Prologue

48 5 0
                                    


10 years ago in a remote province

Sa hindi inaasahang ♫

♫ Pagtatagpo ng mga mundo ♫

♫ May minsan lang na nagdugtong ♫

♫ Damang dama na ang ugong nito ♫

"Ang galing mo naman kumanta!" sabi ng tindera

"N-nay! Anjan pa pala kayo"

"Aba'y syempre, tindahan ko to"

First time kong naranasan na may ibang taong nakarinig sa pag tugtog ko, sa kwarto ko lang kasi ito pinapraktis. Nahihiya pa akong marinig nila ang tugtog ko, gusto ko yung sigurado na akong kaya ko na dalhin sarili ko.

Andito ako ngaun nakatambay sa bahay nila tito, paborito ko yung tindahan malapit sa kanila. Sila lang kasi ang nagtitinda ng candy cigar, feel na feel ko ang pag gitara habang nasa bibig ang candy cigar para akong yung mga nasa banda.

"Tear! Tara na! Andito na sila" sigaw ng pinsan ko at tumatakbo na pa punta sa mga tropa

"Teka lang! Pasok ko lang gitara ko!" sigaw ko pabalik

"Huy yung nasa bibig mo! Amin na lang yan! Idadamay mo pa kami nyan!" Palokong sigaw nung kambal naming tropa

"Bilisan mo na! Ayokong naghihintay~!" sigaw ng babae naming tropa

Tumakbo ako pa balik sa bahay nila pinsan na nasa tapat lang ng tindahan. Mag swiswimming kami sa tabing ilog malapit lamang dito. Mejo napaaga nga lang sa alam kong oras kaya nabigla ako at andito na silang lahat.

"May kailangan ka, iha?" Tanong ng tindera sa babaeng nakatulala lang

"Iha! Okay kalang?"

"A-Ahh! B-Bakit po?"

"May bibilhin ka ba?" Tanong ng tindera

unknown girl POV:

Hala. Bat ako napunta dito sa may tindahan? Para akong na guni-guni nung kumakanta. Ang galing niya kahit parang magkaidad lang kami.

"Y-Yung kinakaen po nung nakaupo dito kanina"

"Sigurado ka? Etong candy cigar?"

"O-Opo. Sige po"

Hayyy, wala naman ako gustong bilhin. Umoo na lang ako, nakakahiya naman.

"Kilala mo yung kumakanta kanina?" Tanong nung tindera

"H-Hinde po"

"Ang galing niya, ano?"

"O-Opo, babalik pa po kaya siya?"

"Nako, iha. Nagbabakasyon lang iyon dito, tiga Maynila ang pamilya niya"

Tumango lang ako at ngumiti. Ang galing niya kumanta, ngaun lang ako nakarinig ng kaidaran ko na ganun kumanta. Ito ba ang pakiramdam ng paghanga..?

Unknown girl POV:

♫ Sa hindi inaasahang.. Pagtatagpo ng mga mundo ♫

Red String TheoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon