Chapter 3

23 4 0
                                        

"Kakarating palang natin lasing ka na agad boni?" Sabi ng isang chix na nakapilipit kay Nash. Syota ata ni Nash.

"Ayos ah, ako lang talaga?" Sabi ni Boni.

"Ter, si Janis pala girlfriend ko"

"Hiii, bagay kayo ni Nash!" sabi ko

"Wehh. Mas bagay kayo ni Loree. Yieee!" banat ni Janis

Walangyang to. Friendly si ate huh. Pero iba talaga ang mga Yoram. 2 years ang lamang ko kay Nash, hindi talaga nagpapahuli ang bata ko. Lupet din ni Janis. Cute but terrible datingan.

"Tara na! Gutom na ako. Marami nanamang dala si tita, no?"

Sabi ni Nash na kilalang kilala na si mama. Kala mo talaga binyag na benteng pamilya ang kakaen.

At tuluyan na kaming pumasok sa loob. Kinamusta ng mga tropa ang buong pamilya. Partikular sila Boni at Owen na close kay tito Noah. Pi na-shot sila agad nito ng alak bago tumuloy sa kusina.

Sinalubong naman agad nila Sierra at Koni si Loree sa pinto palang. Tropa ni Sierra si Loree nung nag stay kami dito at may isa pa silang kasama sa grupo nila na balita ko ay lumuwas na daw sa manila para mag aral. Magkaka-idad sila Nash, Sierra, at Loree. Parang feeling ko nga saling pusa lang ako sa kanila.

"Nakooo, Loree. Diba may nag sabi sayo dati na pag 18 mo daw pwede ka na daw nya i-kiss?" banat ni Sierra habang ngumisi ngisi.

"Sierra!! Walang ganyanan!" namumula ang pisngi ni Loree habang pinapalo palo si Sierra

"Yiee!! Single yan si Ter!!"

Walangya to. Kala niya hinde ko siya naririneg. Sabay hinila ako ni Sierra at pinatabi kay Loree. Nilabas niya ang cellphone niya at umaktong pipikturan kami. Sasakalin ako nito ni Luca pag nakita nya to.

"Dali, dali!! Dikit ka pa, Loree!"

Ako na nahihiya para kay Sierra, kala mo lasing. Inakbayan ko na si Loree para matigil na siya at nagdikit ang ulo namin. Model na model talaga dating ni Loree, matangkad ako pero halos nagdikit pisngi namin.

"Oh Emmmm!! Tag ko nalang kayo, ha?! Kiligs muchhh"

Sabay derecho alis bigla sila pa punta sa may sala. Parang nambulabog lang ang loko.

"Oy, Loree. Tara kaen na tayo. Andun na sila"

Ang init ng katawan ni Jam nung nagdikit kami. Para rin siyang nakainom sa pula, lalo na pisngi niya. Natulala rin siyang parang na shock na ewan nung pinikturan kami.

Bata palang kami ganito na siya lagi pag nasa paligid ako. Hindi ko maintindihan kung bakit siya ganyan noon, iniisip ko dati nahihiya lang ata siya kasi nakakatanda ako ng onti. Pero sa mga inakto nya ngaun, mejo napagtanto ko ng onti na may gusto ata siya sakin.

"Oh, asan si Nash?"

"Hinahanda lang niya yung mga gagamitin nating table at upuan sa labas. Ako na bahala sa kanya, kumaen na kayo" sabi ni Janis.

Sanay na sanay na ata si Janis dito sa bahay nila, at home na at home na siya. Ganun din sila Boni at Owen, nakataas pa mga paa nila habang nakaen.

Kumuha na kami ng plato ni Loree. Parang buffet dito ang daming nakahain. Pag si mama talaga ang naghanda parang bibitayin na yung mga kakaen.

"Ganyan ba dapat ang kinaken para gumanda ang katawan?"

"H-Ha? Hindi naman maganda katawan ko ah" namumula pisngi ni Loree

"Kung hindi ka pa nyan sexy, wala ng may panget na katawan sa mundo"

"C-che! Kumuha ka na nga!"

Red String TheoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon