Chapter 2

29 4 0
                                    

Ako'y nakisindi ng yosi at nagpasyang umalis na lamang.

Hindi rin ako pwede magtanong kay Odessa, masyadong halata.

"Tear, tulungan mo na kapatid mo at para masimulan na ang pinunta dito" utos ni papa

"Magdala kayo ng lalagyan ng mga pamimilhin, yung styro box para malamig parin ang mga alak pag dating, yung mg-.." pinigilan namin si mama.

"MA! Okay na yan tara na hindi na yan kailangan" Sabi namin ni papa habang umiiling.

Tumulong na ako sa pagkarga ng mga gamit at nakapwesto na kami sa loob, si Sierra na lang hinihintay.

"Bzzzz Bzzzz" nag vibrate cellphone ko. May tumatawag ng video call sa group chat.

"Aga aga muka niyo makikita ko, sinisira niyo ba araw ko?!" Patawang banat ko

Habang pinag papakyu nila ako sa videocall at nagtatawanan sa likod. Sila ang mga ka banda ko sa Red String Theory at ang bida bidang si Luca ang una kong nakita, ang vocals namin.

"Tol pasalubong namin. Lalo na yung personal request ko ha. Yung panty ni Loree, ha? Bwahahaha!!" Banat ni Luca

"Tangina ka talaga wala ng magandang lumabas sa bibig mo! Hahahhaha!!" Sagot ko.

"Ulol ka! Wala kang maloloko dito. Para lang tayong bayag na pinagbiyak, mas cute nga lang ako sayo!" Halakhakan ang mga tropa sa call.

Para narin silang pamilya ko, malapit din sila sa family ko lalo na si Luca. Siya ang frontman namin sa banda and my bestfriend, very natural sa kanya ang makipag PR sa mga tao. As charming as it can get, like a pop star on stage all the time. The life of the group.

Maya maya, dumating na si Sierra. Nasa likod kame naka pwesto, naabutan niya akong ka videocall ang banda. Dumikit siya sakin at siniksik ang muka nya sa video.

"Whoaaa!! Sierra, my loves so sweet. Oh so beautiful" biglang gameface si Luca. Natatawa lang si Sierra. Sanay na siya sa mga gimik ni Luca.

"Hoy unggoy, alam ko yang tono mong yan umayos ka" sabi kong natatawa

"Sierra, ako na to. Mon amour pour toi est éternel" banat ni Luca

"Gift ko!! Wag mo kong daanin sa French!!" Banat ni Sierra

"Sierra, wag ka na maghanap ng iba, ako na bubuo ng 18 roses mo sa debut" banat ni Luca

Tuluyan ng inagaw sakin ni Sierra ang cellphone ko at siya na ang nakipagkulitan sa mga tropa. Inabot ko ang headphones ko at nagpatugtog nalang muna. Palabas na kami ng gate, tinanaw ko agad ang tindahan nila Odessa. Ganun padin.. bawi na lang next life.

Dumaan muna kami ng bayan at namili ng mga ihahain sa bahay nila tito, partikular ang sandamukal na mga alak. Kala mo may binyag eh.

"Oh, Tear. Bayaran nyo na yan. Intayin nyoko sa entrance para dun na mag karga." sabi ni papa

"Hello? Sino to?" sabi ng kapatid ko habang may kausap sa cellphone.

"KONI!! Bat iba na number mo!!!!" sabay takbo sa may harap ng entrance.

Nasa lahi talaga ang palengkera, dyos ko. Mejo mahaba ang pila, ang daming namimili. Ng biglang huminto mundo ko sa narineg ko.

"Des!" sabi ng isang babae.

"Hoy Deshay!"

Sabi ng kasama nila. Grupo sila ng mga teenager na babae.

Kumutob ng matindi ang dibdib ko. Napa facepalm nalang ako at hindi tumitigil sa pagkabog ang dibdib ko. Kala ko si Odessa. Anu ba tong pakiramdam na to. Para akong nangangatog. Biglang gumulo sa dibdib ko. Kairita.

Red String TheoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon