Shet. Oh amang dyos, pasensya na po kayo sa mga maitim na bumabalot sa isipan ko pero punyemas sobrang hot ni Loree. Bumabakat na panty niya sa shorts. Dyos miyo. Nanginginig ako sa gigil.
"T-Troy! Anung tinitingin mo jan, tulungan mo kaya ako dito"
Namula mga pisngi niya bigla. Tumayo siya ng derecho at sumandal sa may tabi ng ref. Nilagay nya ang mga kamay niya sa likuran nya na parang naka buhol. Ang lalim ng tingin niya sakin na mejo naka kagat-labi.
Lumapit ako at humarap ako sa mga titig niya. Naririnig ko na ang malalalim niyang hinga sa sobrang lapit namin sa isa't isa.
"May kailangan ka pa ba, Loree?"
Nilagay ko ang isang kamay ko sa tabi ng kinakatayuan niya, na para bang nakakulong siya sa katawan ko. Bumitaw siya ng tingin at yumuko na parang nangangatog sa kaba.
"N-Naaalala mo ba yung pangako mo saken? Nung nasa fishpond tayo?"
Inangat ko ang muka niya at sinapo ang nakaharang niyang buhok patungo sa gilid ng tenga niya. Nagkaharap muli ang mga mata namin, ilong nalang namin ang pumapagitan sa aming muka. Nararamdaman ko na ng literal ang init ng tension ng kanyang mga titig. Hindi mapakali ang mga mata niya sa labi ko at pabalik balik sa mata ko.
"Hinding hindi ko kahit kailan nakalimutan ang kagandahan mo, Loree.."
Hinawakan ko ang pisngi niyang napaka init, pumikit siya at nakabahagyang bukas ang bibig. Bumitaw ang mga kamay nya sa kanyang likuran at hinawakan ng mahigpit ang damit ko.
Para bang inaalay niya na ang buong kaluluwa niya sakin. Mamasa masa pa ang labi ni Jam, naaamoy ko na ang hininga niyang may halong alak at candy. Salamat po, amang dyos, sa lahat ng biyayang binahagi nyo saakin. Wala na po akong hinihiling pa sa mga oras na ito kung di ang mga labi lang ni Loree. Hininga nalang namin ang pumapagitan sa matamis na labi ni Loree, ng biglang.
"Loreeeee!! Okay ka lang jan?! Uhaw na kame!" sumigaw si Nash sa labas
"S-Sorry!!"
Dumilat bigla si Jam at bumitaw sa mahigpit niyang hawak. Napausog ako at mas mabilis pa siyang nawala kesa sa bula. Para akong pesteng nahuli sa akto at hindi alam ang gagawin sa buhay.
PUT%*^#%@$%!!
Yun nalang talaga tumatakbo sa isipan ko. Isang malaking PUT%*^#%@$% nalang. Sinusumpa kita Nash. Alam ko boses mo yon hayop ka. Gawin mo na lahat ng masama sa buong mundo, wag mo lang sugpuin ang nagliliyab na apoy. Punyeta!!
Emotionally injured na ako, hindi ko na alam pano pa ako dederecho sa buhay. Sigurado akong sa isang parte ng mundo ngayun, pinagtatawan ako nila Luca. Eto ang gusto ng mga sadistang iyon, ang makita akong pumalya. Pakyu kayong lahat lagpas earth!!
Naghilamos nalang ako sa lababo, at nagbukas ng sarili kong beer. Kumuha narin ako ng tsitsirya at lumabas ako na parang na snatchan ako. Naka upo sa pwesto ko si Janis katabi si Loree, may napansin ata siyang iba kay Loree. Etong unggoy naman feel na feel ang pag kanta ng mga minus 1. Tinabihan ko siya
"Aken na muna to. Nyeta ka"
"O-Oh? Baket ganyan muka mo?" natatawang nagtatanong si Nash
♫ Jopay ♫
♫ Kamusta ka na? ♫
Tinitignan ko ng masama si Nash habang kumakanta, tas tinataasan ko siya ng kilay habang tinuturo sa mata sila Loree at Janis sa harap namin. Nanlake mga mata ni Nash sa kanyang napagtanto. Napatawa siya ng malakas bigla.
♫ Jopay ♫
♫ PASENSYA KA NA ♫
Sinigawan ko siya sa mic pagsabi ko nung lyrics sabay hineadlock ko siya hanggang namutla siya. Sorry siya ng sorry, hindi naman daw niya kasi akalain na umiiscore na pala ako. Mejo maaga pa kasi, kahit ako hindi ako masyado handa sa eksenang yon. Sobrang kinakabahan na ako non, gising pa kasi lahat ng tao.
"HOY!! Anung ginawa mo kay Loree?! Pawis na pawis si Loree tas hingal na hingal pag balik niya dito!" sabi sakin ni Sierra na pinipisil ang ilong ko.
"T-Teka! Wala oy! Tinulungan ko lang siya dun sa mga kinuha niya"
"Kinuha? O kumuha ng halik? Bwahahaha!" biro ni Owen habang pinapagalitan ako ni Sierra
Kung tutuusen, halos nahalikan ko nga naman siya. Magkadikit na halos labi namin. Sobrang alat ng pangyayareng yon. Tipong birit na birit ka na tas bigla kang napiyok tas na utal. Punyemas.
Di bale, mahaba pa ang gabi. Marami pang pwede mangyari. Ang mahalagang importanteng number 1 ay naalala parin niya yung pramis namin nung bata pa kami. Hanggang ngaun pala pinanghahawakan parin pa pala niya yun.
Parang na kokonsensya tuloy ako, pero hindi ko alam kung hanggang saan ko kaya labanan ang alak. Oh amang dyos, humihingi po muli ako sa inyo ng lakas. Gabayan po ninyo ako sa tuwad este tuwid na daan.
Sakto rin na dumating si Koni, may napagaabalahan na silang iba. Pinasa ko na kay nila Sierra ang mic nangungulet kasi si Koni na kumanta. Pinahila ko na kay Nash si Janis, tas pa ngisi ngisi sakin si Janis na parang aso habang nagpapalit kami ng pwesto.
Nginitian ako ni Loree habang papaupo ako, dumikit siya sakin at pinilipit ang mga braso nya sakin sabay sumandal. Ang pula na ni Loree, pinataasan nya kasi yung tagay nung umikot sa kanya ang shot. Sinaglit din nyang ubusin ang isang bote ng pilsen. Parang kala mo yung mga brgy. tanod samin kung mag inom.
"Loree, sorry ha. Nabigla lang ako kanina"
"S-Sorry din. Hindi ko alam bakit ko nasabi yun. Nakakahiy--"
"Shhhh.. Okay na yun"
Sabay kiniss ko siya sa may noo, at mas humigpit ang yakap niya sa braso ko. Kinuha niya yung song book at naghahanap ng ipapa kanta niya sa akin. Yumuko ako sa may table at tinignan ko si Loree.
"Pero totoo yung sinabi ko sayo, Loree. Habang buhay ng tatatak sakin ang kagandahan mo"
"AYY nako!! Naman eh!! Nakakainis to!"
Sabay pinagpapalo niya ako ng songbook, at mas namula siya lalo. Nakangiti siyang natatawa tawa, hindi mo alam kung nahihiya o kinikilig eh.
Pero shet habang tumatagal tong gabi mas nagagandahan lang ako lalo kay Loree. Lalo na pag na ngiti siya ng biglaan. Yung tipong galing talaga sa puso ang dahilan ng ngiti niya. Luca, sorry pero hinding hindi ko ipapakilala sayo si Loree.
"Oh, yan! Napaka landi mo. Kantahin mo nalang yan para mas matuwa ako sayo~"
"Oy, oy! Patapusin mo muna ako! Langya to" Sabi ni Owen na hinaharanang pilit si Sierra.
"Naka next lang yan, unggoy!" nabatukan pa tuloy siya ni Koni
"T-Tadhana..? Yan ba yung sa up dharma?" tanong ko kay Loree
"Hehee. Please?"
Seryoso? Talagang yan pa yung napili niya sa kinapal netong song book na ito? Ang nostalgic.. Matagal tagal ko narin tong hindi nakanta. Eto yung pa punta kami sa fishpond para mag swimming, ayaw daw niya ng pinaghihintay pero bandang huli siya rin yung naiwan at inintay parin ako. Bigla tuloy akong napapa reminisce.. Tadhana nga ba?
Papalapit sa amin sila papa at tito Noah, humingi ng yelo samin. Tas naguusap sila nung tungkol sa manghuhula at bigla akong tinanong ni papa
"Ter, may tindahan ba na malapit dun sa bahay natin? Makulet tong tito mo eh"
"Langya to nakikipagtalo pa, eh ako tong nakatira dito sa bikol!" banat ni tito Noah
"Meron pa, yung sa may bandang unahan ng court. Bakit?" tanong ko kay papa
"May manghuhula daw doon eh, may gusto lang ako pahulaan. Anu ba pangalan non?"
"Mag isa lang yon doon si Oulan, tuwing magpapahula ako andun lang siya lagi sa tindahan niya. Pero parang balita ko kasama na niya yung anak nyang si Odessa. Kaya siguradong may tao don!" sabi ni tito
Odessa.. Si Odessa nga pala..
♫ Tadhana instrumentals ♫
"Ter! Ikaw na!" sabi sakin ni loree habang inaabot ang mic
Seryoso ba talaga lahat tong nanyayari na ito? Nagkakagulo na sa utak ko. Eto ba ang sagot mo sakin, oh amang dyos ko? May tadhana ba talagang namamagitan dito?
Tadhana nga ba talaga..?
![](https://img.wattpad.com/cover/52058555-288-k219107.jpg)
BINABASA MO ANG
Red String Theory
RomanceThis story follows Tear Egan and the band's backstage shenanigans turned soul searching. Through joy and misery, loyalty and betrayal, fate and destiny, whether or not its the right time and place. The epitome of our existence, woven and clad eterna...