipit naman ang totpik sa bibig, na akala mo'y nakakain na. Ang totoo kaninang umaga pa siya walang kain. Malapit na kasi ang a-diyes. At kapag ganun'g malapit nang sumweldo. Siya ay isang poorita'ng frog.

"Hay naku! Buhay! Kung wala lang akong mga binubuhay!" Napangiti nalang siya ng maalala ang dahilan ng kanyang pagsisipag. She reach for her phone on the bedside table and dialed her mother's number. Naka ilang ring muna iyon bago may sumagot.

"Hello? Ate?" It's her brother France.

"Dong, pakausap kay Mama."

Her brother called their mom.

"Hello?" It's her mother.

"Ma? Kumusta ho kayo dyan?"

"Okay lang naman kami dito. Ikaw? May kinakain ka pa ba?" Napabungisngis na lang siya. Her mother knows her too well.

"Meron pa naman hong totpick. Kaya keri pa." Pabiro niyang tugon.

"Baliw. Buto't balat ka na nga. Hindi ka pa kumakain ng maayos. Pa'no kung magkasakit ka na naman niyan?"

"Ma, wag ho kayo'ng mag-alala. Model ho itong anak n'yo kaya kailangan ko ho ma-maintain ang aking figure. Isa pa ho marami pa tayong utang na kailangang bayaran kaya hindi pa ho ako pwedeng kumain." Dagdag biro niya.

"Palagi mo nalang kasing inuuna ang mga kailangan bilhin ng mga kapatid mo. Halos hindi ka na nga nagtitira para sa sarili mo. Sinabi ko na naman sa'yo na hindi mo na katungkulan 'yan. Obligasyon na yan ng walang hiya mong ama kaya--"

"Ma." Saway niya dito. "Ma please. Ayoko na munang makarinig ng kahit ano tungkol kay Papa, please? Ayoko'ng ma-stress." Mahinahon niyang pakiusap dito.

"O siya sige. Oy, si Chloe inaagaw ang phone. Gusto ka niyang kausapin."

She smiled at the thought of her three-year-old sister. Ito ang bunso sa kanilang walong magkakapatid.

"Mama." Narinig niyang tawag sa kanya ng bata.

"Hi baby. How are you baby?" She spent more time taking care of Chloe than her mother actually did. Her mother was too busy chasing away their womanizer father. She barely had time to take care of the then infant child. Kaya nasanay ang bata na siya ang palaging nasa tabi nito. Ang Mama o nanay- nanayan ng bata.

"Are you still pretty?"

"Yes. Even more pretty than you Mama." She laughed softly at the response. At her age, matatas na magsalita in English ang kapatid niya. Nasanay kasi ito na sa ganoong lenggwahe niya kinakausap.

"That's not true. Our beauty is equal because you are my daughter."

"Okay." Gumaan ang loob niya pagkatapos ang tawag. Forgetting about her hungry stomach she ended the call.

Her story would have to wait. She have work later so she have to get sleep.

COME BACK TO ME, SLAVEN  | #Wattys2019Where stories live. Discover now