"Ha? Kilala mo yan?"
Lumapit ako ng lumapit hanggang sa hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya. Nagising ako sa realidad ng bigla siyang lumingon sakin at nanliit ang mga mata niya na para bang nagtatakang nakatingin. Napatalikod ako bigla at mabilis na lumabas sa music store habang hilahila ko si Sierra. Namukaan niya ata ako, gusto ko pa sanang lumingon bago makalayo pero hiyang hiya ako sa nanyari.
Litong lito itsura ni Sierra habang hinihila ko siya palayo. Hindi mapakali dugo ko. Para akong magpapalpitate sa kaba. Hindi ako matahimik sa nanyareng eksena.
Eto ba yung love at first sight?
Ni minsan hindi ko ito naranasan sa maynila, hindi naman din ako naghahangad ng relasyon. Eneenjoy ko lang buhay binata ko, pero hindi ko maintindihan ngaun etong nararamdaman ko kay Odessa. Kahit sa isipan ko, pag napapadaan siya, parang may naglalaro lagi sa sikmura ko. Shit. Kailangan ko ng sampal ni Luca.
"Huy, anu ba yon?" sabi ni Sierra
"Hinde wala. Tara"
"Ha?? Abnoy ka na ba?"
Nauna ng naglakad si Sierra sa unahan ko habang pa iling iling ng kanyang ulo. Halos mapunta kami sa kabilang entrance sa paglayo namin sa music store. Kaya pala tuwing umaga, si manang lang ang bantay sa tindahan. Nagtratrabaho pala siya sa bayan. Ang galing pa niya kumanta, ang unique ng boses niya. Marami akong kilalang mga veteranong babaeng singer sa manila, pero wala pang nakapagpataas ng balahibo ko ng ganun.
"Hoy, bilasan mo na! Tawag na tayo" sabi ni Sierra
"Sige lang"
"Ha?? Sira ulo"
Hinihila na ako ni Sierra sa bagal kong maglakad, para akong nasa prusisyon. Bakit ba ibang iba dating niya sakin? Pare parehas lang naman sila. Bakit gulong gulo kaluluwa ko sa imahe palang niya? Anung oras kaya siya uuwe? Nasa tindahan kaya siya mamaya? Shet excite na excite ako sa kanya. Sarado na isip ko sa itsura niya.
"Sierra, dalhin ko na yan"
"W-Whoa?! Seryoso yan?"
Kinuha kong mabilis sa mga braso niya ang mga pinamili niya at tinabihan ko siyang naglalakad. Takang taka siya sa inakto ko at pilit niyang sinisilip ang bawat kanto ng katawan ko sabay nag dadasal na para bang kinulam ako. Hindi ako mahilig magpakita ng kagalangan ko lalo na kay Sierra pero parang kaya kong gawin lahat sa nararamdaman ko ngaun.
Di nagtagal, nakabalik na kami sa may coffee shop kung saan naghihintay sila papa at mama. Inip na inip na si papa, samantala si mama chill lang pa selpon selpon.
"Tara na kala ko magtatagal pa kayo eh" sabi ni papa na kunot na kunot na ang muka
"Napaka impatient naman nito ang bilis ko pa nga sa lagay na to eh" sabi ni Sierra na kumukunot ang labi
"Mabilis pa ang isang oras?! San nagmana tong anak mo?" sabay tingin kay mama
"Malamang babae yan, nung nagdadate pa nga tayo masmatagal pa ako magikot ikot sa mall wala ka naman imik" sagot ni mama
"Eh syempre bata pa tayo nun, tanda na ko oh mabilis na sumakit katawan"
"Muka mo masaket. Naka upo ka lang sumakit katawan mo sipaen kaya kita para masakit talaga" sagot ni mama na natatawa
Dinaig pa kaming mga bata nitong magulang namin. Kanina lang hindi nagiimikan, tas biglang nag debate, tas ito naghaharutan na. Pero kakaiba parin talaga yung level of connection nila, for how many decades at ganito parin sila. Talagang makikita mo sa kanila ang patunay na may mga bagay at tao talagang tipong initakda ng tadhana sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Red String Theory
RomanceThis story follows Tear Egan and the band's backstage shenanigans turned soul searching. Through joy and misery, loyalty and betrayal, fate and destiny, whether or not its the right time and place. The epitome of our existence, woven and clad eterna...